Part 2

853 14 2
                                    

GABRIELLA

'Ma, dito na po ako'
Itinulak ko ang maliit na gate. Medyo  tumunog pa ito dahil sa mga bakal na kulang na ata sa langis.

Pagpasok ko sa bahay ay agad agad akong sinalubong ni Hannah. "Pasalubong?" Sabay lahad ng dalawang kamay sa akin ng 6 years old kong kapatid. Siya yung bunso sa aming tatlong magkakapatid na babae.

Naupo ako sa sofa at kinuha ko sa bag ko ang biscuit na naitabi ko para kay Hannah. "Si Kuya Migi bumili nito?" Ngumiti siya habang nakatitig sa biscuit na binigay ko. Actually, kahit ano naman yung ibigay mo sa batang ito e naaappreciate niya. Minsan nga inuwian ko siya ng candy, natuwa pa din e.

"Siguro dapat 'thank you Ate' ang sinasabi mo bebe girl"

"Kay Kuya Migi galing to e"

Hindi ako nagtaka. Madalas kasing galing talaga kay Miguel ang pasalubong ko sa kanya kaya siguro nasanay na siya.

"Sakin galing yan no!"

"Weh?" Sabi niya habang binubuksan ang biscuit. "Akin na nga yan!" Aakto akong kukunin ito ng tumakbo siya pakusina.

Saktong labas naman ni Mama na naghahanda na ng hapunan. Suot pa niya ang apron habang dala-dala ang lagayan ng ulam.

"Hannah, wag mo na munang buksan yan. Baka wala ka ng gana mamaya" inilapag niya ang hawak hawak at inayos ang mesa.

"Gabriella, magbihis ka na at kakain na tayo"

Lumapit ako sa kanya para humalik at magbless.

"Sige Ma, akyat na po muna ako" sabi ko at umakyat na ako sa kwarto. Pabagsak akong naupo sa kama. Nawalan talaga ako ng gana mula kanina pa.

"Si Migi daw pinopormahan si Edessa? Totoo ba?" Hingal na hingal pa si Barbs nung binalita niya yun sa akin yun kanina.

Edessa? Migi?

Nakakairita. Ang dalas naming magkasama pero wala man lang siyang nasabi?

Halos dalawang taong  pagkakaibigan! Tapos ganito? Malalaman ko pa sa iba? Nakakainis talaga.

Mula nung naging close kami ni Miguel ay hindi ko man lang siya narinig na nagkwento tungkol sa ibang babae. Dati siguro, nung hindi pa kami close e may mga naririnig rinig na ako pero di ko naman naconfirm dahil wala pa akong pake non sa kanya.

Mula kasi nung 3rd year, never ko siyang nakitaan ng interest sa ibang babae e. Minsan pa nga ako pa yung nang-aasar sa kanya pag may babaeng tingin ng tingin sa kanya pag nagmamall kami.

Wala akong narinig na crush niya maliban kay Lily Collins at Selena Gomez. Ni hindi ko nga naririnig na may katext siya o ka-PM.

Gusto kong kalbuhin si Miguel ngayon. Ako, lahat sinasabi ko sa kanya kung may nagpapalipad hangin sa akin. Minsan nga siya pa nagsasabing 'Hay nako Gab, may gusto yan sa'yo' o kaya naman 'Iwasan mo yan, player yan'

'Hi' lang yung sinabi nung tao, may gusto na agad? Player agad? Yun si Miguel. Exagg siyang madalas.

Nabadtrip talaga ako. Ang daya!

"Ate, kain na daw sabi ni Mamaaaa" pasigaw na sabi ni Hannah. Hindi pa naman ako nakakapagpalit.

"Oo. Sunod na ako" sabi ko at nagmadali na akong nagpalit.

"Wala kang gana?" Tanong ni Mama. Tatlo lang kaming kumakain ngayon dahil wala pa si Papa at Ate. "Baka naman kung ano ano ang kinakain mo sa school a, Gabby"  dugtong pa ni Mama.

Konti na nga lang yung kinuha kong pagkain, hindi ko pa maubos. "Nagfishball lang po kami ni Miguel  kanina bago umuwi"

"Wag ka ngang mahihilig sa mga pagkaing ganon, Gabriella. Kaya ka nangangayayat e"

Bestfriend (Full Story) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon