Part 4

656 18 2
                                    

GABRIELLA

Masakit pa ang ulo ko dahil sa medyo late na ako nakauwi kagabi tas may assignments pa akong ginawa kaya medyo napuyat talaga ako.

Hindi ko na nga namalayan yung alarm e. Kung sino ang nagpatay dito ay hindi ko rin alam.

9:30 Am na pala kaya masakit na sa balat ang sinag ng araw na pumapasok mula sa bintana. Pinilit kong bumangon. Kinuha ko ang cellphone ko sa may malapit na lamesita at tiningnan kung may nagtext doon.

4 text messages. Yung dalawa, group message lang from Barbs and Jenny. Yung isa, from Miguel at yung isa from unregistered number.

I read Miguel's first. Alam mo na, priorities.

Migueliito De Leon: Good morning Gabriella!

Good morning lang?

Me: Good morning, Miguel!

Pagkasent ko ay binuksan ko naman ang text from uregistered number.

0915*******: Good morning, Herrera! Si Ian to. Kinuha ko number mo sa attendance form kagabi :)

I saved the number tas tinabi ko na ang cellphone ko at bumaba na para makaabot pa ako sa almusal.

Pagkababa ko ay naabutan ko si Ate na nasa tapat ng desktop computer namin. 2nd year college na si Ate.

"Si Mama, Te?" Tanong ko sa kanya at dumirecho na sa lamesa at tiningnan kung ano ang pwedeng ma-ialmusal doon.

"Hinatid si Hannah sa school" matipid niyang sabi. Ni hindi man lang ako nilingon. Tinimplahan ko ng Milo ang sarili ko at inumpisahang kainin ang medyo malamig na sinangag at hotdogs sa lamesa.

Mabuti na lang pala at nagising ako ng tanghali na dahil sa tuwing na sa bahay lang si Ate ay hindi ako makagamit ng computer tas minsan pagsinasaltik pa siya e pinapatay niya ang wifi. Bumabagal daw ang internet niya pagkumuconnect ako.
E ano namang palag ko? Panganay siya. Kaya nga pinilit kong tapusin ang homeworks ko kagabi kasi alam ko na, di na naman ako makakapwesto.

It really sucks to be a middle child.

Pagkatapos kong kumain at hugasan ang pinggan na ginamit ko ay umakyat na lang din ako sa kwarto. Nasa may sala kasi malapit ang computer namin kaya pati TV hindi mo pwedeng buksan. Maingay daw kuno.

Tatlo kaming babae sa pamilya. Si Mama, plain housewife tas si Papa, government employee. Hindi kami mayaman at simple lang ang buhay namin.

Minsan nga gusto ko ng hilahin ang panahon. Gusto ko ng makapagtrabaho para naman makapagpahinga na din si Papa. Alam kong super hirap na siya. Dalawa kaming pinapaaral niya tas ilang buwan na lang ay magcocollege na rin ako.

Kinuha ko ang phone ko. E ano pa bang gagawin ko kundi pumatay...pumatay ng oras dahil 12 pa ang pasok ko. 11 kami nagkikita ni Miguel sa may kanto.

1 text from Migueliito De Leon.

Migueliito De Leon: Pasok tayo ng maaga!

Umupo ako sa kama.

Me: Bat anong meron?

Migueliito De Leon: May meeting yung basketball team e. Kailangan ko ng alalay ☺

Bestfriend (Full Story) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon