Krishna's POV:
Pauwi na kami ngayon ni Mommy kina Lola muna ako mag sstay hanggat vacation. Pero uuwi din akong AC para maghanap ng school na lilipatan. Naglalaro ako sa phone ko ng biglang may magtext. Unknown number. Sino naman kaya to.
*1 message recieve*
From: 09*********
Hi :)
Di ko kilala yung number kaya di ko nalang nireplyan. Ayoko kasing nakikipag text sa di ko kilala at tamad din akong magtext. Maya maya May nagtext ulet. Same number.
*1 message recieve*
From: 09*********
Krish. Si Mer to.
To: 09*********
Oh. Ikaw pala. Baket? # mo to?
From: 09*********
Gala daw tayo mamaya bago umuwi si Cav sakanila. Hindi kay Cav # to.
Kay Cav pala number so sinave ko na din. Friends naman na kami diba? So pwede kong isave number nia. Onga pala broken family din si Cav. Pinsan niya si Mer sa father side nakatira siya sa Mommy niya talaga. Bale pumupunta punta lang siya dito. Malapit lang din naman sila mga 30 minutes drive m.
To: Cavind
Oh. Cg. OTW na din naman kami papunta jan. Sunduin niyo nalang ako.
From: Cavind
Ok. Ingat daw sabi ni Cav.
Napataas nalang kilay ko sa text ni Mer alam ko namang siya lang yun. Di ko nalang siya nireplyan. Malapit na rin naman kami samin. Ihahatid lang ako ni mommy kina Lola. May pasok pa siya bukas sa office.
------------------------------------------------------
Kasama ko na sina Cavind ngayon nandito kami sa bahay nila Angel. Kompleto nanaman silang magkakaibigan. At masama nanaman ang tingin sakin ni Conny. Katabi ko kasi si Cav nasa kabila ko naman si Angel kanina pa nga ako niloloko ni Angel. Hindi pala sila close ni Conny. Asar din daw siya dito.
"Tignan mo kung makatingin sayo para namang sila ni Cav." bulong sakin ni Angel.
"Baka naman kasi gusto niya talaga si Cav. Pero may boyfriend siya diba?" kung gusto talaga ni Conny si Cav bakit di niya nalang hiwalayan yung boyfriend niya. Mukha namang close din sila ni Cav kahit na alam ni Cav na may gusto sakanya si Conny.
Or baka gusto din siya ni Cav di niya lang mapakita dahil may long time boyfriend na si Conny.
Parang bigla May naramdaman ako kakaiba, too early to feel that way kaya ipinagkibit balikat ko nalang.
"Duh! If he likes her sana dati pa. Hello eh simula bata magkakaibigan na kami nuh." Nakairap pa na sabi ni Angel.
Sabagay. Kung gusto nga siya ni Cavind dapat dati pa. Mukha namang handang hiwalayan ni Conny yung boyfriend niya para kay Cav.
So kung magiging kami ni Cavind wala akong mababangga. Ay wait! Ilusyunada much. Di ko naman alam kung gusto ako ni Cavind. Minsan talaga yung kalandian ko lumalabas.
"Sabagay. You have a point. Apir." humahagikgik na nag apir nalang kami ni Angel. Para bang alam namin yung iniisip ng isa't isa.
Naweweirduhang tumingin samin si Cavind. Katabi ko nga pala siya buti di narinig pinag'usapan namin.
"Problema niyo?" salubong na kilay na sabi ni Cavind samin.
"Hala. Inaanu ka namin?" nakataas na kilay na sabi ko.
"Tss. Mga babae talaga." bumubulong na sabi nito saka bumalik ssa pangangalikot sa internet. Mukhang madaming katext eh. Kanina pa hindi binibitawan yung cellphone.
"Sunget." sabay belat at nag make face ako sakanya.
"Srsly, mukha kang tanga." nakasimangot na sabi nito.
"Anung sabi mo?" magkasalubong na kilay na sabi ko. Tawagin ba naman akong tanga. Kaasar to ah.
"Wag mo nga akong kausapin. Busy ako." masunget na sabi nito na sa laptop lang nakatingin nag fafacebook yata kasi siya. Bastos na to di tumitingin sakin pag kinakausap ako, di ba kaaya ata anG mulga ko para di niya matin na tignan. Sa ganda kong to? Asar ah.
"Bakit anung bang ginagawa mo? Napaka importante naman yata ng kachat mo." naiinis na sabi ko. Kabadtrip talaga. Ugh!
"Bakit gusto mo malaman? Selos ka?" nakangising sabi nito. Napanganga nalang ako sakanya. Wow may side pala siyang gamot o bipolar lang siya? Lakas niya lang naka badtrip. Ang kapal ng mukha. Ako magseselos? Feeler!
"Excuse me!? Bat ako magseselos? Anu ba kita?" nanggagalaiting sabi ko. Pinalo ko pa yung braso niya.
"Uiiiiiiiiiiiii! LQ agad?" malakas na sabi ni Tin.
"Siya kasi!" sabay na sabi namin ni Cavind. Inirapan ko nalang siya.
Pagtingin ko sa mga kasama namin silang lahat pala nakatingin na samin at mukhang pinapanuod kami kanina pa. Pag tingin ko kay Conny inirapan ako. Aba! Inirapan ko nga din. Kala niya ba siya lang marunong magtaray gantong badtrip ako.
"Ito kasi nagseselos sa mga katext ko." tinuturo pa ko ni Cav para ipagdiinang ako ang nagseselos.
"Napaka feeler mo talaga eh nuh? Kinagwapo mo yan?" maangas na sabi ko sakanya.
"Di ko na kaylangan yun. Masiado na kong gwapo." hinimas pa nito ang baba niya na parang gwapong gwapo talaga sa sarili.
"Grabeeeee! Kaya siguro ganyan kalaki katawan mo ang hilig mo magbuhat ng sarili mong bangko." sabay bato ng chips dito.
"Sabi na nga ba pinag nanasahan mo katawan ko eh." Mas laling lumaki ang ngisi nito. Nanlaki naman lalo bigla yung mata ko. The nerve of this guy.
"Ay saang banda ng katawan mo ang pagnanasahan ko." nakangisi ding sabi ko sakanya.
"Ito oh." sabay tayo at pakita ng katawan niya. Grabe ang tangkad niya talaga. Kakangawit siyang tignan. Nakaupo pa naman ako. Aminado naman akonv maganda ang katawan niya pero di ko aaminin sakanya yun. Baka mas lalong lumaki yung ulo eh.
"Your impossible." sabi ko nalang at tinalikuran na siya. Tumingin ako kay Angel at nanunukso ang tingin nito sakin. Mukhang nag eenjoy pa to sa asaran namin ni Cavind.
"Grabe. Nakakakilig kayo mag'away." kinurot pa niya yung gilid ko. At saka nangiliti.
Natawa nalang ako sakanya. Pagtingin ko sa mga kasama namin kausap na nila si Cavind at inaasar ito. Grabe, may side palang ganun ang lalaking to. Gwapo na sana mayabang at mahangin lang.
----------------------------------------------------------
Super minadali ko tong chapter na to. Sorry kung sabaw.