Chapter II (Age doesn't matter)

30 2 0
                                    

Mer's POV:

"Insan, do you like Krish?" Tanong ko kay Cavind.

Pansin ko kasi kanina pa nila niloloko si Cavind kay Krishna kaya tuloy nakasimangot si Conny. She like Cavind a lot though she already have a long time boyfriend. Hindi kasi siya gusto ni Cavind. As a friend ou, pero in a romantic way? I dont think so. May pagka player din kasi ang isang to. Akala ko nga naka move on na si Conny pero mukhang hindi pa pala.

"Hmm. She's pretty pero hindi ko alam. Kakakilala palang natin sakanya. Nagagandahan lang siguro ako sakanya." Seryosong sabi ni Cavind. Mukha namang nagagandahan lang siya, Pero diba pag nagandahan ka sa isang babae May chance na magkagusto ka sakanya? May bago sakanya na madalang niyang gawin at sa tingin ko hindi magtatagal magkaka'something sila ni Krish or baka maging sila pa nga eh. Kung gusto din siya ni Krishna.

"Talaga lang ah." naghihinalang sabi ni Angel. Inaasar niya lang si Cavind wala kasing kinukwento samin yan kung sino girlfriend or kahit fling lang niya ngayon dahil imposibleng wala sa dami ng nagkakagusto sakanya. Palau na ang lumalapit at lalaki lang siya.

"Why do you need to pilit ba kasi na Cavind like that girl. He told you na hindi niya gusto yun." pa'conyo na sabi ni Conny. Halatang bitter kay Krish. Si krishna kasi yung laging napapansin kagabi.

"Dont call her girl she has a name. Krish, Krishna. Ok? Bitter ka nu kasi sumama si Cav nung sinundo at hinatid si krish kanina. And because she's pretty and Cavind likes her." nang'aasar na sabi ni Jay.

"Tss. Why would I? Si Cavind na din nagsabi hindi niya gusto yung babaeng yun. Right Cav?" asar na sagot ni Conny. We all know her. Naiinis na yan kay Krish dahil kay Cavind. Obviouly gusto niya padin si Cavind.

"Tama na yan. Baka mabulunan pa si Krishna pinag'uusapan niyo siya." sabat ni Cavind para tumigil na si Jay at Conny. Ewan ba kay Conny ang tagal na naman nila ng boyfriend niya bakit pilit pamg hinahabol si Cavind.

"Tara na nga. Uwi na tayo may pupuntahan pa tayo." yaya ko nalang para di na humaba yung usapan. Malalaman ko din kung gusto ni Cavind si Krishna. Alam ko na gagawin ko. Bagay naman sila eh. Boto pa ko kay Krish para sa pinsan ko. Napapangisi nalang ako sa plano ko.

_____________________________________________________________

Krishna's POV:

Nagcocomputer ako ngayon. Binuksan ko yung fb ko ang daming friend request. Pag tingin ko sina Mer, Cavind, Angel, Jay, Tin, Andy at Conny at yung iba pang kaibigan nila saka mga di ko kilala. Inaccept ko nalang sila Angel at mga kaibigan niya.

Una kong tinignan yung fb ni Conny, wala lang curious lang ako. Pag tingin ko sa album meron siya dun na puro sila lang ni Cavind. Di ko masasabing sweet yung mga pictures kasi di naman naka smile si Cavind. Tatlo lang yata yung naka smile siya tapos stolen shots pa. Wala siyang picture ng boyfriend niya. Kinakahiya niya ba o sadyang si Cavind talaga yung gusto niya? Pero sabi matagal na sila.

Tinignan ko ung facebook ni Cavind. Walang masiadong picture puro mga tag lang. Usually mga nagbabasketball siya. So he's a basketball player. Eh sa mga girls, player din ba siya? I asked myself. Mukha namang hindi kasi wala kong makitang kalandian niya sa wall niya, though may mga girls na obviously nilalandi at kinukuha ang pansin niya wala kang makikitang may sinagot siyang comment na alam mong pinapatulan niya ang pagfliflirt sakanya. Sa bagay mukha naman siyang snob eh. Mas lalong madaming maaattract na girls sakanya. Nachachallege kung baga. Tall not so dark and handsome. Tapos tahimik pa siya and basketball player di ko lang alam kung magaling siya.

Maya maya tumunog yung cellphone ko. Nagtext si Mer punta daw kami kina Tin kasama si Cavind. Di ko alam kung papayag ako, baka kasi nandun si Conny. Alam at ramdam ko naman na ayaw niya sakin in fact pati nga ata yung sister niya na si Cel ayaw sakin eh, feeling ko pilit lang pagkausap niya sakin. Nagreply ako na maliligo muna ko saka ako nagpasundo sakanila.

If Its Meant To Be, It Will Be.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon