KALABAW

522 3 0
                                    

Sa unang tingin, ang higanteng at may sungay na hayop na nag-aararo sa bukid ay nakakatakot sa mga maliliit na bata. Mukhang kaya ng kalabaw na sugurin ka at saksakin ka gamit ang kanyang mga sungay bago ka tapak-tapakan nito.

Ngunit ang kalabaw ay isa sa mga pinakaimportanteng hayop dito sa Pilipinas. Marami nang henerasyon ng mga magsasaka ang dumepende sa mga kalabaw para padaliin ang pag-aararo ng mga bukid nila. Nararapat lang na pasalamatan natin ang mga kalabaw sa kasaganahan ng ating pagkain.

Kahit nagpalit ang mga ibang bansa, lalo na ang mga mauunlad, sa mga modernong makina, karamihan pa rin sa mga magsasaka natin ay nanatili sa paggamit kalabaw, hanggang sa punto na naugnay na ang kalabaw sa pagiging Pilipino at naging pambansang hayop natin ito. Pero sa mga maliliit na bata, kakailanganin pa rin nila ng tapang para lapitan ang higanteng tumutulong sa pagpakain sa kanila.

7 SCARY HORROR STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon