ASWANG, TIKBALANG AT MGA LAMANG LUPA

1.7K 12 0
                                    

Kung nakanood ka na ng mga Shake, Rattle and Roll na pelikula, baka nakita mo na ang mga tatlong ito. Ang pinanggalingan nila sa kulturang Pilipino ay dating-dati pa.

Pinakatanyag sa tatlo ang Aswang. Lumilipad, tumitiktik, nagpapalit-anyo, at kumakain ng lamang-loob ng mga tao. Sa kasikatan at katakutan nito, ginagamit ito ng mga magulang, lalo na ng mga taga-probinsya, para disiplinahin ang kanilang mga anak.

Ang tikbalang naman ay isang kalahating kabayo, kalahating tao na nilalang. Sinasabing nililigaw nila ang mga naglalakbay, ngunit hindi iyon ang dahilan kung bakit ka matatakot sa kanila. Normal bang makakita ng isang machong tao na may ulo ng kabayo at katawan at paa ng isang kabayo?

Ang mga lamang-lupa naman ay mga nilalang na nakatira sa ilalim ng lupa. Makikipaglaro sayo ang mga iyon. Huwag ka lang magulat kapag biglang nag-iba ang kanilang kasiyahan at nagmukha silang gusto kang patayin.

7 SCARY HORROR STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon