Chapter IX

1K 17 7
                                    

NOTE: Dedicated sakanya! Goodluck sa story mo! Yieeeeeee! =DDD

Enjoy!

_______________________________________________

Chapter IX - New

Kathryn's POV

Monday nanaman at sobrang inaantok ako. Eh pano ba naman late na ko nakauwi kasi naman dami pang ginawang wala naman sa plano. Lalakas ng mga trip ng mga yun kagabi eh. Kaya eto. Pinipilit kong magising sa English class ko. Si Jannah naman ayun. Tulog na tulog na. Palibhasa nagsusulat lang ng lectures si Ma'am sa board eh.

"Uhmm, may ballpen ka?" Napatingin naman ako sa katabi ko. 

"Ahh. Oh eto oh." Binigay ko naman sakanya yung extra pen ko. 

"Thanks." Sabi nya sabay ngiti. Ano nga uli pangalan nito?

"Ahh, pwede magtanong? Ano nga uli pangalan mo?" 

"Uhmm, Janette. Janette Oineza"

"Uhh, sorry. Di lang talaga ako masyado nangingialam sa paligid ko. Yan tuloy hindi kita kilala."

"Ahh, hindi mo ata talaga ako makikilala. Kakalipat ko lang kasi ngayong araw dito sa section na to. Hehe." Ngayong araw? Siguro nga hindi ko siy napansin kasi inaantok talaga ako. 

"I'm Kathryn Bernardo. You can call me Kath. Nice meeting you." Ako. Then inabot ko naman sakanya yung kamay ko para makipag shakehands. Kinuha niya naman  agad yun.

Pagkatapos nun nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan. Grabe ang ganda niya rin pala. Simple lang din siya magdamit. Kaso napakamahiyain. Naisipan ko namang itanong sakanya kung ba't siya lumipat ng section.

"Ba't ka nga pala lumipat ng section?"

"Ahh, yun ba. Nalaman kasi ng principal na nabubully ako. Kaya ayun pinalipat niya ko dito sa section na to tapos yung mga nambully naman ayun nasuspend."

"Nabully? Ikaw? Nino?" Dami ko bang tanong? Hahaha

"Ahh. Yung mga babae lang sa section namin." Sabi niya sabay yuko. Sigurado ako yung mga mean girls yun. 

"Tch. Pero ba't ka naman nila binubully. Maayos ka naman ahh."

"Ahh, hindi. Mahirap lang kasi kami. Nabigyan lang ako ng scholarship kaya nakapasok ako dito sa school na to."

"Ahh. Kaya pala." Napatango na lang ako. Napakasama naman ng mga babaeng yun. Grabe sila! Porket mahirap, di na pwede mag-aral? Eh kung paguntog-untugin ko kaya sila ng matauhan? Psh.

"Ahh, sorry Kath." Napatingin naman ako sakanya and nakayuko siya na para bang nahihiya ng sobra?

"Sorry para saan?"

"Eh kasi nakipag-usap ako sayo. Baka masira image mo. Sikat ka pa naman." Janette.

"Ano ka ba Janette. From now on we're friends. Tsaka di na ka na ibang tao noh!"

"Ah hehehe. Jane na lang. Thank you talaga Kath."

"Opsopsops! Wag ka na din pala mahihiya sakin. Don't worry papakkilala kita sa friends ko mamaya." Sabi ko sabay ngiti sakanya.

"Ah eh kahit wag na. Okay na naman ako eh."

"Hindi noh. Papakilala kita. Diba sabi ko wag ka na mahiya? Okay lang yan!"

You Were The One | KathNiel FanFicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon