CHAPTER 20: UNPLEASANT RETURN

475K 13.4K 11.7K
                                    

Chapter 20: Unpleasant Return

I can't stop thinking about it. It's been the reason why I have troubles sleeping last night. That was my first! Nakakahiya! Ni hindi ko alam kung ano ang gagawin. Should I respond or not? I'm wondering if I justified the kiss too. Am I the only one bothered like this? Big deal din kaya iyon kay Gray? Pagkatapos kasi naming dalhin si Gray sa infirmary ay hindi ko na siya nakita pa dahil bumalik na kami sa pool area. I refused to have my dinner last night dahil sa takot na makita ito sa cafeteria. I'm not yet ready to meet him. Nakakahiya talaga ang nangyari! Isa pa si Jeremy! Hindi na niya ako tinantanan ng kantyaw kahapon! Nagpahaging pa siya sa mga kaklase namin na may naglaplapan daw kahapon! Ginawa pa kaming blind item! I'm gonna kill him twice this time!

Ngayon ay wala na akong magagawa. Kahit anong iwas ko ay magkikita at magkikita pa rin kami dahil maliban sa magkakaklase kami, I'd like to remind myself that they are my seatmates. Gray on my right and Jeremy on my left, perfect. Isn't it?

Panay ang baba ko sa palda ko habang binibilang ang hakbang papunta sa classroom namin. Gosh! Ngayon lamang ako nag-alangang pumasok! Dati kahit exam at hindi ako nakapag-aral ay hindi ako nag-aalangang pumasok! Unlike today! Damn that thing called kissing! Kung sino man ang nag-imbento niyon ay masasapak ko! He's the reason for this!

Bigla akong napalingon nang may narinig akong tumawag sa pangalan ko. Nang iangat ko ang paningin ko ay nakita ko si Cooler mula sa 'di kalayuan. Nakasandal siya sa kanyang kotse at hindi na rin ako nagtaka kung paano siya nakapasok ng Bridle. Lumapit siya sa akin at napakunot ang noo.

"Kanina pa kita tinatawag ngunit mukhang wala ka sa sarili mo. Panay din ang hila mo pababa sa palda mo. Maghubad ka na lang kaya", wika niya. Sinamaan ko siya ng tingin, I'm not in the mood for his jokes. He raised both his hands, as if he surrendered.

"Don't give me that kind of look", wika niya at napatingin ako ng deretso sa mukha niya. Ngayon ko lamang napansin na putok ang labi nito ngunit malapit ng gumaling.

"Anong nangyari dito?", I asked and I pressed his wound at napangiwi naman siya sa sakit.

"Oooooow! You little sadist! Masakit to!", reklamo niya at napaatras. Natural! Sugat iyon kaya masakit. Duh.

"Napano nga kasi."

"Ryu and I fought. That asshole got a cut on his brow. Hindi lang ako ang nasugatan sa suntukan namin. And oh, I was almost killed", he said. Napansin ko na rin ang ilang pasa niya sa katawan. May maliit na bukol din siya sa gilid ng noo.

"What?" Halos magpatayan na sila dahil lamang sa simpleng suntukan? Marahil ay nagpayabangan ang mga ito at nauwi sa suntukan.

"It happened after you and Gray left the mansion. I went to his room and demanded an explanation about what happened. He said he's too tired to answer", Cooler said. What the hell? It was just because of that? Kasalanan iyon ng kotse eh. Kung hindi ba naman nagkasira-sira, edi mas mabilis kaming nakalabas ni Ryu doon sa probinsya!

"Tapos sinuntok mo siya? Ganun? Nagbuno na kayo dahil lang tinamad siyang sumagot?", I asked. Aba! Iba rin si Cooler! Demanding! If I would be Ryu, I would do the same thing too. Ayaw na ayaw kong dinidisturbo ang pagtulog ko.

"Well, yeah. Something like that. But Amber, it was a matter of life and death situation for me! Pero hindi naman talaga iyon ang nangyari. It was actually my fault", wika niya habang nakatungo.

"Ano nga kasi?"

"When he refused to answer me, I pulled his sheets and said, 'tell me everything, you son of a bitch' and then he just got up and gave me a punch on the face", wika niya. Oh, keep in mind Amber, never pull a blanket on Ryu.

DETECTIVE FILES. File 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon