"Makabuntong hininga naman 'to! Hindi pa end of the world, Alina." Ngumuso ako at idinukmo ko ang ulo ko sa lamesa. Ilang taon na kaming magkaklase ni Sam nitong college pero walang asenso ang relasyon namin. Huli na sigurong nakausap ko siya noong magkagroup kami. Iyon lang. Classmates lang siguro talaga kami.
Lagi akong inaasar ng mga kaibigan niya pero tumatawa lang siya tuwing ginagawa nila iyon sa akin. Ang sama niya. Pero kahit patawa-tawa lang siya doon lagi pa ring nahuhulog ang puso ko sa kanya. Kailan ba kasi niya ako mapapansin? Siguro nga napansin niya ako pero yun ay dahil tinitrip lang ako ng mga kaibigan niya.
"Alina." Nagulantang ang buong sistema ko sa boses na tumawag sa akin. Tinignan ko si Monette at mukhang natatawa siya sa hitsura ko ngayon. "Paturo naman ako nitong topic." Umayos ako ng upo at tinitigan ko siya. Lord, ang bilis mo naman yata sagutin ang tanong ko? Medyo nararamdaman ko na po ang pagtalon-talon ng puso ko dahil sa galak.
"Pero hindi ko rin kasi naintindihan yung topic, e." Nahihiya kong sagot kay Sam. "Sorry." Napakamot na lang siya sa ulo dahil sa naging sagot ko.
"Sabi kasi nila alam mo raw, e." Turo niya sa mga kaibigan niya. "Mga loko talaga." Tumingin ako sa direksyon ng mga kaibigan niya. Nagtatawanan silang lahat dahil naloko nila si Sam. Hindi ko naman kasi talaga ma-gets yung topic. Kung alam ko lang baka kanina pa ako naglabas ng libro at tinuruan na siya.
"Guys!" Lahat kami ay napatingin sa president ng klase namin na si Jasmine. Siya kasi ang nakikipagmeeting tuwing may mga event at kailangan ng partisipasyon ng lahat ng block or kung may important announcements. "Upon a muna ang lahat! Ay ang gugulo!" Bumalik na sa mga kaibigan niya si Sam. "Kasi dahil senior na tayo, inatas kasi sa batch natin yung college week natin next month. So para fair mas maganda sana kung by partners ko i-aatas yung mga gagawin. Okay lang ba? May kanya-kanyang gagawin kasi ang blocks at sa atin kasi inatas ang mga gagamitin sa events." Umangal ang karamihan ng kaklase namin. Ang iba kasi ay may mga major revision pang ginagawa sa thesis papers nila. Ang katulad kong pumasa na ay kelangan na lang mag-aral nang mabuti para sa finals after ng college week. Sa buong university kasi ay ang kurso namin ang pinakahuling nagse-celebrate ng college week.
"Syempre napag-isipan ko naman na kawawa naman yung iba so yung mga wala ng problema sa thesis yung ia-assign ko. Guys, last year na kasi natin ito kaya mas okay sana kung magparticipate na tayo. Last year kasi ay hindi tayo nag-exert ng effort kaya sana kahit isang award lang para sa klase natin para happy naman kapag graduate na tayo. Well, sana grumaduate on time ang lahat. Anyway, iba pa yung sa presentation, ako na ang bahala doon. May mga naisip na kami." Habol pa niya.
"Oo na! Sige na!" Pagpayag ng ilan sa amin. Payag din naman ako dahil gusto ko maging memorable ang college life ko.
"Sina Monnete at Jay ang magiging partners."
"What? No! Kay Alina lang dapat ako." Protesta ni Monette sa president namin saka niya niyakap ang braso ko. "Hindi ako pwedeng mahiwalay kay Alina. Paano kung asarin na naman siya ng mga 'yon." Turo niya sa barkada nila Samuel.
"Monette kasi kung babae-babae at lalaki-lalaki, walang magagawa yung boys. Saka kung by friends kasi wala rin magagawa yung iba. At least kung babae at lalaki, siguro naman mahihiya yung isang tamad sa kanila sa kasama, diba?"
"Fine! Basta huwag lang iasa sa mga babae yung lahat." Pagpaparinig pa ni Monette sa mga lalaki.
"Wow naman Monette!" may bakas ng reklamo ang boses ni Jay. Responsable kasi siyang tao.
"Sinong partner ng best friend ko?" Dagdag na tanong pa nitong kaibigan ko.
"Si Sam." Parang nalaglag yung panga ko dahil sa narinig kong iyon. "Napansin ko kasing hindi sila gaano nag-uusap. Nalaman kong naging magkaklase naman silang tatlo nina Lester noong high school."
BINABASA MO ANG
You've Got A Message by aril_daine
RomanceAlina is a shy and quiet girl who is in love with Samuel, her high school classmate but doesn't have the courage to confess her feelings to him because they didn't even had a conversation before. That is also the reason why she texted the number tha...