Chapter 5

8.5K 574 149
                                    

Hindi ko siya nakausap noong Friday dahil umalis ako bigla nang malaman ko na si Samuel at si Kris ay iisa. Na ang tinext ko tungkol sa taong nagugustuhan ko ay siya rin mismo ang nakatanggap dahil wala naman pala talagang Kris. Mababaliw na yata ako.

Hiyang-hiya ako dahil nasabi ko sa kanyang gusto ko siya, indirect nga lang. Ilang beses din naman siyang nag-text at tumawag sa akin nitong weekend pero ni isa doon ay hindi ko sinagot. Mas minabuti ko ring patayin muna ang cellphone ko ng dalawang araw para hindi magulo ang utak ko at para na rin makaiwas sa mga tanong ni Monette.

Ngayon ko pa lang bubuksan ulit ang cellphone ko dahil mamaya ay umpisa na ng event namin. Maaga pa. Alas syete pa lang at mamaya lang ay start na ng parade. Marami na ang nagkukumpulan sa designated areas nila samantalang ako ay naglalakad pa lang papunta sa tapat ng pavilion.

Unang bumungad sa akin ang mga text ni Samuel. Hindi na niya ako tinitext gamit ang numero ni Kris. Talagang nilalantad na talaga niya ang sarili niya sa akin.

Samuel: I'm sorry. I was going to tell you.

Samuel: Please talk to me later, A.

Samuel: Or at least watch us perform later.

Marami pa siyang sinabi sa text pero hindi ko na binasa lahat.

Monette: KAUSAPIN MO SIYA MAMAYA GIRL!

Huminga ako nang malalim nang mabasa ko ang sinabi ni Monette. Alam ko naman na dapat ay kausapin ko siya para malinawan na rin ako. Alam ko rin naman na kasalanan ko kung bakit hindi siya nagpakilala sa akin kaagad.

Mas lalo akong napabuntong hininga dahil naaalala ko ang unang araw na naka-text ko si Sam, si Kris. Namali kasi ito sa akin ng send noon. Tanda ko pa na sinabi niyang gustong-gusto niya 'yung babae.

Umupo ako sa bench at huminga nang malalim. Tapos sinabi ko pa kay Kris na gusto ko si Samuel. Kaya siguro hindi siya nagreply sa akin noon? Pero pwede rin na hindi siya nagreply sa akin dahil naconfiscate ang cellphone niya.

"Aaahh! Mababaliw na yata ako. Ayaw ko na yatang pumasok." Agad akong tumahimik nang mapansin kong napatingin sa akin ang ibang estudyante. Marahil ay iniisip nilang nababaliw na ako.

Muli akong naglakad papunta sa pavilion nang biglang naalala ko ang ibang text nito sa akin noong nakaraan. Lagi niyang kasama ang taong gusto niya at tuwing nagti-text siya ng ganoon ay ako ang kasama ni Samuel.

Humawak ako sa dibdib ko dahil nararamdaman ko na ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Tama pa ba ang naiisip ko? Masyado ba akong umaasa?

"Ayiee ang aga-aga namumula." Natauhan ako nang siniko ako ni Monette. Hindi, hindi siya magkakagusto sa akin. Kung gusto niya ako dapat sinabi na niya yun noong nabasa niya ang text ko. Shake it off, Alina. Huwag kang umasa. Napaglaruan ka, yun lang 'yun. "Alina, manood daw tayo ng performance ng banda nila Sam mamaya." Hindi ko inaasahan ang pagiging seryoso ng boses ni Monette. Parang ang unusual kasi kapag seryoso siya.

"Ang sabi niya ay nakuha mo na ang sinabi niya sa'yo noon pa." Napakunot ang noo ko nang dahil doon. Hindi ko alam ang sinasabi niya. "Anyway, kung hindi mo raw maalala 'yun. Makinig ka na lang sa kanta na siya mismo ang sumulat. Of course, hindi siya yung kakanta. Hindi naman siya yung vocalist, e." Matapos niya iyong sabihin ay masigla niyang binati si Jasmine na ngayon ay nagpapalinya na ng mga kaklase. "Nandito na kami Jasmine!" Sakto namang pinamimigay na ni Jasmine ang costume na isusuot namin.

Nag-umpisa ang parade ng alas otso. Nakasuot kami ng costume ng mga diwata at maraming nanonood na ibang college. Well, yung mga walang klase lang naman.

You've Got A Message by aril_daineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon