RP: asdfghjkl what!?

118 2 0
                                    

Pagkamulat ko ng mata ko nasa bahay na ako.

"Jana anak buti nalang nagising kana." bati sakin ni papa.

"Bakit andito ako? Nagtatrabaho ako e. Yung sweldo ko." naghihinayang na sabi ko.

"Anak nawalan ka ng malay habang nagtatrabaho ka kanina. Hinatid ka dito ni Noime." sabi ni mama.

"Pero yung sweldo ko sayang e diko nakuha. :3" nakangusong sabi ko sakanila. Kasi sayang talaga ang init init pa man din nung mascot na yon!

Natinginan sila mama at ngumiti sabay tingin sa akin.

"Binigyan ka ng 2k ng boss mo anak tutal masipag kana man daw." sabay bigay sakin ni mama ng pera.

"Talaga po? Hayy buti nalang. :)))))" Hayy kahit pala mukang demonyo yung boss ko mabait din paminsan minsan. Haha.

"Anak yung pang-tuition mo kami ni mama ang bahala dun ha? Wag kana mashado magpagod." sabi ni papa.

"Oo nga anak tignan mo nahimatay kana kanina kakatrabaho mo." singit ni mama.

"Uhm. Sige po kayo po ang bahala." :) ayos! Mapapadali ang pagiipon ko.

"Grouphug!" sigaw ni papa.

Eh? Grouphug? Naaabnoy nanaman po si pudra -.-"

"Ihhhhh. Ayoko lumayo kayo nahihilo pako." reklamo ko sakanila. Ano ba naman kasing kaartehan pa at magggroup hug pa? -.-"

"Wahhhh. Hindi nako love ng anak ko. >3<" sabay fake cry ni papa. Jusmiyo tatay ko ba talaga ito?

"Pa! Tumigil ka nga jan hindi mo bagay e!" tss. Kung makikita nyo lang yung ichura nya ngayon. Tsk

"Mama. Hindi na talaga ako mahal ng anak mo. :3" pagiinarte pa ni papa. Tss.

"Papa pabayaan mo na dalaga na si Jana." pagtatanggol naman sakin ni mama. Yeboy. Hahaha. XD

"Sige anak magpahinga kana muna jan ha? Magluluto ako ng paborito mo." sabi ni mama bago sila lumbas ng kwarto.

Hayyyyy grabe talaga kanina diko akalaing mawawalan ako ng malay. Napatingin ako sa side table ko at may nakita akong flyer ng mga bahay na tinitinda.

HUANGFU MANSIONS. Yan ang pangalan na nakalagay sa papel. Wow naman pangalan palang pang mayaman na pano pa kaya yung mga bahay? Hmmm. Binaliktan ko ang papel at nakita ko doon ang mga bahay na tinitinda. Ang una kong nakita ay malaki na sobra sobra na sa aming tatlo nila mama at papa pagtingin ko sa presyo 5M. Whoa. Grabe pang mayaman talaga itong mga bahay dito ang sumunod naman ay 11M. Grabe hindi ko kinakaya ang mga presyo ng bahay dito. At ang pinakamahal ay 20M. Siguro naman itong 20M na bahay na to. Kahit yung 5M lang okay na sakin yon malaki narin naman yun e siguro 5 na nitong apartment na tinitirhan naman ngayon ang laki non. Mayroon akong nakitang picture ng apat na lalake sa papel. Hmm. Infairness ha ang unang nasa picture ay Jin Nan Feng muka syang mysterious ang katabi naman nya si Ralf Nan Feng ay grabe! Killer smile. :))))))))))))) at hindi rin papahuli itong dalawa ah lahat naman sila gwapo.

*KINABUKASAN*

Naaalimpungatan yata ako bakit parang lumilindol. Nagising nalang ako ng tuluyan ng bumagsak sa sahig yung paper castle ko na ginawa ni papa. Hmm lumindol ba? Makagayak na nga muna.

Third Person's POV

Sa labas ng bahay ng mga Lee ay andoon na sina Butler Yi ang burtler ng pamilya Huangfu. Ang pamilyang pinakamayaman sa Asia. Si John Huangfu ang nagmamay-ari ng lahat ng ito. Mayroon itong anak na si Shane Huangfu at apo na si Sheryl Huangfu. Nawala ang anak ni Shane na si Sheryl kaya naman hinahanap nila ito simula noon. Hindi sinasadyang naaksidente ang sinasakya ni Shane Huangfu at asawa nito at sila ay namatay. Kaya naman ngayon ay mag-isa na lamang ni John Huangfu kaya naman simula ng mamatay ang anak nya na si Shane Huangfu ay pinahanap na nya ang kanyang apo na si Sheryl Huangfu. Ika-17 years na nilang hinahanap si Sheryl kaya naman pinuntahan nila ang bahay ng mga Lee dahil ang apo nga raw ni John Huangfu ay si Jana Mae Lee. Nagpunta dito si Butler Yi para sunduin si Sheryl Huangfu.

"Makikiraan doon po ako nakatira." pakisuyo ni Mike Lee na tatay ni Jana Mae Lee. Dahil pinapaligiran ng mga sundalo ang bahay ng mga Lee.

Paakyat na ng hagdan si Mike Lee ng makita nya si Butler Yi sa tapat ng pintuan nila kaya naman tinanong nya ito.

"A-ah a-ano po ang kailangan nila?" Nauutal na tanong ni Mike Lee kay Butler Yi. Ikaw ba naman ang paligiran ng mga sundalo hindi ka kabahan.

"Mr. Mike Lee. Ako po si Butler Yi ng Huangfu family." sagot naman ni Butler Yi. Sakto naman na binuksan ni Claire Lee ang pintuan ng bahay nila kaya napalingon si Butler Yi doon.

"Magandang umaga po Mrs. Lee. Ako po si Butler Yi. Andito po ako para kunin ang kayaman ni Mr. John Huangfu." sabi nito.

Nanlaki ang mata ni Claire kaya naman sinenyasan nya ng asawa nito.

"May ninakaw kaba?!" sabi nito at pinanlakihanan pa ng mata.

"Wala. Wala akong ninanakaw!' depensa naman ni Mike Lee.

"Hindi ho ganong kayamana ng ibig kong sabihin Mr.&Mrs. Lee. Ang kayamanang sinasabi ko po ay ang inyong anak na si Jana Mae Lee sya po si Sheryl Huangfu ang matagal ng nawawalang apo ni John Huang fu." paliwanag naman nito.

--

A/N: Grabe ngayon lang ako nagsulat sa tala ng buhay ko sana suportahan nyo ko para ganahan ako. :D

Romantic PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon