RP: Meet the Emp

118 0 0
                                    

Jana's POV

Papasok na kami ngayon sa loob ng mansion ng mga Huangfu. Wow! Napakalaki at napakaganda. Malamang Jana sila lang  naman ang pinakamayaman dito sa Asia. Grabe ang ganda ganda talaga binuksan ang gate ng mansion siguro abot langit na ang taas nitong gate na to napakataas e black ito at may logo ng dragon sa gate. Mejo malayo pa ang mismong mansion dito sa gate royal na royal talaga ang dating ng makarating na kami sa mismong bahay pinagbuksan ulit ako ng pintuan ni Butler Yi. Hindi ako sanay sa ganitong treatment ano ba yan =.=

"Salamat po Butler Yi." pasasalamat ko sakanya at nagbow ako. Kahit naman maldita ako tinuruan naman ako nila mama at papa na gumalang sa mga matatanda.

"Bernard nalang po Ms. Sheryl. :)" Nakangiting sabi nito. Felling ko mukha namang mabait ito matagal na siguro itong nagttrabaho dito. Chaka bakit ba Sheryl ang tawag nya sakin Jana kasi ang pangalan ko.

 "Ah Jana nalang po. Hindi po kasi ako sanay sa Sheryl e." talaga naman kasi e ang hirap kaya baguhin ng nakasanayan.

"Sige po Ms. Jana kung yaan ang gusto nyo. Tayo na po pumasok sa loob kanina pa po kayo hinihintay ng lolo nyo." paanyaya nito. Grabe kinakabahan ako pano kung masungit sya pano kung nagkakamali lang pala sila? Pano kung sigaw sigawan nya ako? :(

"Goodmorning po Ms. Sheryl!" bati sa akin ng mga kasambahay na nakapila sa sala grabe ang dami nila no wonder hindi naman talaga kayang linisin ng isang katulong lang ang ganito kalaking bahay.

Nagbow naman ako sakanila para sa sagot ko. Habang naglalakad kami ni Bernard sa loob ng mansion may isang wedding picture na nakasabit sa gitna ng pader. Bakit kamukha ko yung babae sya ba ang mama ko? Grabe wala kaming pagkakaiba magkamukhang magkamukha. Umaakyat na kami sa taas at pinuntahan ang opisina ni Emp. Hindi ko muna sya tatawaging lolo hanggang wala syang pahintulot mahirap na.

"Emp andito na po si Ms. Sheryl este si Ms. Jana." sabi nito sa matandang nasa swivel chair na nakatalikod samin.

"Sheryl ikaw na ba yan apo? :))" ngiting ngiting bati nya sa akin ang bibo naman nitong si Emp akala ko masungit. :)

"Hmm." yung lang ang bukod tanging nasabi ko namental block na ako grabe diko alam kung anong sasabihin ko daig ko pa ang nasa beauty pagent.

"Sheryl apo wag kang mahihiya sakin ako ang lolo mo. Kamukhang kamukha mi talaga ang mama mo wala kayong pagkakaiba. :)))" parang ang saya naman nya sigurado na ba talaga syang ako ang apo nya?

"Hehe." Grabe talaga ngayon lang ako napipi ng ganito!

Romantic PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon