Chapter 7

5 0 0
                                    

Ace Pov

"Puntangina Ace! Hwag na hwag mong papalapitin yung mokong na Xerwin na yun kay Mitch ha!" Aba problema na naman neto? Kung di ko lang to kaibigan baka kanina ko pa to sinapak e. Kaaga aga nanggugulo siya dito sa kwarto ko.

"E bugok ka pala e. Ano ba problema mo? Kay aga aga nandito ka? Umuwi ka sa inyo may pasok ngayon."

"Yung Xerwin na yun yung problema ko."

"Bakit ano ba ginawa?" Sa pag kakaalam ko kaklase nila ni ate Mitch yung Xerwin tapos honor student pa yon.

"Nilalandi yung girlfriend ko puta pag nag kaklase kami dadaldalin niya ng dadaldalin yung pinsan mo tapos nung mga nakaraang araw may pinagawang project sakanila yung teacher namin dikit ng dikit yung Xerwin nayon tapos may pinapagawa na naman project sa kanila sa bahay daw nung pinsan mo sila gagawa."

"Damn! nag rarap ka ba? Pwede mo naman bagalan yung mga sinasabi mo para maintindihan ko ng maigi. Ano ba gusto mong gawin ko ha? Bat di mo kausapin pinsan ko?"

"Punta ka sa bahay ng pinsan mo. Tapos bantayan mo sila. Ayoko naman kausapin si Mitch about diyan kase alam ko na isasagot niya."

"So ayan lang pinunta mo dito? Sino kasama ni Gwenduling ngayon ha? Iniwan mo para sabihin sakin yan pwede naman mamaya sa school."

"Siya lang mag isa ngayon.  Uuwi narin naman ako pero pwede bang makikain muna?" Abno talaga amp. -_-

"Mamaya nalang umuwi ka na don anong oras na!" Tsaka ko siya tinulak palayo iiwan niya kapatid niya mag isa. Bad bad. Isa yan sa mga dahilan kung bakit ako boto kay Jax para sa pinsan ko. Alam ko na aalagaan at hindi niya papabayaan si ate Mitch.

Pagkaalis ni Jax naligo na ako para maaga naman akong makapasok sa school. Nag decide ako na mag commute nalang nakakasawa mag drive, wala din mag dadrive sakin busy silang lahat.  Habang naglalakad ako papunta sa sakayan ng taxi nakasalubong ko yung hayop kong ex bestfriend kasama si Lymie. Huminto ako, ganon din ang ginawa nila. Siguro kung nakakapatay lang yung tingin namatay na tong si Luke.

"Hwag ka ganyan pre napapaghalataan na bitter ka e."

"Nonsense ang pagiging bitter ko kung para sainyo lang dalawa. Ang kinaiinis ko lang e yung may girlfriend ka na nga nakuha mo pang makipaglandian sa iba. O baka naman dalawa girlfriend mo? Tangina pre di ka pa nakuntento sa isa at nakuha mo pang maghanap ng iba." You better watch up Luke, di mo alam kung sino binabangga mo.

"Ano sabi mo?" Sabi niya sabay kuha ng kwelyo ko kaya tinulak ko siya.

"Hwag mo ngang hinahawakan yung damit ko, di ko hinahayaan na mabahiran ng dumi yung damit ko galing lang sa taong katulad mo. Lalo naman yung gwapo kong mukha." Pang aasar lang ba, pero mukhang effective naman dahil sinuntok niya ako. Pero sorry tanga siya e di niya ko natamaan kaya siya yung sinuntok ko pero dahil tanga talaga siya di siya nakailag hahahaha. You're to weak to mess up with me Luke.

"Para yan sa pang gagago sa taong mahalaga sakin." Naglakad ako palayo pero hinabol niya ako at sinuntok sa mukha masyadong mabilis ang pangayayari kaya di ako nakailag. Di naman ako pumayag dahil sinuntok ko siya ng mas malakas na dahilan para mahiga siya sa sahig.

"Tama na!" Sigaw ni Lymie. Buti nalang walang ganong tao dito.

"Hayop ka talaga e. Sabi ko naman kase sayo di ko hahayaan na marumihan yung gwapo kong mukha ng dahil sayo.

"Tama na please. Kasalan ko tong lahat e. Pareho ko kayong mahal nag kataon nga lang na mas may oras siya para sakin Ace."

"Hindi ako nagkakaganito ng dahil sa panloloko niyo saking dalawa tandaan niyo yan." At nag lakad na ako palayo. Ang kapal naman ng mukha ni Lymie para isipin niya na siya parin yung dahilan ng lahat.

Acting Like We're on a RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon