*kinagabihan*
1 Message Received
Okay ka na ba?
From: Unknown
Yeah, who's this?
Message Sent
1 Message Received
Good. Si Quen to.
From: unknown
HALA?? NAKUHA AGAD NUMBER KO??
Hala. May number ko agad mo ako? Bilis ha.
Message Sent
1 Message Received
Oo matagal na.
from: Quen Orpia
Anung matagal na?? Panong matagal na??
Message Sent
1 Message Received
Hehehe. :) Wala. Magpahinga ka na Miss Sunget. Good Night! Wag ka na munang pumasok bukas. Take some rest, okay?
from: Quen Orpia
Ano ko utusan?? Sige na inaantok na din ako eh. Good night. :)
Message Sent
1 Message Received
Kung ganon, ang ganda mo namang utusan. And hindi kita inuutusan. Concern lang. Magpahinga ka na.
Okay. Goodnight.
Message Sent
Araw araw akong pinupuntahan ni Quen after class. Half day lang kasi.
Lagi na lang din siyang nandito.
Si Jill?? Wala na kong balita dun. Lagi naman pating walang load yun -_______-
Habang tumatagal, nakikilala ko na si Quen.
Sabe nya, lagi na din daw akong nakangiti.
*Saturday morning*
*diiiiiiing doooooong* (doorbell)
"Pasooook!!" sabe ko
Sabe na nga ba si Quen na naman eh.
So ayun... May dala siyang manggang hilaw. Actually araw-araw tuwing napunta siya. XD
Kasi nga, nagkakakwentuhan kame. Kaya alam nya na favorite ko.
Alam niya na din na mahilig ako sa One Direction kaya minsan binibili pa ko ng 1D Lanyards.
Abusado na ano??
"Darcy, bakit ba ayaw mo magpaligaw sa kahit na sino?" -Quen
"Wala na talaga kasi sa isip ko yan. Naloko na ko ng sunod sunod kong nakarelasyon. Wala namang nangyayare eh. Kaya gusto ko, lahat kaibigan ko lang."
"Iba iba naman ang lalake. Nagkataon lang na puro gago ang mga nakilala mo."
"Kelangan ba apat talaga na magkakasunod? Mas gusto ko ngang tumanda na;ang ng mag-isa kesa naman gaguhin lang ako palagi.."
"Ikaw bahala dyan."
"Talagang ako ang bahala. Palibhasa kasi, kayo manloloko lang ng manloloko."
"Hindi ako ganon noh."
"BAHALA KA NGA!"
"Kwentuhan mo na lang ko ng kahit isa, dun sa mga nanloko sayo. :)"
"ANOOOO!? AYOKO NGA!"
Tapos bigla siyang tumungo sabay nagpout.
Edi dun rin ako nag-end up. Kinuwentuhan ko sya.
"Uhm. Yung pang-apat nalang."
"Oo na. Kahit sino. Sabe ko naman sayo kahit sino sa apat diba??"
K-_________-
"Uhm.. Si Jacob Villamayor. Grabe. 3 years kame nun. Pero siya ang nang-iwan.. Wala talaga akong planong i-break siya. Pero siya pa pala ang bibitaw................."
Quen's POV
Habang nagkkwento si Darcy Sunget saken, hindi niya napigilang umiyak.
Ewan ko sa sunget na to, naiyak paden hanggang ngayon.
Hindi niya ata alam na naiyak siya.
Nadadala na siya ng emosyon niya.
Actually pinapalo-palo niya ko. Nakatungo na lang akong nakikinig.
Hindi ko naman kasi inakalang itong babaeng to may puso din pala.
Dati kasi, ang sungit sungit nito eh.
Kaya pala masungit, kasi wala nang tiwala sa mga lalake.
Grabe yung nararamdaman ko ngayon.. Ako na lang din pala ang kaibigan niyang lalake.
Hindi na nga kasi siya nagtitiwala sa mga lalake.
Kinikilig ata ako..
Ano ko, bakla??
Pati bakit ako kikiligin..
Walang'ya ka Jacob.
Si Darcy pala yung matagal mo nang kinukwento mo saken.
SH*T!!!
Bakit kay Darcy pa nahuhulog yung loob ko,
KUNG KANINO PA EX NG KABABATA KO?
"Darcy, tama na.... Kakilala ko si Jacob.. Actually, kababata ko siya...."
"Ha????"
Gulat na gulat siya. Nahihiya ako..
Grabe talaga yung pagkagulat niya. Napatigil ko siya sa pag-iyak..
Ang ganda talaga ni Darcy. Simula pa lang nung una.
"Wag kang mag-alala.. Kakausapin ko si Jacob tungkol dito.."
"WAG!! Okay na ko. Wag mo na nga siyang bulabugen. Okay na buhay ko. kahit magulo, Kaya ko tong ituloy..."
Kung ano ano sinasabe niya.
Naiiyak na talaga ko...
Bakit kasi pinagkwento ko pa sya...
Ayaw nya na tumigil sa pag-iyak..
Nilapitan ko siya habang naiyak siya.
Niyakap ko siya ng mahigpit..
Basang basa na 'ko dahil sa luha niya. Pero okay lang.....
BINABASA MO ANG
First Love Never Dies
Teen FictionWe have all experienced that feeling of being inlove. Yung tipong mararamdaman mo talaga yung butterflies sa tiyan mo na kumikiliti kapag napapalapit siya, makatabi siya, mapag-usapan siya, magtext siya, o kahit maisip mo lang siya. Mapapangiti ka n...