"Ayan na yung wheel chair mo.." -Quen
"Haaaay salamat."
"Hatid na kita pauwi. Sabe ng doktor next week ka na daw pumasok, pag hindi na masakit yung likod mo. Bukas nalang ako papasok. Sasamahan muna kita ngayon."
OA na ha. Ilang araw na ba kami magkasama??
Alam ko madami nang lalaken'ng naging ganto saken. Pero iba si Quen...
Duuuh. Wala akong dapat maramdaman.
Besides, he's just trying to help me. So ayun. Papunta na kami sa bahay. Lakad lang kami khit medyo malayo. Tulak tulak nya ko. HAHA
Hindi siya nausap.
Pagod na siguro.
"Quen thank you.."
"Ano kaba, okay lang yun. Sino pa bang magtutulungan kundi tayo lang den.."
After 3000 decades, nakarating na kame sa bahay. Duuh. Anong oras na. 4 na ng hapon. Malamang nag-aalala na sila mama nun.
Tsk.
"Quen dito nalang ako. thank you talaga. San ka ba uuwi?"
"teka ipapasok muna kita. Hindi mo kaya yan."
Aba minaliit ako!?
Hindi ko daw kaya..-____-
"ANAAAAK!! SAN KA BA NANGGALING NA BATA KA?? KAKAPASUKAN NYO LANG NASA LAYASAN KA KAAGAD?? AT BAKIT KA NASA WHEEL CHAIR?? SINU YANG KASAMA MO??"
Hindi naman masyado OA si Mama ano?
"Ma kalma. Nabunggo po kasi ako ng tumatakbong mga estudyante dun samen. Eh anlakas po ng pagkakatama ko sa sahig. Nabalian po ata ako.."
"Nako namang bata ka. Pwede ka namang manabi ah?? Iho salamat sa paghatid sa anak ko. Ano nga palang pangalan mo?"
"Ah.. Quen po. Quen Orpia." sabay ngiti ni Quen
BLAH BLAH BLAH BLAH after 2 years natapos din ang pag-uusap namen sa labas.
*sa kitchen*
"Anak boyfriend mo??" -Mama
"Ma kelan pa pumasok sa isip ko ang magkarelasyon?"
"Anak, alam ko namang naloko ka na dati. Apat na beses pa anak. Pero hindi naman ibig sabihin eh tatandang dalaga ka na.."
"Ma, mas okay pa ata saken na tumandang dalaga eh. Kesa naman po palagi nalang akong iniiwan at niloloko. Hay nako Ma, ayoko pong pag usapan yan. Pare-pareho lang naman po sila eh."
"Basta anak tandaan mo gusto ko si Quen para sayo."
sabay ngiti ni Mama
HALA!? QUEN DAW?????
NO WAY.
BINABASA MO ANG
First Love Never Dies
Novela JuvenilWe have all experienced that feeling of being inlove. Yung tipong mararamdaman mo talaga yung butterflies sa tiyan mo na kumikiliti kapag napapalapit siya, makatabi siya, mapag-usapan siya, magtext siya, o kahit maisip mo lang siya. Mapapangiti ka n...