BESTFRIEND

31 0 0
                                    

            “BESTFRIEND”

                                   (ISINULAT  Ni   JEMUEL GUALBERTO)

  Sabi nila, masaya daw magkaroon ng Bestfriend, may taong magpoprotekta sayo, dadamayan ka sa mga problema mo at makakasama mo sa lungkot at saya. Pero paano kung mahulog ka sa kanya? Kaya mo ba itong aminin? Kaya mo bang tanggapin na hanggang mag-Bestfriend nalang kayo? Mayroon ka bang lakas ng loob para mahalin siya? At kaya mo bang panagutan kapag lumagpas na kayo sa Pagkakaibigan?

  Ako si Ella, Mikaella Remillo. Mayroon akong Bestfriend na Boy, si Dave, David Franco. Simula bata palang ay mag-Bestfriend na kami. Magkapitbahay lang kasi kami at magkaibigan ang mga magulang namin. Sa iisang School din kami nag-aaral, 3rd year High School ako at 4th Year naman sya. Lagi kaming magkasama tuwing break-time, recess at uwian. Lagi rin kaming magkasama kahit saan, sa Mall, sa bahay, sa pag-gawa ng assignments at projects, at kahit sa ulan ay magkasama kami.

  Isang araw, habang gumagawa kami ni Dave ng project ko sa bahay ay tumawag ang pinsan ko na si Hannah, Hannah Mae Remillo.

      Hannah: Hello Ella?

      Ako: Oh? Antagal mo din hindi nakatawag ah.

      Hannah: Oo nga eh. Yayayain ko sana kayong mag-swimming. Nakauwi na kasi ako galing Singapore. Bukas na yung swimming ah. Pumunta kayo.

      Ako: Sige! Makakapunta kami. Bye na.

      Hannah: Sige! Thank ypu. Bye.

 Kinabukasan, pagkapunta namin sa Resort kung nasan sila Hannah… Bigla niya akong niyakap.

    Hannah: Ella!! Miss na miss na kita. Almost 5 years  tayong hindi nagkita ah.

    Ako: Ako nga rin eh. Tsaka, angganda mo na ngayon.

    Hannah: Thank you! Teka lang, sino yang kasama mo? Ang gwapo ah. Boyfriend mo?

    Ako: Nako! Hindi ah. Bestfriend ko yan. Crush ka nga daw niya eh. Kinukuha nga number mo eh.

    Hannah: Bigay mo! Type ko siya eh. Hehe.

   Ako: Hay nako. Sige na nga. Best, halika rito. Tawag ka ni Hannah, yung Crush mo. Haha.

    Dave: Hi Hannah.

    Hannah: Hello.

  Hinayaan ko na muna silang mag-usap na dalawa kahit medyo nag-seselos ako. At binigay ko na nga kay Dave ang number ni Hannah. Hanggang sa umuwi kami, katext niya pa rin si Hannah.

  Pero simula nung binigay ko sa kanya ang number ni Hannah ay hindi na siya nag-rereply sa mga text ko. Lagi nalang “Wait lang busy ako” ang mga text niya sakin. Kinabukasan, nalaman ko na sila na pala ni Hannah. Humagulgol ako sa aking kwarto, selos na selos ako nun.

  Pero simula nung hindi na niya ako tinetext at pinapansin, hindi ko na siya pinilit. Hindi ko na siya tinetext o kinakausap, hindi na rin ako nagpaparamdam sa kanya.

  Pagkalipas ng 2 linggo, nagtext na siya saakin.

     Dave: Best, magkita tayo sa Park mamayang 3:00 PM.

Hindi ko siya nireplayan pero pumunta pa rin ako sa Park ng 3:00 PM. Pagkarating ko ay agad niya akong niyakap.

    Dave: Best, wala na kami.

    Ako: (tinulak ko siya) Bitawan mo ako! Wala akong paki-alam sayo! Ngayon mo lang ba ako naalala? Ha!?

    Dave: Best naman. Sorry na. Sorry na talaga.

   Ako: Sorry? Sa tingin mo sapat ang sorry sa mga araw na hindi mo pagpansin saakin? Sa mga araw na hindi mo pag-alala saakin? Sa bawat umaga na hindi ka naggu-Goodmorning saakin? Sa hindi pag-tanong kung okay lang ako? 2 linggo Dave, 2 linggo! 2 linggo kang walang paramdam, tapos sorry lang? Bestfriend ba ang tawag mo diyan? May Bestfriend bang ganyan? Mahal kita Dave, mahal kita, at higit pa yun sa mag-Bestfriend. Pero binalewala mo lang!!!

  Umalis ako sa harapan ni Dave nang luhaan. At umiyak ng todo sa aming bahay. Kinabukasan, tinawagan ko si Hannah.

   Ako: Hannah? Bakit mo iniwan si Dave?

  Hannah: Ha? Siya nga tong nakipaghiwalay eh. Mahal ka daw niya. Ayaw niya lang magalit ako kaya hindi ka niya tinetext. Puntahan mo siya Ella. Mahal ka niya.

  Tumakbo ako papunta sa bahay nila Dave, ngunit wala siya doon pati ang kanyang mga magulang. Ang kinilang katulong lamang ang naroroon.

   Ako: Manang! Nasaan ho sila Dave?

   Manang: Nako! Nasa ospital. Naaksidente daw si Dave.

   Ako: Ha?! Hindi pwedeng mangyari yon!!

 Agad akong pumunta sa ospital. Nakita ko ang Daddy ni Dave.

   Ako: Tito, nasaan po si Dave?

   Tito: (umiiyak) Wala na si Dave Ella. Wala na siya. Binunggo niya ang motor niya sa poste. Napuruhan ang ulo niya dahil wala siyang helmet.

  Nakita ko na lamang ang malamig na bangkay ni Dave. Natulala ako at napaiyak. Inabot saakin ng Daddy ni Dave ang Cp niya. Nabasa ko ang isang text sa Drafts,

  “Hi Ella, sana mabasa mo ito. Sorry pero mawawalan ka na ng Bestfriend. Mawawala na ako sayo. ‘Di ba yun naman ang gusto mo? Wala na rin namang kahulugan ang buhay ko kung wala ka sa piling ko. Sana makahanap ka ng bagong Bestfriend. Yung papansinin ka kahit may GF siya. Yung aalalahanin ka. Yung maggu-Goodmorning sa ‘yo. Yung always magtatanong kung okay ka lang. Yung hindi katulad ko na walang kwenta. Mahal kita Ella. Hindi lang as my Bestfriend, kundi, as my DreamGirl.”

  Lalo akong naiyak dahil dun. Narealize ko na dapat hindi ako nagpadala sa galit ko. Dapat hindi ko na lang binitawan ang mga salitang pinagsasasabi ko sa kanya. At magkakasama pa sana kami habang buhay.

        “THE END”

    “Mas Okay na ang pagkakaibigan na may Something, kaysa sa Relationship na parang Nothing”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 30, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon