HIS SIDE

294 5 0
                                    

Matagal na kaming magkaibigan. Dalawang taon na. Oo, alam kong para sa iba maikli palang yan. Pero para sa akin sobrang haba na nyan. Ang daming nangyari sa dalawang taon na yan. Nakilala ko rin sya. Ang babaeng lihim kong minahal, ang aking kaibigan. Hindi ko ito sinabi sa kanya. Ayaw ko kasing masira ang pagkakaibigan namin. Pinili kong magparaya. Datapwat, sa twing nakikita ko syang umiiyak at nasasaktan ay triple ang epekto nito sa akin. Minsan napapatanong nalang ako. Bakit di nalang kasi ako?? kung ako nalang sana ang yong minahal, di ka na masasaktan pa, aalagaan kita Yammie. Sa twing nasasaktan sya, lagi lang akong nandito para saluhin sya. Dinadamayan ko sya. Ang sakit lang isipin na ganun nya kamahal ang mga yun. Di ko naman lubos maisip na umalis sya, lumayo sya. Dapat pala pinaglaban ko nalang ang pagmamahal ko sa kanya, dapat pinaramdam ko sa kanyang mahal ko sya, dapat pinaramdam ko sa kanyang importante sya. Puro nalang dapat! pero di ko naman nagawa.

"Yammie, balik ka na..." yan nalang lagi ang sini send ko sa kanya. Peroparang wala nang pag asa. Sobra syang nasaktan kila Zap at Joash kaya ayun mas pinili nyang lumayo......lumayo sa lahat ng sakit.Tanggap ko naman yung ginawa nya pero paano naman ako?? di ko kayang wala sya. Kinakausap ko na rin yung mga kaibigan nya. Baka kasi mapilit nila si Yammie na bumalik pero wala ee. Ang lagi nyang sinasabi...

"BAKIT PA?? PARA SAAN PA??? WALA NA NAMAN AKONG BABALIKAN....."

Sana talaga bumalik na sya.....miss ko na sya...

KA-IBIGANWhere stories live. Discover now