ROAD TO FOREVER XD

95 5 3
                                    

Umuulan ngaun. Nakikiramay yata sa akin ang panahon. Alam kong para akong bakla dito na iyak na iyak sa kalagitnaan ng pag ulan. Hindi naman porket lalaki kami ay di na kami umiiyak. Nasasaktan din kami. Tinatago lang namin ang kahinaan namin. Minsan lang kami umiyak. Sa oras na iyuakan namin ang isang babae... sigurado mahal namin ito. Naramdaman kong may yumakap sa amkin mula sa likod. Ayan sunod sunod nang kumawala anng luha ko.

"Drakie ko... patawarin mo ko" sabi nya pero mas pinili kong wag syang harapin. Ayokong makita nya kong umiiyak. Sana hindi nya mahalatang umiiyak ako, umuulan naman ee.

"Huwag ka nag umiyak pakkiusap... mas nasasaktan ako ee" paano nya nalaman?? hindi nalang ako nagsalita

"Nabigla lang naman ako ee" sabi nya habang umiiyak na rin sya. Hinawakan ny6a ang kamay kong nakahawak sa ulo nya.

"Pinapatahan mo ako tapos ikaw naman yung umiiyak dyan" biro ko sa kanya

"Ikaw naman kasi ee....." sabi nya sabay hampas sa braso ko.

"bakit? ano nanamang ginawa mko sayo??"

"Ewan ko sayo! ikaw naman kasi ee..... " sabi nya sabay tabi sa akin

"Ano....? ikaw ahh pakipot ka pa. mahal mo rin naman ako. amin amin din" pangaasar ko sa kanya

"OO NA! nabigla lang naman kasi ako ee. akala ko kasi wala nang pag asang magustuhan mo rin ako. pinrotektahan ko lang naman yung pinagssamahan natin. Ayokong malayo ka sakin. Hindi si Zap at Joash ang dahilan kung bakit ako lumayo. Ikaw yun Drake. Ikaw yun.... ayokong mas lumalim pa ang nararamdaman ko para sayo. Alam mo naman kung gaano ako nasaktan kay Zap dba?? Kaya mas pinili ko nalang na lumayo para wala akong ibang sisisihin kundi ang sarili ko. Drakie, mahal din kita"

"Mahal na mahal din kita Yammie at di ko na hahayaang mawala ka pa uli sa akin."

"Haay. ewan. Tama na nga drama. Libre mo nalang ako ng starbucks" sabi nya sabay pahid ng kanyang luha. Dumiretso muna kami ng bahay para magbihis. Basang basa na kasi kami ng dahil sa ulan. Pumunta na kami ng starbucks. Simula nung araw na yun, naging totoo na kami sa isat isa. Di na kami naghiwalay pa... alam kong marami pa kaming dadaanan na problema. Pero isa lang ang sigurado ko ngayon.... na sa lahat pa ng problema na madadaanan namin ay sabay namin iyong haharapin at walang susuko sa amin.         

                                                                            -----END-----

KA-IBIGANWhere stories live. Discover now