YHEALANE's POV:
Kasalukuyan akong naglalakad dito sa MOA, nang sa hindi ko inaasahan ay biglang may isang lalakeng makaka agaw ng aking pansin. Hindi naman siya kasing kisig ng iba, o kasing gwapo ng long-time crush ko, pero ewan ko ba, bigla nalang naramdaman kong parang nagkita na kami dati o parang kilalang kilala ko na siya.
Nakasandal ito sa entrance ng isang sikat na fast food chain, mukhang may hinihintay ito. Kaya since na-attract lang naman ako dito ay idinivert ko nalang sa ibang stalls ang attention ko, which is a good thing naman dahil bago ko pa man maisip pumunta sa department store ay bigla nalang may tumawag sa aking pansin...
"Yhealaneeeeee!!!" urgh! nakasigaw na naman po siya. Sino? Ang dakila kong bestfriend. Ganyan naman siya parti e, daig niya pa ang hindi nag-aaral sa isang private school. Pero believe me, napaka fashonista niyan.
"Yes Kattie Belle?" pang-aasar ko naman dito, she actually hate her name.
"I said call me Belle" pagmamaktol niya. Natatawa nalang ako sa itsura niya ngayon dahil may kasama pang pagpapadyak ng paa ang reaction niya.
"Okay if that's what you really like Ms. Belle" with my most sweetest smile.
"Fine! Kasama ko nga pala si boyfriend"
"Kaya pala himalang hindi ka late sa usapan natin ngayon? e nasaan siya?" takhang tanong ko dito.
"Nasa Jollibee, may kinausap lang na medyo bastos na guy."
"Really? Are you two in ---"
"Hey baby!" hindi ko na natapos ang sinasabi ko ng biglang sumulpot out of nowhere si Christian, ang boyfriend ni Ghael, na best friend ko. With matching kiss sa cheeks pa ng best friend ko.
"Urgh! Painggit pa more, kung alam ko lang e sinama niyo lang ako sa lakad na ito kasi kailangan niyo na naman ng CHAPERON." pagdidiin ko sa huling salita.
"Of course not best, may gusto nga makipag date sa'yo pero nahihiyang magsabi sa'yo kaya sa akin sinabi, right baby?" pagpapasaklolo nito kay Christian na nakaakbay na sa kanya ngayon.
"Sino naman yun? Blind date na naman ba 'toh Ghael?"
"Nope!"
"Then what is this, Christian?" sa boyfriend niya na ako nagtanong kasi alam kong hindi ito sanay magsinungaling, di gaya ng best friend ko na expert na sa mga palusot.
"He's your childhood crush. Gusto ka niya i-date kasi you are unique daw." Then that caught me, si Kyel??? Really? Napatingin ako ng di oras sa kung ano ang suot ko ngayon, wait naka plain blue shirt lang ako, skinny jeans, at RUBBER?!? OMG! Plus naka pony pa ng neat bun ang hanggang dibdib na haba ng buhok ko. At ang bag ko ai isang BAG PACK?!? What a disaster. I need to change.
Pero ang pagkataranta ko ay napalitan ng pagkagulat ng biglang...
"Hello Yhealane? You look simple but gorgeous.", Kyel said.
"U-uhm thank you?"
"Hahaha. You're blushing, don't be darling." Darling? REally? Is that an enderment or so?
"Ehem! Ehem! Baka malimutan niyong andito pa kami." singit ni Ghael. Ai oo nga pala! may audience.
"Hindi naman best, nagulat lang kasi ako." pagpapalusot ko rito, pero sa totoo lang ai gusto nalang talaga biglang umuwi, oramismo, dahil nakakahiya ang suot ko, daig ko pa ang isang lalake.
"Tara na nga! Meryenda muna tayo bago maglibot-libot.", saad ni Christian.
"Tara," sabay hawak ni Kyel sa aking kaliwang kamay. "Sa Chowking tayo, halo-halo, treat ko." masayang saad nito at hinila na ako palayo sa dalawa upang mauna na kami sa paglalakad.
Sobrang lakad ng kabog ng dibdib ko, dubdub dubdub, may sakit na yata ako sa puso at feeling ko sobrang lamig ng mga palad ko. This can't be! Ayaw ko pang mamatay 'noh. Hindi pa ako nakakapagtapos sa pag-aaral, wala pa akong sariling pamilya at lalong-lalo na, hindi pa ako nakakapasyal sa mga lugar na gusto kong pasyalan. Pero paano kung kunin na ako ngayon din? Ai erase! Erase! Single pa ako, kaya dapat may boyfried ton ako haha. Tapos dapat...
"Hey! Are you okay?", huh? Hawak ni Kyel ang magkabilang pisngi ko ng kanyang dalawang palad, at sobrang lapit niya, bakit? "Masama ba pakiramdam mo? Ihahatid nalang kita pauwi sa inyo kung gusto mo?", nag-aalalan tanong nito.
"Ah hindi, okay lang ako. May iniisip lang."
"Sigurado ka ha?"
Tumango nalang ako bilang tugon ko sa tanong niya. Natatameme kasi ako. Matagal ko na siyang crush actually,pero dahil busy ako sa school ay na-divert ko na sa iba ang pagtingin ko sa kanya. Si Tom na nga crush ko ngayon e, since grade 6 hanggang ngayong 2nd year highschool. Pero ewan ko ba, parang muling nagbabalik.
"Tara na sa loob guys, tama na yan titigan. Mahihiya na ang yelo sa halo-halo niyan." sabi ni Belle na kasalukuyang nakatingin sa amin ng nakakaloko. "Pahiram muna best friend ko Kyel ha? Hahanap lang kami ng mauupuan."
"Sige, ingatan mo siya ha? Mag order lang kami. Wala n ba kayong iba pang gustong kainin?" sagot ni Kyel.
"Hanapan mo nalang ng fries at float si best friend mamaya," sagot naman ni best, if I know siya lang uubos nun mamaya, although favorite ko rin naman ang mga yun.
"Sige, bili nalang tayo later bago umuwi." pagsang-ayon ni Kyel, sabay tingin sa akin ng nakangiti. Tss. 'Yung dimples niya, shit! "Mag order na kami."
After 15 minutes...
"Napaka careless mo talaga kumain Yhealane," pinunasan niya ng tissue ang gilid ng aking bibig. "Buti nalang andito na ako, mag-aalaga sa'yo at di ka iiwanan."
Natulala nalang ako sa sinabi niya, may naaalala na naman kasi ako. Isang taong...
FLASHBACK
"Mahal kita Yheal, mahal na mahal." bulong niya sa tenga ko habang naka backhug siya sa akin at nakababad sa swimming pool. Kasalukuyan kasi kaming nasa isang night swimming ngayon, pero magkaibang okasyon ang dahilan ng pagpunta namin dito sa Villa Resort. Siya para sa birthday ng isang kaibigan, ako para sa outing treat ng mga kasamahan ng grandmother ko. Kaya nagulat ako ng biglang may yumakap at bumulong sa akin, pero dahil comfortable ako, alam ko na agad kung sino.
"Mas mahal kita Jasper," sagot ko dito.
"Pangako kahit anong mangyari ikaw lang." iniharap niya ako sa kanya saka hinalikan sa aking noo. Ngumiti ako bilang pagsang ayos sa sinabi niya. Mahal na mahal ko 'to e, sapat na ang lahat ng meron o kung ano siya.
"Wala ka man lang ba isasagot sa ipinangako niya sa'yo Yhealane?", sigaw ni tito na kasalukuyan palang nasa gilid lang ng pool at nanonood sa amin.
"Wala ka na dun tito!" hinila ko na si Jasper para umahon. Ngunit ayaw pa nito kaya nauna na akong umahon. Ngunit ng naglalakad na ako sa gilid ng pool pabalik sa cottage ay bigla akong nadulas, dahilan para mahulog ako sa pool at worst sa malalim pang bahagi ang kinahulugan ko. At si Jasper ay nasa mababaw na bahagi pa rin ng pool kung saan ako nang galing.
"Tu---Tul--", nanghihina kong tawag kay Jasper habang sinusubukan kong manatiling wag lumubog. Nawawalan na ako ng malay ng maramdaman kong may nag aahon sa akin.
"Babe! Buti nalang. Buti nalang marunong akong lumangoy at nasagip pa kita agad. I'm sorry, sorry talaga. Sana umahon na lang din ako kaagad," mangiyak ngiyak nitong sabi niya sa akin ng magising ako, habang yakap-yakap ako ng mahigpit. "Mahal na mahal kita, mas aalagaan na kita ngayon, never kitang iiwan."
END OF FLASHBACK
"Mahal pa rin kita babe, mahal na mahal." wala sa sariling nasambit ko at di ko namalayan may tumutulo na namang luha sa mga mata ko. At ang mga kasama ko lang naman ay nakatulalang nakatingin sa akin. Hanggang sa tumayo si Kyel sa kanyang upuan at dire-diretsyong lumabas ng Chowking. Anyari?
Seconds later...
"OMG! Best lagot ka," halos pasigaw na sermon sa akin ni Ghael.
"Huh? Ano bang nagawa ko?" pagtatakang tanong ko rito.
BINABASA MO ANG
When He's Back.
Teen FictionHindi lahat ng love story ay mala-fairytale ang set-up o may happy ever after. Dahil sa gusto mo man o hindi, may mga bagay na mawawala, darating at muling magbabalik. At gusto mo man o hindi, may aasa, paasa, umaasa, naghihintay, nagpapahintay, iiy...