Chapter Two: Bad Vibes

23 1 0
                                    

NICE

After two damn hours, sa wakas naayos ko na yung scholarship ko. Bayad na din ako sa tution. Jusko. Kelan ba ako makakatakas sa pila. Pati ba naman dito sa bilihan ng shake dito sa S.U. (Student Union Building) may pila din? Sobrang nag-cre-crave ako sa mango graham shake naman oh. May klase pa ako. Ugh. Kasi naman, hindi siguro ako ma-ha-hassle ng ganito kung maaga ako nakapagasikaso. Kaya nga ako bumalik ng maaga dito sa Laguna para maaga din ako matapos. Kaso shet, nakatulog ako after maglinis ng apartment. Pag-gising ko 10:00 na. Ughhhhh. Kung minamalas nga naman oh, first day na first day ng klase.

Hay. Wag na nga mag-shake. Ten minutes nalang 1 pm na. Malayo layo pa yung classroom ko at hindi pa yun nadadaanan ng jeep.

Teka. What? Umuulan? Ang araw-araw kaninang umaga ha? Ano bang meron sa araw na toh???

Binuksan ko ang bag ko para kunin yung payong ko, kaso...

"Shit," halos itaktak ko na sa isang table dito sa S.U. yung bag ko, pero wala pa din yung payong.

Ugh. It's obviously not my day today.

5 minutes to 1 pm. Pinaka-ayoko pa naman sa lahat yung na-le-late (well, it kind of depends upon the situation, like kapag na-late ako ng gising kasi sobrang pagod ako katulad lang nung kanina). As much as possible iniiwasan ko talaga ma-late kasi diba, nakakahiya naman sa Prof and kawawa naman siya if maistorbo ko siya sa pag-di-discuss. And nakakainis din diba kapag pagdating mo sa classroom sobrang haggard mo na.

Lalo pang lumakas yung ulan sa labas. Tangina naman kasiiii. Nako kahit best friend ko si Mia sisisihin ko talaga siya mamaya sa mga nangyayare sakin ngayon. Edi sana kung maayos na yung apartment di na ako mapapagod sa paglilinis diba?

Pero wait. Shet. Anong gagawin ko???

At the corner of my eye, nakita ko yung isang tumpok ng mga basang payong na nakatambak sa may front door ng building. Bawal kasi magpasok ng basang payong dito.

3 minutes to 1.

My only choice sa sitwasyon na toh? Magnakaw ng payong. Huhu. Kesa naman magkasakit ako diba? Ang bilis ko pa naman dapuan ng sipon.

Ugh. Lord patawad.

Dahan dahan ako naglakad papunta sa pinto, tumingin tingin sa paligid.

Buti nalang medyo konti lang yung tao dito sa first floor, lahat nasa OSA sa second floor.

Agad agad akong dumampot ng isang payong at kumaripas ng takbo palabas ng S.U. I didn't dare looking back, as in takbo ako na parang walang bukas, feeling ko nga lilipad na ako sa sobrang bilis. Pinaka-nakakahiya na sigurong mangyayare sakin if ever mahuli ako ng may-ari nu—

"Hey! Miss!"

What?? Shet. Nice. Keep on walking. Never look back. Binagalan ko pa yung paglalakad ko para hindi obvious na may ginawa akong masama. Nag-try pa akong makiblend in dun sa mga naglalakad sa may Palma Bridge. Hindi naman siguro makikita agad nung may-ari tong payong niya kasi—Wait. Fuchsia pink pala tong payong na nakuha ko? Pero bakit parang lalake ata yung naghahabol dito—

"Hey, Miss. That's mine." Bigla nalang may humila sa braso ko. At bilang naging P.E. ko ang Self Defense nung 1st year ako inamba ko na agad yung dalawang daliri ko para sundutin yung mata nung kung sino man yung humila saken.

I spun around and saw a tall boy. I mean, a really tall one. Parang malapit na ata siya mag-6 footer. Or maybe I'm just really relatively small. Wait. Ano ba tong sinasabi ko. Bui hawak niya pa rin yung braso mo oh. Tusukin mo na siya sa mata.

Pero bago ko pa mabaon sa mata niya yung daliri ko, he slowly clumped my hand with his own hands. Putting it down gently. Kahit basang basa na siya kasi syempre asa akin yung payong niya, nagawa niya pa na makangiti.

Fool For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon