Moving On (Bitter Diary) - Last Entry

436 17 1
                                    

Dear PoohPooh,

Ang saya saya ko! Bakit? Kasi last week, pinalayo ng mga kuyang ko si Ne sa akin, tapos, yiiii di siya nakatiis.. Pinuntahan niya ako sa bahay.. At back to normal na ulit kami hahaha. Ang bilis diba? Kasi naman umeksena ulit si muda, tinanong ulit siya, 

"Mahal mo ba si wifey mo?"

"Opo.."

"Bilang kaibigan?"

"Higit pa po.."

And we're official. Hindi na kami MU, MO na kami. Mag On.. hahaha. May ichichika pa ako sayo Pooh. Wag kang magugulat ha? Nagiinuman na naman sila dito sa bahay.. Kami ni Ne, nakahiga dito sa banig sa lapag.

OHH. WAG GREEN POOH. Kasama din namin si mama.
Hahaha defensive?

Baka kasi isipin niyo hala ano bang klase akong babae? Hindi ako malandi Pooh.. Sige ka, palitan ko name mo! Gawin kong Pooh Key..

Wholesome ako pooh.. mabait po ako.. pag tulog.. Nakikinig lang ako sa kwentuhan nila habang nakahiga..Si Ne? Katabi ko.. dumidiskarte!

Nakahiga yung ulo ko sa braso niya.. bigla bigla siyang umiikot at

*smooch*

Hinahalikan ako.. sa pisngi. Or sa kung saang parte ng mukha ko siya matapat.

1

2

3

Aba! Nakakarami to ah.. hinahayaan ko nalang siya.. Hindi ko alam kung bakit.. Pero parang may masamang mangyayari..

Hanggang sa. . Naka 16 kiss siya sakin!

BINILANG? Inggit ka ba Pooh?

Nang matapos sila, pinatay na nila yung ilaw at humiga na kami.. magpapababa ng tama tapos saka uuwi..

Ganto ang higa namin..

Si mama nasa folding bed,
Sa baba ako, si Ne, si Kuya.

So peaceful. Makakatulog din sa wakas..

*hinga*

*dugdug* bakit parang lumalapit yung hininga niya >////< Ang ganda ko mag kwento sayo no Pooh. Oh hinga ka, intense ito.

Bigla kong naramdaman ang malambot niyang labi. . . Sa noo ko..

Phew. Akala ko. .

*hinga* sheep. Bukas naman yung electricfan! Bakit ang init!?

Bumaba yung halik niya sa ilong ko..

OMG-- eto na ba.. kukunin na ba niya ang first kiss ko!?

At at at . .

*kiss* <-- saan yan?

Hindi ako makagalaw! Parang matatanggal yung puso ko!

*tugudugdugdugdug*

Biglang gumalaw ang bibig niya.. waaaa. Anong gagawin ko? Hindi ko alaaaam! >//////<

Umislide ang isa niyang kamay

Sa

Baba. .

I mean, hinawakan niya yung kamay ko.. >////<

He intertwined his fingers to mine at mahigpit itong hinawakan.. kinuha naman ng isa niyang kamay ang kamay ko at inilagay sa pisngi niya..

Ang stiff ko! Waaaa.

Naging harsh ng konti ang mga halik.. bumabangga pa yung ipin niya sa ipin ko! Ano ba to! Nalalasing na ata ako. Lasang alak ang labi niya >////<

Inilagay niya yung freehand niya sa. . .

Batok ko.. napatigil kami nung biglang ..

*slurppp*

Biglang kumawala yung hangin sa bibig namin at gumawa ng ingay.

Isinandal niya ang noo niya sa noo ko at nangiti kaming dalawa..

Akala ko tapos na..

*hinga* pumikit nalang ako.. hinalikan niya akong muli.. this time, hinahalikan ko na rin siya..yung lower part ng labi niya parang kinakain ko yung way kung paano ko kainin yung ice cream. Nang biglang . .

*gasp*

Ipinasok niya yung dila niya!?
Poking my tongue. Waaaa >///<

*tooot tooot*

Oh yes ligtas ako.. may nagtext.. yung kuya niya pinapauwi na siya.. nakahinga ako ng makuwag.. nakatagilid ako na nakaharap sakanya, tinakpan ko ang bibig ko gamit yung unan..

Nang matapos siyang magtext..

*hinga* ehhh!? Itinulak niya pababa yung unan at muling hinalikan ang mga labi ko.

Hindi paba siya nagsasawa?! Mamamaga na ata ang mga labi ko ohh.. maya maya ay huminto na rin siya.. hay salamat.. umidlip saglit at nagpaalam na uuwi na siya..

Kinabukasan.. kyaaaaa! Grabe Pooh! di ako maka get over. Nalunod ako! Hayy.. Ayan na Pooh, intense diba? Nakuha na niya ang first kiss ko kyaaaa.

P.S.

Sana hindi halik ng pamamaalam yon..

Kinakabahan,

Ann Shunge

Moving On (Bitter Diary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon