ii. sneakers

4 0 0
                                    

"Oh," tumingin ako kay tita na may dalang sneakers at ipinatong iyon sa malapit na mesa.

"Para po kanino iyang sneakers, tita?"

"Binili ko iyan para sa iyo."

"Talaga po?"

Napatingin naman ako dun sa dalang sneakers ni tita na may kulay puti at itim. Sinukat ko iyon at agad nasiyahan ng saktong sakto ang sukat.

"Salamat po, tita!" tumingin ako sa kanya ng nakangiti at nilakad lakad ko ang bagong sneakers.

"Bagay na bagay sa iyo, Joy. Pasalamatan mo rin mga pinsan mo at kung hindi pa sila nag kwento tungkol sa lumang luma mong rubber shoes, naku! Baka mamaya daw mapagkamalan pa daw iyong isa sa itatapon na gamit."

Umupo na ako sa tabi ni tita sa sofa ng medyo na pagod na ako sa kakalakad pabalik-balik gamit ang sneakers.

"Sa susunod, mag sabi ka kung may kailangan ka mang bilhin. Maliwanag?"

"Opo. Pero po kasi hindi pa naman po sira iyung rubber shoes ko. Tsaka may kalidad rin po kasi iyon kaya mahirap kung basta basta lang pong itapon."

-

"Joy! Sabay ka ba sa amin?" rinig kong sigaw ni kuya Ian-pinsan ko, sa labas ng kwarto.

"Opo! Saglit lang."

Sinintas ko na ang pang huling pares ng bago kong sneakers pagkatapos ay pinulot ko na iyung mga dadalhin ko sa school. Naabutan ko naman si kuya Dan sa salamin sa sala pagkababa ko kaya nakigaya na lang ako.

"Ang aga natin ngayon ah?" sabi ni kuya Ian na nag ayos rin ng kanyang buhok.

"Kasi po may practice po kami ng sayaw para sa PE po namin, kuya," umalis na ako sa salamin at na upo sa sofa habang hinintay si kuya mailagay iyung mga kailangan niyang dalhin sa bag niya.

"Ah." natapos si kuya Dan sa salamin at kumuha ng maibabaon niya sa lamesa.

"Alis na kayo, beh?" tanong ni ate Alice-pinsan ko rin, at pumunta sa lamesa para kumuha ng tinapay at kinain niya iyon ng mabilisan habang nagsusuklay ng kanyang basang buhok sa tapat ng electric fan.

"Opo, ate. Sabay po kayo?"

"Naku, huwag ka nang sumabay Alice!" sabi ni kuya Ian at tumayo na sa may pintuan.

Tumayo na rin ako para samahan si kuya Ian sa may pintuan.

"Hoy Ian! Pag ako hindi na kumpleto requirements ko at hindi maka-graduate, maglalagay ako ng maraming cactus at porcupines sa kwarto mo!" sinasabi iyon ni ate Alice habang mabilisang kinukuha iyung mga gamit niyang ilalagay sa bag.

"Dan! Bilisan mo! Mauunahan ka na ni Alice!"

Nagpapaunahang tumakbo sina kuya Dan at ate Alice papunta sa amin. Si kuya Dan na tumatawa at si ate Alice hindi malaman kung ano ang uunahin.

"Dali! Male-late na po ako!" sabi ko nang natatawa.

Si ate Alice na nag lock ng pintuan dahil siya ang huling lumabas at sabay sabay na kaming nag lakad papuntang sakayan ng jeep.

"Bebe, huwag mong kalimutang mag text kung nasa bahay ka na at school." sabi ni ate habang naglalagay ng kaunting powder sa mukha.

"Oo nga Joy. Tsaka lock mo itong apartment  kung wala pa ako o di kaya kami." sabi ni kuya Ian na chine-check ang bag.

"Saka nga pala, pakiabot kay Penelope," ngumiti si kuya Dan at inabot sa akin ang isang librong pang collage pa tungkol sa business. "Hinihiram ng ate niya. Baka hindi ko siya makita dahil may thesis meeting kami."

"Okay po."

Nung malapit na akong bumaba ng jeep, napansin ni ate Alice ang sneakers kong suot.

"Bagay sa iyo beh!" tinuro niya pa iyung paa ko.

"Talaga po? Thank you po sa inyo ah."

"No prob! Ako kaya pumili ng model!"

"Tss. Ako naman sa kulay, Joy." singit ni kuya Dan.

"Pero mas bet ko para kay bebe iyung kulay neon green at pink."

"Masakit sa mata ate Alice," napa-ngiwi ako saglit habang iniimagine ko iyung kulay.

"Sabi sa iyo eh. Basta ako, Joy, sa brand." napangiti naman ako kay kuya Ian.

"Basta. Thank po talaga. Una na po ako." nag kiss ako kay ate Alice. Tinanguan ko naman sina kuya Ian at kuya Dan na medyo malayo. "Para po!"

Naglakad pa ako ng kaunti subalit parang masisira ata ang araw ko ngayon dahil ang daming jackpot sa daanan. Binilisan ko na lang dahil hindi ko matagalan ang amoy. Tsk. Wala pa sigurong street sweepers. Pero dapat, 'tapat mo, linis mo!'

Nag indian sit ako at pumangalumbaba ng nakatakip iyung panyo ko sa ilong ko. Naghintay ako sa mga kasamahan ko ng mga ilang minuto pa. Siguro medyo maaga akong dumating. Inagahan ko kasi alam kong maaga si kuya Ian at Dan ngayon. Pero hindi ko inakala na sasabay pala si ate Alice.

Dahil naalala ko si ate Alice at sina kuya Ian at Dan, pinaalam ko na nasa school na ako.

May mga dumadating ng mangilan-ngilan at nag wa-warm up. Hinintay ko si Penelope, pero ang tagal niya. Umingay na ang paligid. Iyung iba, nag papakita ng sari-sarili nilang steps. May mga aspiring DJs rin.

Kanina pa ako hindi kumportable sa pwesto ko, kaya nang gumalaw-galaw ako ay may nakita akong naka - titig sa akin. Kinunot ko lang ang noo ko pagkat hindi ko siya kakilala. 

Ngumuso siya at agad naman akong pinamulahan ng mukha dahil sa ginawa niya.

Ni hindi ko nga siya kilala at gusto niya ng ganun?! Napa sabi ako ng walang kwentang salita sa hangin at sana ay makarating ang hangin na iyon sa kanya. Lumipat ako ng pwesto at ginawa uli ang posisyon ko kanina.

Lumapit muli ang lalake kanina sa pwesto ko. Subukan niya lang harass-in ako. Baka makatulong pa ako sa populasyon ng Pilipinas.

Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa at napansin kong parehas kami ng PE uniform na suot. Tumayo siya sa gilid ko na nakatakip ang kamay niya sa kanyang bibig at tinanggal rin.

May naamoy akong hindi ka aya-ayang amoy at ibinalik ko muli ang aking panyo para takpan ang ilong ko.

Ambaho ni kuya.

"Ahm. Excuse me po," tumingin na ako sa kanya at nag taas ng kilay. "Naka-jackpot po kayo."

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya, hinintay ko siyang mag salita muli pero tinuro niya lamang ang paanan ko. Napatingin ako doon at, oo nga.

Naka-jackpot nga ako.

Faux Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon