iii. tamang panahon

3 0 0
                                    

Sabi mo, "Maghintay tayo sa tamang panahon."
Mayroon pa ba tayong ganon?
Darating pa ba iyon sa atin?
Totoo pa ba iyon?

Dito sa mundong maraming kasinungalingan,
Naging totoo ka ba?
Lahat ba ng iyong sinabi'y kalokohan?
O sadyang mapag-biro ka lamang.

Tila tamang panahon nati'y iyong nakaligtaan.
At ako'y patuloy pa rin sa tahimik na paghihintay.
Ako pa ba'y iyong natatandaan?
O kinalimutan mo na lang akong para bang patay?

Ngayo'y tamang panahon ay nagdaan,
Parehas na tayong walang babalikan.
Ibig mong sabihin,
Aking huli na naintindihan.

Iyon pala'y:
"Maghintay tayo sa tamang panahon para limutin ang isa't isa."

Faux Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon