"Rain, Ayos ka lang?" tanong sakin ni .....
Tumango na lang ako para sabihing oo. Bakit ganto parang di ko magalaw iyong katawan ko? Ni makita sila ng malinaw ay di ko na magawa. Aggh, sakit ng ulo ko pakiramdam ko mawawalan na ako ng malay.
"Rain, Rain, please wag kang susuko." sabi ni mama habang tuloy-tuloy na umiiyak. Bakit ba? Ano ba ang nangyayari? Di ko maintindihan bakit sila umiiyak pati si ------ kanina.
Ang liwanag nasan ba ako tsaka bat ang daming nakaputi. Nakakainis naman oh, di ko makita man lang ang mga mukha. Basta ang alam ko ganoon ang postura niya at ni mama. Asar bat di ko maalala? Ano kaya nangyari kanina at ganto ang sitwasyon ko?
"Tahan na,," iyon na lang ang kinaya kong sabihin bago tuluyang di ko na sila marinig at magdilim ang aking paningin. Ano ba to?
kkkkkkkrrrrrrrrrrrrriiiiiiiiiiinnnnnnnnnnnnnnnggggggggggggggggg......
"Ay, naku naman panaginip lang pala." bulong ko sarili ko ng magising ako ng alarm ng cell phone ko. Bakit parang totoo siya? Parang totoo lahat ng nangyari. Bahala na nga matignan nga ang cellphone ko.
7:00 am
Weh? Nagloloko ba tong cell phone ko talaga bang 7 na patay malelate na ako. Asar naman e.
"Hoy, Rain bangon na diyan malelate ka na." sigaw ni mama sa may kusina.
"Wait lang po." tugon ko naman.
"Baba na po." Oo, nga noh tanong ko kaya kay mama kung may ganoong nangyari sakin dati baka sakaling siya ang makasagot sa mga tanong ko.
"Bilisan mo 7:15 na." Hala patay na nga. Kailangan ng magmadali. Asar talaga. Makaligo na nga muna.
"Ma, kuha na lang akong dalawang slice bread po ah, malelate na po talaga ako e." sabi ko pagkatapos kong maligo at magbihis. Patay mahaba pa palang biyahe o rush na naman. Makadrive na nga deretso nako sa short cut sa school.
"Sa wakas nakarating rin." Sabi ko ng may malaking ngiti. Buti na lang may 1 minute pa bago magtime.
BINABASA MO ANG
The Forgotten One
Teen FictionAno kaya ang gagawin mo kung bumalik ang nakalimutan mong kaibigan?