Hay, isang taon na lang magtatapos na ako ng sekondarya pero wala pa ring interesanteng nangyayare.
“Makapunta na nga sa classroom, boring naman e.” Iyan na lamang ang naibulong ko sasarili ko habang naglalakad papunta sa classroom, nang biglang may umakbay sa akin.
“Oh, ano na naman kailangan mo?” Bigla kong sambit sabay alis ng kamay niya sa balikat ko.
“Kailangan agad? Di ba pwedeng may ibabalita lang?” Tanong niya ng natatawa-tawa pa. Ang lakas naman ng trip nito oh ang aga-aga e.
“Oh, ano naman yan? Siguraduhin mong interesante yan kundi tatamaan ka sa akin.” Sinabi ko ng may kasamang pananakot.
“Haha cool lang, siguradong interesante to basta bilisan mo lang lumakad ng makita mo na.” sabi niya habang kinakaladkad ako.
Nababaliw na ata itong kasama ko. “Rain, oi Rain saglit lang!” sigaw sakin ni Cammie.
“Hoy, saglit lang nga Mike kausapin ko lang siya.” Hay, buti na lang binatawan agad ako nung baliw, bulong ko sa sarili ko.
“Ano iyon?” matipid kong sagot habang inaayos ang nagusot kong damit dahil sa baliw na si Mike.
“Ano nanaman ba ang gagawin niyong dalawa ha? At magkaakbay pa kayo.”
“Bakit selos ka?” Pangbabara ni Mike. Siraulo talaga naman, nilingon ko siya at biglang binatukan. Muli akong humarap kay Cammie na mukhang naiinis na rin kay Mike.
“Ahhh, eto o may nagpapaabot.” Biglang may inilabas siya na maganda at eleganteng kahon.
“Para san to? At sinong nagbigay?” sunod-sunod kong tanong.
“Well, di ko alam pinaabot lang din sa guard yan. Ay, mamaya mo na isipin yan malelate na tayo.” Tapos bigla niya akong hinatak. Hay, wala na akong magawa kinaladkad na ako ng dalawa e, ano bang meron sa araw na ito at ang daming wirdo na nangyayari.
Sa wakas binitiwan na ako nung dalawa, makakalakad na rin ako. Ang lakas talaga ng trip nitong dalawa. Naglakad na ako papunta sa upuan ko habang inaayos ang damit ko. At pinabayaan ko na iyong dalawa na magbangayan. Nakaupo na ako ng mapayapa pero wala pa rin iyong interesanteng sinsabi ni Mike. Pag ito wala makokotongan ko na talaga iyon.
Pumasok na pala ang adviser naming ng di ko napapansin. Mukhang may iaanounce siyang importante.
“Well, guys meron kayong bagong classmate.” Biglang nanahimik lahat. Di naman nakakapagtaka kung bakit nanahimik ang buong klase. Sino ba naman kasi ang mag-iisip na lumipat ng iskul nang malapit ng magtapos ng sekondarya. Sino nga kaya siya? Mukhang totoo ang sinabi ni Mike.
“Eto na siya si Ms. Janine Santiago.” At bigla na lang may pumasok na magandang babae sa pinto. Tingin ko napanganga lahat ng kaklase ko. Pero bakit ganun parang kilala ko na siya. May pakiramdam akong di siya mahinhin na katulad ng nakikita ko.
Biglaang tumayo iyong katabi ko na ikinagulat ko naman. At mas ikinagulat ko ng biglang umupo si Ms. Santiago sa upuan niya. “Hello, Rain Fajardo ang laki na ng pinagbago mo a.” Bigla niyang bulong sa akin ng nakangiti. Sabi na nga ba nakita ko na siya e.
Ano ba tong napasok ko o? Anong araw ba ngayon at parang ang swerte-swerte ko sa kabaligtaran. May nagbigay na nga ng ‘weird na box’ tapos weird pa iyong katabi ko.
Makapagrecess na nga tutal di rin naman ata darating ang teacher naming ngayon, dahil nilalagnat siya kahapon.
“Hoy, Rain sabay ka na samin.” Eto nanaman sila pati ba naman sa cafeteria maingay. Makalapit na nga.
“Ano pre, di ba sabi ko sayo may entiresanteng mangyayari e.” sabi niya ng may malapad na ngiti, habang si Cammie naman ay kumakain lang habang naglalakad kami.
“Tingin ko tama ka pero, napakaweird ng mga nangyayari e.” magtatanong pa sana siya kaso umalis na agad ako at kumaway.
“Mamaya na lang tambay muna ako sa rooftop mag-iisip lang wag na kayo sumunod.” Sinabi ko sa kanila bago ako tuluyang umalis.
Bakit ba ganun? Di ko maalis sa isip ko lahat ng sinabi niya. Makapagpahangin na nga lang ng maayos ko ang mga nasa isip ko.
Lumingon-lingon ako para mahanap ang paborito kong pwesto ng may makita akong ibang naka-upo. Bat siya nandito? Naman.
BINABASA MO ANG
The Forgotten One
Teen FictionAno kaya ang gagawin mo kung bumalik ang nakalimutan mong kaibigan?