Chapter 1

10 1 0
                                        

Enjoy reading! :)

---------

“I love you”

“Ahh… Ano… uhm…”

“Uy Ian! Tara na!”

 “Sige babe tinatawag na nila ako. See you later okay?” Nag-nod na lang ako.

He kissed me on my cheek tapos umalis na.

Tama ho kayong lahat boyfriend ko sya.

Sa totoo lang hindi ko talaga sya gusto kahit na gwapo at hot pa sya. Wala eh, walang spark.

Kaya naman laking pasalamat ko nung biglang dumating yung mga barkada nya kung hindi lagot na hindi ko alam kung pano ko sasabihin sa kanya yung 3 words na yun. Ewan ko ba tntry ko naman eh kaya lang wala talaga.

Mejo bago-bago pa lang kami ni Ian. Kaya siguro ganito pa ako. Siguro masasanay din ako pag tagal-tagal. Matututunan ko din siguro yun baling araw.

Kung nagtataka kayo ganito yun, hindi ko talaga sya mahal, I don’t love him …well for now.

Naupo lang ako sa may bench dito sa school.

Ako nga pala si Ashley. Ashley Hale. Ako ay isang college student , nag-aaral ako dito sa University na pagmamay-ari ng pamilya namin. Ang sabi ng magulang ko bilang kami ang nagmamay-ari neto ay kailangan ako ang maging best student at maging isang role model sa mga studyanteng nag-aaral dito.

In short I have to be nice and kind to everyone here.

Yun ang dahilan kung bakit ayaw ko dito. Lahat ng mga mata nakatingin sakin. Lahat sila gustong makipagkaibigan sakin.  If I know gusto lang nila ng kapit at yung iba naman gustong makilala din sila. Katulad nalang ng mga papalapit ngayon. -_-

“Ugh. Ayan na naman sila”

I sighed pagkita ko pa lang na paglapit nila

“Hi Ashley!” Sabay pa nilang sabi

“Hi” Sabi ko na may kasama pang ngiti. Ayan ang sinasabi kong ‘be nice and kind to everyone’ kahit na sobrang nakakairita na.

“Oh my gosh Ashley! Totoo ba yung nalaman namin na kayo na daw ni Ian?”

She’s Clarisse. Well maganda naman sya, sexy din at may gwapong boyfie pero hindi nya alam niloloko lang sya ng boyfriend nya. May gusto sakin yung boyfriend nya si Alex. Pano ko nalaman? Sinabi ni Alex, sya mismo yung nagsabi saken. Tsk tsk kawawang Clarisse ..

“O-onga g-grabe! So n-nakakakilig n-naman y-yun! He-he” Sya naman si Emily. Obviously  may gusto sya kay Ian, kaya alam kong hindi sya masaya sa balitang to. Teka-

Ha? Panong nalaman nila agad yun?

Hay nako magtataka pa ba ako?

“Ahh haha” Haaaay ….

“Oh my gosh! I’m sure that you guys will be a perfect couple! Pero mas perfect pa din kami ng babes ko” I smiled. Kung alam mo lang Clarisse.

“Sige Ashley ah mauna na kami Bye!” At umalis na sila. Mabuti naman.

Makaalis na nga dito baka kung sino pang lumapit sakin.

Naglalakad na ko pabalik ng building ng makasalubong ko ulit si Ian. Wala na bang katapusan tong araw na to?

“For you” Sabi nya habang binibigay sakin ang isang rose.

Ano namang gagawin ko dito? Eto ang pinaka ayaw ko sa lahat ng binibigay nila sakin. Ano naman kasing gagawin ko dito? Buti ba sana kung nakakain to. Ice cream oh kaya libro ayan ang gusto kong ibigay nila saken. -____-

Tell Me A SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon