Chapter 2

4 0 0
                                        

A/N

Gusto ko pong magpasalamat sa mga nagbabasa neto. Maraming salamat po! <3

So ayun eto na po ang chapter 2. =)))))))

------

Ashley’s POV

Andito ako sa may rooftop ngayon. Hanggang ngayon iniisip ko pa din yung katangahan ko kagabi. -__-

What was I thinking? SInabi ko sa kanya lahat ng secrets ko! Pano pag nagkita kami ulit?!

Ahhhhhhhhhhhh!! Mababaliw na ko dito -____-

Hindi. Tama hindi na kami magkikita at kung magkita man kami hindi na nya siguro ako matatandaan. Tama! Saka malamang sa malamang nakalimutan na nya yung mga pinagsasasabi ko sa kanya. Ang dami kaya nun!

Think positive Ashley! Hooo!

Papasok na sana ako ng room ko ng may tumawag saken

“Ashley!”

Si Ian.

“Uhm aayain sana kitang magdinner mamaya sa bahay. Pwede ka ba?”

Okay. Simula ngayon ittry ko na talaga promise.

“Ahhh. S-sige” Agad namang lumapad ang ngiti nya

“Great. So I’ll pick you up at 6 later okay?”

“Okay”

Umalis na sya at ako naman ay pumasok na ng room. Wala pang prof kaya tumungo muna ako sa desk ko.

Pano bang nangyare lahat ng ‘to?

Flashback

 “Oh Ashley nanjan ka na pala. So how’s school?” Bungad sakin ni mommy

“Everything's fine naman po mommy, wala naman pong masyadong nangyari” magalang kong sagot

“Mabuti naman kung ganon sige, go to your room now and wear something nice” utos sakin ni daddy

“Ha? Bakit po Dad?”

“Meron tayong special guests na pupunta ngayon. Go”

Kaya naman pumunta agad ako ng kwarto ko at sinunod ang utos ng dad ko.

Bumaba na ako. At na-surprise talaga ako sa nakita ko.

Kaya ayoko ng mga surprises eh -___-                                         

“Ashley, Iha”

“Ah hello po tito, tita” At bumeso ako sa kanila. Ang la-laki naman ng ngiti ng mga magulang ko lalo na yung lalaking nakatayo sa may likuran nila.

“Hi” bati nya ng magtama ang mga mata namin

“Ahh hi”

Ayun kumain lang kami. Pero syempre hindi lang iyon. Eto na nga ba ang sinasabi ko.

“So Ashley my son told me that he’s courting you, hindi mo pa ba sya sasagutin?” Sabi ni Tito Paul

Muntik na akong mabilaukan dun ah.

“P-po?”

“Dad!” Protesta naman ni Ian

“Bakit? Ano namang masama dun? Eh sa mga tinginan nyo pa lang kanina eh makikita na kung gaano kayo ka-inlove sa isa’t isa!” Excited na sagot ni tita, kulang nalang magningning yung mata nya

“Oo nga naman Ashley, anak” Ayan na nagsimula ng magsalita ang magulang ko. Matagal na nilang gusto si Ian para sa akin. Bukod daaw kasi sa mabait eh galling pa daw sa isang kagalang-galang na pamilya. Patay nako neto. Sana lamunin nalang ako ng lupa.

“Mom! Dad! Tito! Tita! Wag nyo namang i-pressure si Ashley. I can wait naman eh”

“Iho, hindi naman sa pnpressure naming ng parents mo si Ashley pero wala namang magbabago kung ngayon ka nya sagutin di ba? Hindi ba anak?”

 Okay. Pati lovelife ko pinakialaman na nila. Wala na talagang kwenta tong buhay ko. Tama si mommy wala din namang magbabago. Alam ko din naman na mangyayari at mangyayari tong gagawin ko ngayon. As if I have a choice.

 Gusto ko nalang matapos to. Pagod na ko.

“Per-“ Magsasalita pa sana si Ian ng sumingit ako. Wala ng atrasan to.

“A-ang t-totoo nyan balak na talaga kitang sagutin. N-naghahanapp lang ako ng m-magandang t-tyempo”

Natahimik silang lahat sa sinabi ko. Panindigan na. Siguro naman matututunan ko din syang mahalin. Pwede naman yun di ba? Walang nagsalita kaya tinuloy ko na.

“Kaya, o-oo s-sinasagot na k-kita” halatang gulat sila lalo na si Ian.

End of flashback

Ayan ang dahilan kung paano ko sya naging boyfriend. Feeling ko tuloy ang sama-sama kong tao. All this time ang alam nya eh mahal ko na din sya. Kaya nga sobrang nag-guilty ako pag nag i-ilove you sya saken eh tapos hindi ko sya sasagutin ng ‘I love you too’ iniiba ko agad yung topic.

“Ash, Ashley, huy! Anong problema mo?”

Bumangon ako sa pagkakatungo ko dahil etong si Sam eh niyuyugyog ako.

“Masama ba kong tao Sam?” Wala sa sarili kong tanong

“Ha? Baket may pinatay ka ba?” @_@ Ayan na naman po sya /facepalm

“Grabe ka talaga. Wala noh! Hindi naman ganyan ang ibig kong sabihin”

“Hindi. Hindi ka masamang tao Ash” Napatingin ako sa kanya bigla. Umiiling-iling sya habang nakangiti, isang sincere at masayang ngiti. “Nakahanap ako ng kaibigan nung nakilala kita, nung lumapit ka sakin non at tinanong ako kung pwede mo kong maging kaibigan. Alam mo bang ang saya-saya ko non? Kaya hindi ka masamang tao” And she smiled again. Yung ngiting abot tenga.

Sakto naman pumasok na yung prof naming kaya bumalik na sya sa pwesto nya.

I’m officially declaring it. Masama akong tao.

Tapos na ang klase nandito na ko sa bahay at hinihintay si Ian.

“Let’s go?” Pinagbuksan nya ‘ko ng pinto ng kotse. Gentleman :) Napangiti ako.

Tahimik lang kaming dalawa sa buong byahe. Isang nakakabinging katahimikan.

Hindi kasi ako nagsasalita hanggat hindi ako kinakausap. :3 Kaya nilaro-laro ko na lang yung kamay ko.

Sa wakas nakarating na kami.

Syempre pinagbuksan nya ulit ako ng pinto.

“Oh Ashley, Ian anjan na pala kayo. Come pasok ka iha wag kang mahiya”

“Ahh good evening po tita, tito”

“Goodevening din. Oh sya halika na at kumain na tayo baka nagugutom na kayo”

Ang ganda ng bahay nila.

Tumingin-tingin lang ako sa paligid.

“Luke! Halika na at sumabay ka na sa amin”

Sht. Panong? Anong ginagawa nya dito?! O_O

Hindi ako makapaniwala. Nandito sya sa harap ko ngayon at nakatingin din sya sa akin….

Si Mr. Stranger....

-------

A/N

Oh-oh. Naaalala pa kaya ni Mr. Stranger si Ashley?

Pano na ang mga secrets ni Ashley?! 

Vote and comment po sa may gusto :))))

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 31, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tell Me A SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon