Issue #1: MAJOR,MAJOR!

51 1 1
                                    

Issue #1: MAJOR,MAJOR!

  103113 

Scene #1:

"Hinde ito nadiscuss!"-Pedro

"Punyetang teacher yan magpapaexam tas di itinuro!'-Marko

"Pigilan niyo ko makakalbo ko yang gurong yan!"-Juana

Scene #2:

"Nagawa niyo na ba yung project sa T.L.E?"-Marko

"HUH?! project ano !? ano yun?!"

Scene #3:

"Ok class study lesson 1 up to lesson 6 we will be having a Long test on Tuesday. Class dismissed."- Mam' Digyawata

~~~~~~~~'

Sa panahon ngayon usong-uso ang mga subject na nagmamajor-mejoran. Since Elementary ata ako may ganyan na pero this time lalong lumala!

Samahan pa ng malaterror mong teacher na anytime handang kumain ng estudyanteng hinde makarecite. Simula grade 4 ako takot na ako sa mga terror.

Alam niyo ba yung subject na E.P.P.? para syang H.E.L.E. sa iba o kaya naman T.L.E. bagsak ako dyan nung grade 4 ako alam niyo kung bakit ? Hindi ko din alam XD

May habit kasi ako na bago pa man magsimula ang pasukan eh binabasa ko na agad yung mga libro namin para may idea na ako kung ano yung pag-aaralan namin para sa isang taon. Eh nung nabasa ko yung E.P.P book namin ang mga lesson eh: Paano magtanggal ng mantsa sa damit, Pagtanggal ng bara sa inidoro  blah,blah. 

ang nasa isip ko nung mga oras na yun ay "Nyeta! pagtanggal ng bara sa inidoro? lahat naman ata ng mga nandito eh matututunan mo kahit di ka turuan!" 

at dun nagsimula ang pagtulog ko sa klase kapag time na nung subject na yun..

Pero alam niyo kung sino pa yung MINOR lang yun pa yung feeling MAJOR! nakakabanas! 

Ito ang ibat-ibang definitions ko ng mga feeling MAJOR:

1: OKCC: Sila yung mga teacher ng mga feeling MAJOR na pagkapasok mo palang sa classroom ay may mga nakadikit na mga Cartolina, Manila Paper na nakidikit sa board at biglang sasabihing : "OK CLASS COPY!" Mam! mawalang galang na po ha pero nag teacher pa kayo kung papakopyahin niyo lang naman kami ng lesson niyo nahiya naman po kami. Sila din yung paglatapos magsulat eh wala man lang discussion ! Nakakahiya naman po talaga ano!? SRSLY?!

2: SURPRISE!!!:  Ito yung mga subject na bigla-biglaang mag papa long quiz kahit wala naman silang naiturong maganda! At kung sinusuwerte ka pa hindi ka nila bibigyan ng 5 minutes, 10 minutes para magreview XD. Ito ay isa sa mga kadahilanan kung bakit maraming estudyante ang bumabagsak LOL.

3: DIREKIto yung mga subject teacher niyo na mahilig magpa- role play. Yung tipong ngayon lang sinabi 'tas bukas na agad yung performance BONGGA Diba? sila yung mga masarap kalbuhin. :> at kung humahabol ka sa grades eh ikaw yung papasok ng maaga at magpaparactice. Pero yung mga kagrupo mo eh hinde sineryoso kaya mababa kayo. BUWISET!

4: DA CARD COLLECTOR:  ito yung mga first day pa lang eh papakuhanin kayo ng mga Index card at kung hidi naman gaanong maarte yung teacher eh kailangan may kulay pa. At kapag sinabi niyong wala kayong dala eh sesermonan kayo! sasabihin dapat laging handa! Mam, pumasok po kami para mag-aral hindi para mag boy scout. Sila din yung mga mapagsamantala kapag walang mga dala yung mga estudyante pagbebentahan niya >:))) Extra Income!

5: TV PATROL: Ito ang pinaka ayaw ko sa lahat yung mga teacher na estudyante ang ipapareport ng mga lesson. Sabihin mo nga mam may urge (wow inglish spiking XD haha) ba kaming makinig kung kaklase namin ang magtuturo nyan. Edi sana pala wala nang Teacher sa mundo kung ganyan ang gagawin mo. Nag-aral ka pa ng EDUCATION! Dapat kami ang sinusuwelduhan hindi ikaw! Sila rin yung mga masarap ishave yung baba gamit yung razor kahit walang buhok kasi pagkatapos ng reporting hindi man lang inexplain! ay aba LECHE KA! 

~~~~~~~~~

Sa mga estudyante dyan sana nakarelate kayo!

Comment po kayo o kaya mag suggest ng mga pangyayaring gusto niyong gawan ko ng opinion 

YUN LANG! 

~RED ^ ^ 

SRSLY?! (A slice of my Life)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon