"LAZARO!"
"Oh. Yes sir? Ano po ulit?"
"I've been calling you kanina pa! Kung tutunganga ka lang sa klase ko, sana di ka nalang pumasok!"
"Sorry, sir. Sorry"
"Ts. Okay, class. Since boring pala klase ko base sa pagspace out ni Ms. Lazaro,dismiss kona kayo. BUT! Long exam tomorrow. All chapters! Okay? Bye."
Oh shit. Den, u've ruined their lives.
"Sorry guys. T'was my fault."
"Ano bang problema Den? First time ka nagspace out sa class. Favorite subj mo pa"
"Sorry. Sorry talaga. Wala to. Sorry guys"
Look what you've done Den. Nadamay pati classmates mo. Fck sht.
Makapagsumbong na nga lang kay Alyssa...
.
.
.
.
Oh wait up. Magkagalit nga pala kami. :(Haay. Lutang ako. Di ako nakatulog kanina. Kala ko kasi itetext na niya ko. I memessage na niya ko para maging okay na.
Pero wala e. HAHAHAHA. Tang na..
Di ko na maramdaman ang dati mong pag ibig.
Di ka nagpaparamdam! Ano iba na kasweet sweet-an mo jan!? Iba na kinukulit mo!? Iba na pinapadalhan mo ng random msgs!?
Anoooo bai?
Akala mo ikaw yung selosa sa'ting dalawa. Ikaw lang yung vocal, lul ka! Kala mo ha!
Kala mo di ko napapansin yang mga iba mong nakakausap! Yang iba mong niyayakap sa game! Yang mga kakwentuhan mo! Akala mo!
HOY FYI. MY EYES ALL ON YOU! Always. (Pati nga puso ko e) Yak Den. Ang baduy non. Hahahaha.
But, kidding aside. Di ko lang sinasabi, Ly.
Pero kada may nakakausap ka, nakikita ko. Kada may nagpapapansin sa'yo, naiinis ako.
Kada tumatawa ka kasama nung iba, napipikon ako. Kada tingin mo sa iba, nabwibwiset ako.
Ako lang uy. Sana ako lang.
Pero di ko lang masabi sa'yo. Kasi.. ano nga ba naman ako sa'yo? Kaibigan? Besh?
Bai? Mapanghahawakan ko ba yan? Ha? Ano ba tayo? Di ko nga alam kung may "tayo"
Oo, sweet ka. (Kaya mahal kitang ugok ka!) Ang corny mo. Ang effort mo always. Ang.. ughhh. Basta. You made me fall for you..
Pero paano kung ganan ka rin sa ibang nakakausap mo? :(
Bai, di kasi ako sigurado. Oo, sigurado akong mahal kita. Mahal na kita.
Pero, hindi ako sigurado... kung sakin ka lang ba ganyan. Kung pati ba yung iba mong nakakausap, ganyan ka rin kasweet. Na baka natural na sa'yo yang pagkaconcern mo.
Nakakainis. :( Nakakamiss. :(
Sa tuwing nakakatanggap ako ng
"Bai ko! I love you. Mahal mo rin ba ako? Ha? Hahaha. I love you!"
Syempre, pagkabasa kopa lang nasasagot ko na agad ng "Tanga ka ba! Malamang mahal kita. Baliw ka!"
Pero, naiisip ko. Ano bang pagmamahal meron ka para sakin?
Pareho ba tayo? Mahal kita as in mahal..
Pero ikaw. Ano ba, bai? Pareho ba tayo... o baka mahal mo lang ako bilang kaibigan?
Kaya di ko na lang sinasagot kasi hindi ako handa sa kakahantungan ng usap natin.
Bai, marami nga akong hindi nasasagot na tanong mo. Sa bawat messages na pinapadala mo sakin? Nakatatak na yun sa utak ko.
Tanda mo nung kwinento mo sakin nung umuwi kang Batangas, tapos bumili ka ng kendi sa may kanto tapos hinabol ka ng aso?
E yung may nagpaautograph sa'yong fan ng lasalle habang nasa mall ka?
Naalala mo rin ba yung kwinento mo saking natanggal yung sintas ng sapatos mo habang naglalakad ka? Tapos nadapa ka.. hahahaha. Naiimagine ko pa rin kung ano kayang itsura mo nun.
Bai, lahat. Lahat ng sinasabi mo. Lahat ng tanong mo. Tanda ko.
Kung kamusta na ako.
Kung kailangan pa ba kita.
Kung mahal kita.Bai, hindi mo ba ramdam?
Hindi mo ba ramdam na mahal na mahal kita?Kaya hindi ko rin masagot ang tanong mo?
Kasi iniisip ko.. deserve mo ba ang isang taong tulad ko?
Na hindi ko nga ata maparamdam sa'yo kung gaano ka kahalaga sakin. Kung gaano kita kamahal.
Kala ko pag hindi ko sinagot yung mga tanong mo... mas magiging okay tayo.
Kala ko pag kinimkim ko na lang yung mga kwento kong walang kwenta... mas sasaya tayo.
Kala ko pag hinayaan kong maging lowkey yung samahan natin, mas magiging okay.
Di ka ba nanghihinayang sa atin.
Nagsawa ka na sa akin..Hindi pala.