"Den."
"Ow. Hi, Ly"
Great. Den. Stay calm. Please. Hoo. Breath in. Breath out.
"Earth to Den, earth to Den"
"Ay! Hehe. Sorry, Ly. Ano ulit?"
"Tinatanong kita kung kanina kapa dito"
"Ah. Oo, pagkaexam ko dumiretso na ko. :)"
"Oh. Sorry for waiting. Hm, so how was it?"
Woah. Okay na ba ulit kami? ^_^
"Uhm.. hell as usual. All chapters ly! All! As in!"
"Hahahahaha! Tigre ka na naman! Pasa ka naman dun. Sus!"
"Heh. Bad mo. Hm, uhm.. Ly. What we'll gonna do here?"
"Diba sabi ko we'll talk"
"I know. Duuuh. What I mean is.. about what? Kailangan talaga dito? Gusto mo sa cond.."
"Nope dito nlng. Uhm.. yes, we'll talk. About.. us"
"Oh. Ah. Right. Us.. uhm."
"Sorry if that US made you uncomfortable.. but, Den. Look. Uhm. I'm here to clear things out"
Ly ano ba to. Sht heart. Stay still. Mag uusap lang. Mag aayos kayo. That's it.
"Uhm den, u with me?"
"Yes, yes. Please continue"
"Oh. Like what I've said.. sabi ko naman sa'yo andito lang ako always if kailangan mo ako..."
No, no no. Parang di ko gusto pupuntahan ng usap na to..
"...na mahal kita. Pero den, nakalimutan mo na ba yung sinabi ko sa'yo.. na sana naman kung may maging lovelife ka na ulit. Sabihin mo sakin.. bat nagsikreto ka?"
What. Are. You. Talking. About.
"Den, alam mo maiintindihan ko naman e. Alam ko wala akong karapatan magdemand na kwentuhan mo ko.. pero sana naman sinabi mo sakin agad.. hindi yung akala ko nasa akin ka pa. Pero hahaha. Ano ba to. Sht masakit pala"
Ly. What's this? Please? What? :(((
"...hindi mo naman sinabi na may meaning pala yung di mo pagsagot ng mga tanong ko.."
Kasi ly baka hindi ko masagot yung tanong mo ng hindi ko rin natatanong sayo pabalik kung gano mo ko kamahal.. baka di ko marinig yung gusto kong marinig
"...na wala na palang sense yung pagkwekwento ko sa'yo nung mga nangyayari sakin araw araw dati.. dko napansin agad na ikaw di kana nagkwekwento"
Kasi ly ayaw kitang kwentuhan nung mga kamalasan ko sa araw araw. Na wala ata akong magawang tama, na makadagdag lang ako sa problema mo pag nagkwento ako ng problema ko.. dagdag sa stress mo.
"...na kaya pala hindi kita mahila pabalik sakin kasi nakatali kana ulit sa iba..."
Sinong iba? Ly? San ba galing yan?
Ano ba to?"...nagkikita na pala ulit kayo ni Fonso. Haha. Great. Kayo na ulit ng mahal mo"
WHAT? San galing? Nagkasalubong lang kami last time.. tapos he invited me sa lunch para makilala ko new nililigawan niya. :(
"Den, alam mo kasi.. masakit. Masakit kasi yung naipong pangbabalewala mo sakin... yung ignored texts ko, dms, fb pm's.. den, tiniis ko naman di mo replyan kasi akala ko busy ka lang.. akala ko may kwenta pa..."
Ly nababasa ko lahat. Ly naman. Wag ganito. :(((
"..yun naman pala di mo na kailangan."
Ly, alam mo bang yung mga messages na yun na tinatawag mong walang kwenta ang nabuo ng araw ko? Na nagpapasaya sa problemado kong buhay?
"...matagal mo na pala sinara yung pintuan para makapasok ako sa buhay mo.. di ko man lang napansin agad"
Ly mahal kita. Mahal na mahal kita, bai. Mahal na mahal. Hindi ko sinara. Natakot lang ako.. na baka pag nakapasok kana ng tuluyan sa pintuan ko, iwan mo lang rin ako katulad nila.
"Den.. ang sakit kasi. Pinipilit kong pumasok sa buhay mo.. na isama mo naman ako.. hindi lang sa masasayang nangyayari sa buhay mo, isama mo rin ako sa mga problema mo.. pero ayaw mo pala. Haha. Sht. Sorry ha? Pinagpilitan ko pang papasukin mo ko"
Alyssa naman... :((((((
"...sorry kung kinukumusta kita lagi noon ha? Sorry kung lagi kitang kinukulit dati.. sorry kung pinagpilitan ko sarili ko sayo... sorry kung tanong ako ng tanong"
Ly. Fck this. Please stop... stop na. Stop right there. We'll talk diba? Bakit.. hindi ata ganun ang nangyari? :(
"Den, akala ko kasi sa pagtatanong ko mas lilinaw kung anong meron tayo...
Tama naman ako.. luminaw nga..
Sa bawat tanong kong di mo nasasagot, lumilinaw nga..
Lumilinaw na malabo talaga yung tayo. Malabo. Sobrang labo. Kaya yan, buti okay na kayo ni Fonso. Sa kanya, malinaw na yung Kayo. Better. Right? U deserve each other. Kesa satin na wala kang kasiguraduhan"
Ly.......
"... sana. Sana naparamdam ko sa'yo kung gaano kita kamahal. "
Mahal na mahal kita, bai.
"..sana naramdaman mo kung gaano ka kahalaga sakin."
Ikaw lang mahalaga sakin. Ikaw ang kailangan ko.
"..sana lang napasaya kita nung panahong meron pang malabong tayo."
You make me happy in everything you do..
Except this..
"Sana maging masaya kayo. Siguro eto na yun..."
Sandali lang, wag mo munang sasabihing ayaw mo na...
"...kailangan ko ng mag step out sa buhay mo. "
Aray.