|1|

8 1 0
                                    

"DANNN!!!!!!"

"PAT! Andito lang ako sa harapan mo, k?? O ano ba??"

"Gosh! Dan.. nakita ko si Matrix!"

Matrix?! Ang swerte ni Pat... hays..... Matrix.....

"T-talaga??? Kamusta na ba siya???"

"Okay lang naman Dan... pero..."

"Pero?"

"Wag na nga lang! Baka humagulgol ka diyan..."

"Sabihin mo na Pat... gusto ko lang... malaman..."

Kung ginamit ko lang ang utak ko noong mga panahong yun siguro parehas pa din ang turing niya sakin....

"K fine... may kahalikan siya.. na babae..."

At pagkasabi ng pagkasabi niya nang mga salitang yun... muling nabika ang puso ko... pero naalala ko... wala akong karapatan na masaktan... walang kami..... wala talaga... kaibigan niya lang ako... kaibigan LANG.

Di naman ganyan si Matrix noon eh.... desente pa siya... pero nang dahil sa katangahan ko.... nasira ang magandang pagkatao niya...

"Dan... kung ako sayo... wag ka nang umiyak diyan... baka kasi.. di si Matrix yung nakatakda saiyo... baka trial lang siya..."

"Kung trial lang siya bat di ko pa nalampasan?"

Sabi ko sabay sa pagtulo ng mga luha ko...

"K... ganito nalang, sleepover muna ako dito... para may karamay ka"

"Pat... mahal ko si Matrix.... sobra...."

"Alam ko yun, gala nalang tayo mamaya!"

"Yoko.... inuman nalang... sige na P-pat..."

"No! Danielle Sheid! Napakababae mong tao... tapos nagawa mo pang ginusto ang uminom?! Like.. seriously! Baliw ka na ba?!"

"Oo... baliw na baliw kay Matrix... dapat nasa akin siya eh...."

"Tingnan mo nga to, wala pa nga nakainom..."

Tsk. Yoko na..... masakit na... pero hindi! Kaya ko to! Kaya!

"Pat inom tayo!"

"Hays... basta't maging maayos ka... sige"

*time skip

- 6:45 p.m. -

"Para san pa ang pagmamahal ko... kung masasaktan lang palaaa....!!! WOOOOO!!!!"

Hays.... Matriiiixxx!!! Sinayang mo lang akoooooo!!! Mahal kitaaaaaa!!!!!!

"MAHAAAALLL KITA MAT---"

"Danielle?!"

"Matrix? Matrix... i-ikaw!"

Si Matrix... nasa harapan ko siya... Matrix......... Matri-----

---

"DAN!!! DAN!!! DAAAAANN!!!!"

"Ha??? Matrix... mahal kitaaaa!!!"

"Jusko po, nasapian ka nanaman"

"Pat.... asan yung vodka ko?? Asan?! Si M-matrix.... asan na siyaaa?!?!? Matriiiixxx!! Diba... diba nasa gate ka nun?! Tapos binuksan koo!! Tapos sabi mo may kahalikan si Matrix! Tapos pumunta tayong bar!"

"Baliw, anong vodka?! Tsaka... Matrix?? Bar?? Gurl, anyare??"

Narealize ko na... panaginip lang pala.... asa naman akong makikita ko si Matrix.... nasa U.S. na yun... iniwan na ako sa ere... ni di manlang nagpaalam... o kaya nangiwan ng text... asa naman ulit ako nagagawin niya yun.... wala lang ako sa kanya... kaibigan lang niya ako. Kaibigan lang.

Wala akong halaga. Wala akong posisyon sa puso niya... wala....

Tiningnan ko si Pat na litong lito...

"Dan... kunan kita ng tubig ah? Jusko po"

"Sige"

Maswerte ako at nakilala ko tong si Patricia....

Umupo ako, lumingon sa gilid at nakita ko yung picture namin ni Matrix.... nung normal pa ang lahat... yung magbestfriend pa kami... yung close na close... sobrang close...

Kinuha ko yung frame...

Yung ngiti niyang nakakatunaw... namiss ko na.

Yung mata niyang nangangausap... namiss ko na.

Yung mga kiss niya sakin sa cheeks sa tuwing nagkikita kami.... namiss ko na.

Meron pa sana ang lahat ng yon... kung di ako nagpakatanga....

Tumulo nanaman luha ko...

"Dan?"

Si Pat..

"Hay nako, halika ka nga dito.."

Niyakap ako ni Patricia. Salamat at nagkaroon ako ng kaibigang nakakaintindi...

"Gurl.. yang si Matrix... trial lang yan... tsaka malay natin nasa tabi tabi lang yung nakatakda sayo.."

Ngiti niya sakin. Di pwede... di ako papayag... si Matrix lang ang mamahalin ko.... siya lang... di ako susuko...

"I love Matrix too much to do that... kahit wala lang ako sa kanya... kahit kaibigan lang talaga ang tingin niya sakin.... di ko siya kayang ipagpalit..."

"Suporta nalang ako"

"Pat.. ano ba ang wala ako?"

"Jusko Dan, tama na, wag mong questionin ang pagkatao mo, your perfect just the way you are, at kung di yon nakikita ni Matrix.. then... kailangan niya nang magsalamin"

"Gagi ka, malinaw ang mata ni Matrix!"

"Oo na.. hahahhaa! Nambibiro lang... pero seriously.... 5 years ka nang humahagulgol diyan para kay Matrix... wala ka ba talagang nakikilala na suitable para sayo diyan?? Ang dami namang gwapo diyan ah.."

"Tsk. Di kagwapuhan ang habol ko! Minahal ko si Matrix kasi iba siya! Mabait... gentleman... marunong umintindi.. di niya kayang marunong mambastos ng babae.... nasa kanya na ang lahat Pat... sino bang di mahuhulog ang loob sa kanya?? Alien lang no"

"O ano? Iiyak naba ako??"

"Tsk, bakit ba kasi di kami pwede??"

"Siguro di pa panahon..."

"Siguro nga"

I'll Be Yours, For A WeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon