|3|

8 0 0
                                    


Di ako nakatuloooooggg!!!!

Kasi naman... kung ikaw kaya... nakita mo yung pinakamamahal mo na masaya sa iba, malala, mahal na mahal niya pa.

Nabiak ang puso ko, madami akong crush pero pag may kasama silang iba di naman kumikirot ang puso ko... tanging siya lang yung nagpapadama sakin nito.

Imposinleng sumpa niya to sakin... diba? Hays.

Ako tong concerned sa kanya, palagi siya ang nasa utak ko... pero siya.. siguro matagal niya nang tinapon ang mga alaala namin sa basurahan.

Di ko na talaga kaya ag sakit.

Di ko kayang tanggapin! Namawawala siya sakin!

Kahit anong alarm clock pang bilhin ko di pa din ako magigising sa katotohanang di kami pwede.... kahit magdamag akong matulog di ako makakadama ng malalambot na labi sa labi ko kasi nasa iba na siya..... kahit sumikat pa ang araw, di pa din liliwanag ang buhay ko pag wala siya....

"GOODMOOORRRNIINNG!!"

"Pat?"

"Oo guurrll!!! Tara gala tayoo!!!"

"Di ko nga kayang bumangon para ipaglaban siya, gumala pa kaya?"

"Hay nako! Danielle, halika naaaaa!!! Libre ko promise!"

"Kahit libre pa ang lahat di naman libre ang puso niya.."

"Danielle Sheid"

"Tinatawag niyo nga ako sa pangngalan ko, pero siya kaya?"

"Dannnnnn!!! Tama na please?! trial lang si Matrix"

"Hindeeeeee"

"Iwanan na talaga kita"

"Sige iwan mo ako, sanay naman ako eh, nakaya ko ngang mabuhay na wala siya sa tabi ko..."

"Dan"

"Sige na nga..."

"Kk!!!! Bilisaaannn!!!!"

Naligo nalang ako. Hays.

- mall -

"Kapagod girlll!!! Coffee muna tayo"

"Naglakad ka lang, di ka umasa, di ka nagmahal... kung pagod ka ako hindi pa... lahat titiisin ko para kay Matrix... mahal ko siya..."

"Nagpapakatanga ka nanaman kay Matrix"

"Kahit ang pakatanga ko dito di naman niya mapapansin.... may mahal siyang iba... malabong ako yun.... ni di niya nga kayang tanggapin na mahal ko siya..."

"Jusko"

"Ano ba ang wala ako na meron siya??"

"Danielle, move on na"

"Ang dali sabihin pero ang hirap gawin.... di ko nga kayang lumingon sa iba... siya nakaya niya... nagpaparamdam ako sa kanya ngunit para sa kanya wala na ako.... baka nga di niya na ako kilala eh..."

"Coffee nalang tayo..."

"Kahit anong init pa ng kape di pa din matutunaw ang lamig na pinapadama niya sakin..."

"Mayghad gurl, ibang klase ka na"

"Kape nalang tayo..."

"Buti at naisipan mo pa"

"Oo nga eh"

Pumunta kami sa coffee shop naghanap ng upuan... then may nakabanggaan ako.. ulit.

"So-- Danielle!"

"Carl?"

"Oo! Nandito ka din pala??"

"Wala Carl, nasa puso niya"

"Nino?"

"Basta, sabay ka sa amin?"

"Sige ba"

Pumunta kami sa table namin, nakita ko si Pat dala dala na yung orders namin dalawa, bilis ah.

"Pat"

"Hmm?"

"Eto nga pala si Carl"

"Patricia"

"Carl"

Yiiiieeeeee, bagay sillaaaa... hays...

kami kaya ni Matrix? Bagay din kaya kami?

"So ano na? Eto na ba yung replacement ni Matrix? Gwapo ah.."

"Gagi ka, di ko ipagpapalit si Matrix no!"

Naupo kaming tatlo, pinagtabi ko sina Carl at Pat. Kasi.. OMG!!! Bagay talaga sila... buti pa sila... may lovelife... ako wala.

"So Carl"

"Hmm?"

"Kailan kayo nagkakilala ni Danielle?"

"Ah.. kagabi lang.. kung alam mo lang grabeng hugot kagabi... jusmiyo"

"Nga eh"

"Magkapatid kayo?"

"Hinde"

"Ah buti naman"

"Anong mabuti!?"

Hala.. OP na ako.... hays... pero mukhang naging warfreak nanaman si Pat ah...

"Nakakapagtaka kasi kung magkapatid kayo, ang ganda ganda ni Danielle eh"

"Tsk, kung makasalita parang ang gwapo mo"

"Maganda ka ba?"

"Tss"

Sige... asaran pa... magkakatuluyan din kayo...

Nagbangayan lang silang dalawa dun ako wala nakatitig lang sa labas.

Biglang tumunog yung cellphone ko...

1 unread message from Matrix my love <3

O_____________O

Si M-matrix... n-nag... t-text??

Impossible...

I'll Be Yours, For A WeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon