Chase 6

576 12 0
                                    

Alleah's POV

"Hay nako girl. Ewan ko sayo! Bakit mo naman ginawa yun? Nagmamalasakit lang naman yung tao sayo eh" sabi sakin ni Irish. Kinuwento ko kasi sa kanya yung ginawa sakin ni Nico at yung ginawa ko kay Kyle

"Eh, hindi ko naman kasi sinasadya, nabigla lang naman ako eh" pagdedepensa ko sa sarili ko. Feeling ko tuloy maiiyak na ko......" At tsaka dapat kasi hindi na nya lang ako pinakialmanan, problema na kasi namin yun ni Nico" dagdag na sagot ko pa

" Eh kasi nga mahal ka nya kaya ayaw nyang masaktan ka. Ganun kasi yun"

"pero hindi ko naman sya mahal eh, hindi kami para sa isa't isa kasi si Nico ang mahal ko" sabi ko

"Ganun nalang ba talaga yun?"

Napatingin kami sa likodan namin at nakita namin si Kyle

" Alleah, bakit ba hindi mo ako mabigyan ng chance? Yun lang naman ang hinihingi ko sayo eh" sabi nya.

Alam kong masasaktan ko sya sa sasabihin ko pero wala na kong pake. Ayoko lang na umasa pa sya

"Kyle. Tanggapin mo nalang yung katotohanang hindi kita mahal at hindi kita kayang mahalin. Tsaka diba sabi mo lalayuan mo na ko? Bakit ka nandito at hinahabol habol ako? Tsk tsk. Nako Kyle, itigil mo na dahil hinding hindi kita magugustuhan" sabi ko

He smiled bitterly. " Yeah. Siguro nga ito na yung oras para itigil ko na to. Tao lang din naman kasi ako, napapagod. Pagod na pagod na kong mahalin ka. I give up, Alleah. Im giving you up" sabi nya at umalis

Hindi ko alam pero naiyak nalang ako bigla.

"Girl. Okay ka lang? Bakit kasi hindi mo nalang sabihin sa kanya na mahal mo sya?" napatingin ako kay Irish dahil sa sinabi nya

"Ano? Hindi yun. Umiiyak ako dahil niloko ako ni Nico. Ang sakit pala no? Ha- ha - ha" pag pepeke ko sa tawa ko.

" Hay. Ewan ko sayo, hindi kita maintindihan" sabi ni Irish

Ano ba talaga? Bakit pati sarili ko hindi ko maintindihan?

Kyle's POV

Fvck! Ang sakit pala talaga

"Dude, ayos ka lang?" tanong ni James

"Hindi ko alam James. I told myself that i wont give up on her because i love so her much to the point that i will sacrifice my own happiness for her to be happy. Nung naging sila ni Nico, nung una pinigilan ko sya dahil alam kong lolokohin lang sya ni Nico pero sa huli hinayaan ko nalang kasi alam ko dun sya masaya eh. Mahal nya kasi yung manlolokong yon. Kahit na ang sakit sakit para sakin tinaggap ko. Dude. I gave up on her. Pagod na pagod na ko" this is so gayish but hell! Im damn hurt right now!

"Dude. Sinabi ko na sayo nung una diba? Tigilan mo na but you didnt listen."

"Eh kasi nga ma----" he cut me off

"Yeah yeah. Eh kasi nga mahal mo sya! Ang martyr mo dude. Sobra. Nako, kung ako sayo humanap ka na ng chicks tutal sinukuan mo na sya diba? May ipapakilala ako sayo" sabi nya at may tinawag sya

"Thea!!!!"

Lumapit naman yung babae dito

"Oh! Hi James! Who's that handsome guy beside you?"

" This is Kyle. Kyle this is Thea" sabi ni James at bumulong sakin " Paano dude? Maiwan na kita ha. Chance mo na to para makalimutan mo na sya" pagkasabi nya nun ay umalis na sya. Lumapit naman sakin yung Thea, kaya ayun nagkakwentuhan

The ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon