1. Sobra mong binigay ang lahat na tipong wala ng natira para sayo kaya kung minsan ang nagiging dahilan mo sa kanya "Ano pa ba ang kulang at dapat kong gawin para lang hindi mo ko iwan".
2. Nakakasakal kang magmahal dahil sa wala kang tiwala pero sobra kang takot na mawala sya to the point na kailangan nya ng sabihin sayo na "Ayoko na ng ganito nakakasakal ka na maghiwalay na muna tayo". Nakakairita ka sa simpleng salita.
3. Sobra ka ng tanga at bobo sa paningin ng tao sa paligid mo sa larangan ng pag-ibig. Alam mong niloloko ka na pero nagagawa mo padin syang patawarin dahil sa dahilan mo na hindi naiintindihan ng mga tao sa paligid mo.
4. Ang taong sobrang magmahal madalas nila nakaka-away ang mga kaibigan nila dahil sa sobrang pagtatanggol sa taong mahal nya.
5. hindi mo kailangan maging MATAPANG ang kailangan mong lang gawin ee maging HANDA kase kahit gaano kapa katapang pag mismong yung taong ngbibigay lakas sayo nawala siguradong MANGHIHINA ka.
6. Para kang aso kung makahabol sa kanya, linta kung makadikit, pusa na sobrang makapaglambing, parang kuto at surot na hindi mabubuhay kapag nawala sya sayo. Tapos sya alam mo kung ano isang ibon na lumilipad habang iniiputan ka sa ulo pero baliwala lang sayo dahil para kang isang love birds na magpapakamatay kapag naiwan na nag-iisa.
7. Ang taong sobrang magmahal walang pinapakinggan kundi ang sarili lang nila. Mapapagod ka lang sa kakapayo sa kanila dahil parang nakikinig lang sila sayo at tipong sasang-ayon pa sila sa payo nyo pero ang totoo nyan alam na nila ang gagawin yun ay ang kabaligtaran sa kung ano man ang naipayo mo.
8. Ang masakit sa lahat ay sila mismo ang nananakit sa sarili nila kulang na lang tadyakan at sapakin mo para lang magising sa katotohanan na ayaw na sa kanila ng taong sobra nilang mahal. Nakakainis dahil sobra din nila pinapaasa ang mga sarili nila na magkakabalikan pa sila pero ang totoo siya na lang ang nag-iisip na magkakabalikan pa sila.
9. Ito ang sobrang kinaiinisan ko "Bakit may mga taong sobrang magmahal sa mga taong wala namang kwenta". Wala na ngang kwenta pero nagagawa ka padin nilang saktan at gamitin pero pumapayag ka dahil nga sa sobra mo syang mahal.
10. Nakakainis dahil SOBRA DIN ANG SAKIT NA DULOT NG SOBRANG PAGMAMAHAL. Dahil mahirap ng intindihin ang isang tao kapag ito na ang dahilan nya "Mahal ko nga kasi eh" at tatanongin mo pa ng "Bakit mo nga sya mahal" na ang sagot na ibibigy nya ay hindi mo rin maiintindihan... Ang gulo nito pero totoo diba?.
11. Ang totoo nyan wala naman talagang sobra sa pagmamahal at wala din tama kung ilang porsyento lang dapat ang ibigay mong pagmamahal sa isang tao. Ang mahalaga sa bandang huli ay nagmahal ka at kung masasaktan ka man ng sobra ay hindi mo na kasalanan yun dahil mali din naman na isisi mo sa sarili mo at sa iba ang sakit na nararamdaman mo ngaun. Sabihin na lang natin na isa itong karanasan na dapat lampas bilang isang tao na alam kung paano ang magmahal at masakatan...
12. " Huwag mong husgahan kung pano magmahal at masaktan ang isang tao dahil lang sa kung ano ang nakikita mo dahil iba ang nakikita mo sa nakakaramdam ng pagmamahal at sakit na dulot nito. Kagaya ng iba din ang sinasabi nya sa harap ng taong mahal nya kumpara sa naririnig mo sa kanya kapag sya ay nasasaktan. "Naiinis ako kasi ako din ang sumagot sa mga kinaiinisan ko!
13. Siguro nga nagseselos lang ako. Ibig ba sabihin naprapraning na ako o talagang wala lang akong tiwala sayo?Sinusubukan ko naman huwag mag-isip ng masama at balewalain ang aking kutob para lang hindi ka mawala sa akin. Hanggang kailan nga ba pwedeng maging masaya ang dalawang nilalang kung alam nilang pareho may tatlong taong nagmamahal sa iisang relasyon?
14. hindi ka dapat magmakaawa para sa atensyon ng ibang tao, minsan sapat na ang kanilang pagbalewala para matuto kang lumakad papalayo, ginawa mo na ang parte mo para mgkalapit kayo, marahil hindi xa ang tao na kayang magbigay ng kahit kaunting pagpapahalaga na kailangan mo...
YOU ARE READING
Walang Taong Manhid <3
PoetryHindi naman 24 hours busy ang isang tao, kaya hindi sapat na dahilan ang sabihin na kaya ka niya hindi mabigyan ng oras ay dahil busy siya, Hindi oras ang kulang, kundi.. "EFFORT"