"TAKEN FOR GRANTED""TAKEN FOR GRANTED"

30 0 0
                                    


marami sa atin ang nangagarap na mahalin ng buong-buo.

yung iba, swerte kasi nakita na nila yung taong magmamahal sa kanila,habang yung iba, patuloy pa ring umaasa at naghihintay..

nakaka-lungkot man, marami ngayon ang TAKEN for GRANTED.

tipong kulang na lang kumain ng bubog yung taong nagmamahal habang yung mahal niya walang pakialam.

maraming ganyan ngayon! yung lahat na ginawa para lang mapasaya siya.

pero sasabihin niya.. may kulang pa din..

ang masaklap pa dun: kapag naghiwalay kayo,

SIYA may iba na!

IKAW, lunod na sa sarili mong luha. kasi minahal mo ng sobra sobra!

Okay na sana. kaibigan lang?

kahit anong pilit ko ipasok ang mundo ko sayo ..

ibang mundo naman ang nais mong makuha .

oo, isa lang akong walang kwentang kaibigan ..

na sa panahong wala kang syota o walang bestfriend na dumating,

ako ang tinitext mo. ako gusto mong makasama.

ang badtrip at nakakasama ng loob?

okay na sana. kaibigan lang?

kaso sa tuwing nakikita kitang malungkot,

naiinis ako. di ka dapat nagkakaganyan.

sa tuwing nakikita naman kitang masaya ..

nalulungkot ako ..

dahil kahit kelan , hindi ako naging dahilan sa bawat pag ngiti mo..


Makakasagap kayo ng payo na humiwalay na kung di na kaya..

huwag ninyong gawing butas yung maliit na problema para lang mauwi kayo sa paghihiwalayan.minsan hindi rin dapat humingi ng payo sa iba kung hindi naman kinakailangan,dahil once na lumabas sa pagitan ninyo ang mga problema na nararanasan ninyo,dyan na magsisimula yung salitang "PAGKASIRA NG ININGATAN NINYONG PAG-IIBIGAN."dyan yung makakasagap kayo ng payo na humiwalay na kung di na kaya, o kaya bumitaw na lang kung wala na talagang pag-asa...dahil kung talagang mahal ninyo ang isa't isa,kahit na gaano pa kalaki yang problema na sa inyo'y sumisira,aayusin ninyo sa kabila ng inyong mga limitasyon.

since kayong dalawa ang may kagagawan,nararapat lang na kayong dalawa rin ang gumawa ng solusyonpara hindi mawasak ang sinimulan ninyong relasyon.

Isipin mo kung kakayanin ba ng konsensya mo.

kung mananakit ka ng tao, isipin mo kung kakayanin ba ng konsensya mo.kung maninira ka ng pangalan, isipin mo kung sila nga ba ang iyong sinisiraan o baka naman ang iyong sariling katauhan.kung magiging masama kang tao, isipin mo kung magugustuhan mo bang tumira sa impyerno kapag nawalan ka na ng buhay sa mundo.madaling magpakatarantado at gumawa ng kasalanan pero sadyang napakahirap magsisi kapag nalaman mong huli na para pagsisihan ang mga nagawa mong kamalian.

Ganito kasi yan..

Hindi mo maiintindihan ang isang tao kapag wala ka sa posisyon nila.

Lalo na kapag sila yung nagmamahal.

Unang-una hindi mo alam ang tumatakbo sa isip niyan. Kung ano ang kilig at kabang nararamdaman niyan sa tuwing nakikita o nakakasama niya yung taong mahal niya. Kung ano yung mga bagay na nagagawa na lang niya basta kasi nga mahal niya yung taong yun.

Kumbaga wala naman tayo sa sapatos nila para husgahan ang mga pangyayaring naganap.

You will never know until you're in-love with someone else din.

Tipong hindi mo ma imagine yung sobrang kasiyahan na pakiramdam kapag naramdaman mo yun. Kasama na rin dun kapag nasasaktan ka syempre.

Kaya hayaan mo lang sila sa gusto nila. Trip nila yun ee. Hanap ka ng sayo.

Simple man o may kahirapan, naniniwala ako na natutunan ang lahat ng bagay..

Sa Totoo lang..

Upang maging maligaya, Hindi naman natin kailangan ng isang kabiyak na magaling sa ano mang bagay..

Naniniwala ako na mas makakamtan natin ang kaligayahankung ang kabiyak natin ay mahal natin ng tunay..

Simple man o may kahirapan, naniniwala ako na natutunan ang lahat ng bagay..

Ngayon kung makikita ko na dahil sa kanyang mga pagkukulang ay tila nawawalan na ang relasyon namin ng kulay..

Gagawin ko ang lahat upang maging masaya at bigyan muli ang aming pagsasama ng buhay....

Nag iiba tayo ng pananamit, ugali para mapansin tayo at makuha ang atensyon nila.

madalas tayong naiinlove sa taong may gusto sa iba,sa may karelasyon na, sa taong pinapaasa lang tayo, sa taong manhid at sa taong hindi naman tayo kayang mahalin.

minsan, parang lumalabas pa na pinagsisiksikan natin yung sarili natin para lang magustuhan tayo, mag pretend na ibang tao ayon sa gusto niya.

nag iiba tayo ng pananamit, ugali para mapansin tayo at makuha ang atensyon nila.

pero alam mo kung ano ang masakit sa parte na yon?

"ito yung ginawa mo na ang lahat para mahalin ka niya pero nasa ibang tao parin yung puso niya."

Upang magkaroon ng Magagandang alaala na Sasariwain mo sa pagdating ng panahon.

Walang Permanenteng bagay sa Mundokahit ano pang gawin mo hindi mo mapipigilan na dumating ang Huling Yugtokaya habang nasa Kalagitnaan ang Istorya mo Namnamin mo, Sulitin mo gawin mo ang mga bagay na Makakatulong sayo upang magkaroon ng Magagandang alaala na Sasariwain mo sa pagdating ng panahon na ang lahat ay Isa na lamang Kuwento..

Mas maganda kung susulitin at ipapamahagi mo.

Lahat naman ng bagay sa mundo ay hindi ginawang pangmatagalan para manatili sa buhay mo...

Kaya nga kapag magaganda ang nararanasan mo,mas maganda kung susulitin at ipapamahagi mo,dahil hindi naman ito magtatagal para lang palaging malasap mo.At kung sakaling hindi naman magaganda ang nararanasan mo,mas maganda kung nanamnamin mo, at ikaw ay matututo,okay lang din kung ito ay iiyakan mo,dahil hindi din naman ito magtatagal na taliwas sa inaakala mo na habang buhay na itong magpapahirap sa'yo.

hindi ginawa ang buhay sa madalian na paraan.

Sa totoo lang,hindi naman mahalaga kung sobrang bagal ng pag-usad mo sa tuwing hahakbang ka papunta sa mga pangarap mo,basta nagpapatuloy ka lang at hindi kinakakitaan ng kahinaan at pagsuko,natitiyak kong makakarating ka rin sa lugar na dapat mong patunguhan.dahil hindi naman kasi ginawa ang buhay sa madalian na paraan.

Mahirap magsisi sa huli lalo na kung yung talagang mahal mo ang sinayang mo.

Habang binabalewala mo siya, may ibang taong binibigyan siya ng importansya. Habang binibigyan mo siya ng problema, may ibang taong binibigyan siya ng solusyon. Habang wala kang oras para sa kanya, may ibang taong pinaglalaanan siya ng panahon. Habang pinapaiyak mo siya, may ibang taong gagawin ang lahat para lang siya'y mapasaya. Habang nagdududa ka pa kung mahal mo talaga siya, may ibang taong sigurado na sa nararamdan nito para sa kanya.

Kaya kung talagang alam na alam mong siya lang ang isinisigaw ng iyong puso't isipan,mahalin mo siya kahit umabot pa hanggang sa sukdulan,kasi kung iiwan mo siya,tiyak na may ibang taong nagkakandarapang makasama siya para lang mapalitan ka sa buhay niya.

mahirap magsisi sa huli lalo na kung yung talagang mahal mo ang sinayang mo.


Walang Taong Manhid <3Where stories live. Discover now