Chapter 4
Academia de C.L. Veinesse-Geinzjoh
Lala Ramirez's PoV
One week na lang at magsisimula na ang pasukan sa Academia de C.L. Veinesse-Geinzjoh kung saan ako mag-aaral ng kolehiyo.
Puspusan ang aking pagsasanay at paghahanda sa mga nakaraang linggo dahil hindi basta-bastang paaralan ang papasukin ko.
Ang Academia de C.L. Veinesse-Geinzjoh ay isang survival school na ang tanging nakakapasok lamang ay mga Elites, maharlika, tycoons, at mga high-ranking reapers. Lahat ng mga may matataas na antas sa lipunan, at malalakas, nakakapasok. Bawal dito ang mabababang tao, maliban na lamang kung scholar at pasado sa standards ng school.
"Tandaan mo, Lala. Hindi pangkaraniwan ang paaralang papasukin mo, maging ang mga nasa loob nito," paalala ni Mico, ang siyang inatasan ni Aling Bebang na gagabay sa pagsasanay at pamamalagi namin dito sa Veinesse. Halos magka-edad lang kami, pero mas marami siyang alam sa kultura ng lugar na 'to, kaysa sa'kin. "Maaaring pagkapasok mo doon, hindi ka na makakalabas pang muli. Balita ko, lahat ng scholar na nakakapasok doon, hindi na nakabalik pa sa mga pamilya nila. Kaya mag-iingat ka." dagdag niya.
Sa totoo lang, hindi naman ako nababahala sa mga pinagsasabi niya. Alam kong makakapagtapos ako, at lalabas ako nang buhay mula sa Academia. Confident ako sa abilidad at kakayahan ko. Ang ikinabahala ko lang ay si inang, dahil kapag nakapasok na ako, isang beses sa isang buwan lamang maaaring makalabas. Yun ay kung buhay ka pa.
"Lalainne Ramirez, tara. Meryenda muna tayo." aya sa'kin ni Mico saka ako hinila patungo sa tree house na ginawa namin a month ago. Kinunutan ko siya ng noo dahil sa pagtawag niya sa buong pangalan ko. Nakangisi lang ang gago, dahil alam niyang naiinis ako kapag tinatawag ako sa buo kong pangalan.
(A/N: Lalainne, pronounced as /La-lay-ni/. Para maiba. XD)
"Mauna ka na, Lal--"
"Sige, ituloy mo!" seryoso akong tumingin sa kanya habang itinuon ang dala kong dagger sa leeg niya.
Nakangisi pa rin siya ngunit itinaas niya ang dalawang kamay sign ng pagsuko.
"..Lala. Mauna ka na, LALA." binitiwan ko siya saka ako umakyat sa puno. tss.
"Lala, masanay ka na sa Lalainne. Bawal ang pet names sa loob ng Academia." sigaw ni Mico sa baba, na hindi ko na lang pinansin.
Nang nasa kalagitnaan ako ng pag-akyat, bigla na lang sumakit ang ulo ko. Napapadalas na 'to ah. At shit lang dahil habang tumatagal mas lalong sumasakit. Napahawak ako sa ulo ko dahilan para muntikan pa akong mahulog.
"Lalainne, anong nangyayari sa'yo?"
"Baby Lalainne, come."
"Inang..."
"Aalagaan kita, baby Lala."
"Kahit kailan, hindi ko matatanggap ang batang yan sa pamilyang 'to!"
"Good night, Lalainne. Good night, our little princess."
"Mom and Dad loves you sooo much!"
"She shouldn't be here. Ilayo niyo ang batang yan!"
"Ayabyoo, mama, papa."
"Baby, stay here, okay?"
"LALAINNEEE!"
"AAARGH!" tuluyan na akong napabitiw sa pagkakahawak sa puno dahil hindi ko na talaga matiis ang sakit ng ulo ko.
"Lalainne."
Alam kong dinaluhan agad ako ni Mico dahil hindi ako bumagsak sa mabatong lupa. Nakahawak pa rin ang dalawa kong kamay sa ulo ko. Ang sakit-sakit lang! Sh*t!
"Ssshh, baby. Wag ka na umiyak. Hmmm.."
"Nakita na rin kita, sa wakas."
"Mama is here. Don't cry na, baby."
"We can be a happy family again."
Ano... Sino... Ano yung mga nakikita ko? Sino sila? Anong nangyayari sa akin? Palagi nalang akong nakakakita ng maraming scenario sa isip ko, pero anong meron doon?
BINABASA MO ANG
The Commoner's Secret (On Hold)
Mystery / ThrillerLala Ramirez. A nobody whom everyone had fun playing with. An innocent girl bound to be isolated. A commoner they shouldn't have touched in the first place, for she's with a secret, everyone should be afraid to unravel. The Commoner's Secret