Chapter 3
The New Beginning
***Lala Ramirez's PoV
"Lala, may bumabagabag ba sa'yo? Kanina ka pa tahimik dyan. Okay ka lang?" usisa ni Aling Bebang na nakasilip sa akin mula kanyang kinauupuan sa harap ko.
Nakasakay kami ngayon nina Aling Bebang at inang sa isang bus patungo sa Bayan ng Veinesse. Sa bahay kasi doon ni aling Bebang kami tutuloy kaya sinamahan niya kami. Isa na rin siyang matalik na kaibigan simula pa noon.
"Opo." tumango ako saka ngumiti sa kanya.
"Kung iniisip mo na naman yung ginawa mo---"
"Naku, hindi po," I cut her off, "Hindi ko po pinagsisisihan ang ginawa ko, kaya okay po ako." saka ko siya nginitian ng malawak para ma-assure na okay talaga ako. Okay naman talaga ako. At kahit kailanman, hindi ko pagsisisihan ang nagawa ko nang gabing iyon.
Mabuti nalang at tulog si inang sa tabi ko kaya hindi siya mag-uusisa sa pinag-uusapan namin ni Aling Bebang.
~Flashback~
"Ano, Lala, lalaban ka pa?" saka ulit sila nagtawanan.
Dahil nasa tabi ko lang ang backpack ko nang bumagsak ako, dahan-dahan kong kinuha roon ang maikling shinobigatana, na kakabigay lang sa'kin ni aling Bebang, nang hindi ako nahahalata.
Ang shinobigatana ay isang uri ng ninja sword. Di katulad ng katana o samurai sword, straight lang ito na parang ruler. Kung nagtataka kayo kung bakit ako binigyan nito ni Aling Bebang, ito ay gantimpala, yun ay dahil nagsasanay ako kada tapos ng klase sa kanila.
Nagsasanay akong pumatay... pumatay ng walang awa.
Si Aling Bebang ay dating mafia reaper sa bayan ng Veinesse. Top killer na hindi mo dapat galawin or else, magpaalam ka na sa mundo. Goodbye World! Poof! Ganern.
Grade two pa lang ako nang malaman ko iyon. Kinuwento niya sa'kin. At dahil sa kuryosidad ko, pinakita niya sa'kin,- kung paano iwasiwas ang espada, pagdadala ng baril, at pagmaniubra ng iba pang weapons. Na-amaze ako that time kaya gustung-gusto kong matuto.
Grade four ako nung natanggap ko ang pinakaunang weapon ko, ang shuriken. Sabi ni aling Bebang, hindi pa raw ito ang aking gantimpala. Sa darating na tamang panahon, ibibigay niya sa'kin ang para sa'kin.
Same grade nang pumatay ako ng tao. Sa training kasi namin, mga hayop lang ang pinapatay ko, but that time, hindi ako makapaniwala sa nagawa ko.
Pauwi ako nun, nang makita ko ang kaklase kong lalaki na laging nambubully sa'kin. Papunta siya sa isang talon sa aming bayan kasama ang mga kaklase rin namin na kasama niyang umapi sa'kin. Sinundan ko sila. Doon, isa-isa ko silang pinatay. Nilaslas ko sa leeg ang isa, gamit ang aking shuriken, habang umiihi malayo sa mga kasama. Binato ko naman yung isa ng shuriken at tinamaan sa noo. Nagtatatakbo na yung isa habang yung isa ay natulala sa nakita. Kaya sinamantala ko na ang pagkakataon na daganan siya at lunurin sa talon.
Nadala lang siguro ako sa galit ko nun, kaya tatlo silang napatay ko. Apat sila kaya may isang nabuhay, pero di ko pa rin pinalampas at kinitil ko ang buhay niya kinabukasan, bago pa siya makapagsumbong.
Grade four lang ako nung time na yun, pero ni minsan hindi ako nagsisisi sa ginawa ko. Malinaw sa'kin ang purpose ko na wakasan ang mga buhay nila, at hindi rin ako tinugis ng konsensya ko after nun. Para bang, normal lang sa'kin ang gawaing yun. Maybe dahil sa training ko kay aling Bebang.
Masama na kung masama. Walang awa na kung wala. Basta alam ko sa sarili kong nasa katarungan ako, hindi ako magsasawang kumitil ng buhay. I will, because I can. Hahaha!
Marahil ay inosente akong tignan, ngunit hindi nila kilala kung sino talaga ako.. Kung sino talaga ang kinalaban nila.. Kung sino talaga ang tunay na Lala Ramirez.
Bumalik ako sa ulirat nang magsalita uli si Kazumi.
"Alam mo namang kasali kami sa isang gang di'ba, Lala? Anytime, pwede ka naming ipatugis at ipapatay, kayo ng nanay mo." hinawakan niya nang madiin ang pisngi ko at iniharap sa mukha niya. "Kaya namin, Lala. Kaya namin. Gusto lang namin na magpakalayu-layo ka, wag ng umattend sa graduation, at hindi na babalik pa. Gets?"
Hindi ako sumagot. Instead, I smirked. Alam kong nabigla siya sa ginawa ko, dahil ang inexpect nya siguro ay iiyak at magmamakaawa ako.
Nilabas ko ang shinobigatana mula sa bag ko at winasiwas sa harap niya. Sinadya ko talagang hindi sya patamaan dahil wala ng thrill kung papatayin ko sila agad. At oo, papatayin ko talaga sila bago magbukang-liwayway.
"What now, Kazumi? Bakit ka umaatras?" Huminto muna ako saglit kasi may na-feel ako sa gawing kanan ko. Gamit ang weapon kong shinobigatana, sinangga ko ang bala ng baril na nagawa pang iputok ni Ralph na nasa gawing kanan ko lang.
Nagpaputok siya ulit, at muli, sinangga ko ito. What's the use of training so hard kung hindi ko magagamit diba?
Nagpaputok din si Yuri ng baril na katabi lang ni Ralph, but all of their efforts became worthless. Naubos na lang ang bala ng dala nilang baril, nagawa ko itong iwasan at sanggain. Akala niyo huh!Matapos ng ginawa nila, ako naman ang kumilos.
Nag-backflip ako saka ako kumuha ng dalawang shuriken sa bag ko.
Kay Ralph at Yuri naman ako ngayon humarap, at nginitian sila. Ngiting senyales ng katapusan nila.
Huli na bago pa nila narealize ang gagawin ko. Sapul sa noo ang dalawa at duguan ang mukhang bumagsak sa lupa kung saan sila nababagay. Tsk! Tsk! Tsk! Naturingang mga gangster at siga, mahihina naman pala.
Napansin kong nagulat sina Hiro at Kazumi sa ginawa ko. Who wouldn't? Kung ang binansagan niyo ba namang mahina, lampa at nerd ang siyang nagwakas sa buhay ng mga kaibigan mo, malamang nakakagulat yun.
Bumwelo ako saka tumalon nang napakataas upang maabot ang isang sanga ng puno. Inikot ko ang katawan ko dito upang bumwelo patungo sa direksyon sa likod ni Kazumi, na noon ay nasa likod ni Hiro.
Masyado siguro siyang na-overwhelmed sa ginawa ko kaya hindi na niya magawang makakilos pa nung nasa likod na niya ako.
"Alam nyo bang hindi nyo pa ako lubusang kilala? Kaya ko ring pumatay, Kazumi. Kaya ko. Nakita mo na di'ba?" saka ko itinuro ang mga kaibigan nilang nakahandusay na sa lupa."Sabi ko na nga ba demonyita ka talagang babae ka! How dare you kill them! How dare you!"
*smirk* Nakakatawang pagmasdan na ang isang santa-santitang si Kazumi, nanginginig ngayon sa takot at umiiyak. Tss! Pathetic.
"Mabubulok at masusunog ang kaluluwa mo sa impyerno, Lala! You will suffer in hell!!""Then I'll just see you there." saka ko itutusok dapat ang sword ko sa tiyan niya. But, instead humarang dito si Hiro at siya ang napuruhan. Ibinaon ko pa ang espada sa katawan niya dahilan para tumagos ito at bumaon din sa tiyan ni Kazumi.
Such cute couple, hanggang sa huli, magkasama pa rin. Hahahah!
"Ikamusta niyo na lang ako kay sat*nas," at hinugot ko ang espada mula sa kanila.
~End of Flashback~
Na-clear ko na ang buong area bago ako umalis. Lahat ng ebidensya, maging ang mga weapons ko, tinapon ko na. Pati mga katawan nilang nakakalat doon, tinapon ko na rin. Matatagalan pa bago makita ng mga awtoridad ang mga katawan ng mga yun dahil malakas ang ragasa ng tubig sa ilog na pinagtapunan ko sa kanila. Maybe months ang aabutin, or forever. May forever kaya.
"Nandito na tayo. Welcome sa bayan ng Veinesse!"
So this is it. Bagong lugar, bagong paligid, at bagong lipunan; ang hudyat ng bago na namang simula.
Kakaiba lang ang pakiramdam ko sa lugar na 'to. Magaan, pamilyar, ngunit meron ding pwersa at kakaibang aura na para bang may hindi magandang nangyari sa'kin dito.
Napadaing ako nang biglang sumakit ang ulo ko. A scene flashed showing a beautiful scenery, and children, wearing the traditional gowns of Veinesse, running around.
Sa pagkakaalam ko, hindi ako dito ipinanganak. Pero bakit malakas ang pakiramdam ko na nakapunta na ako dito noon?
***
To be continued...
A/N: Weapons used at the multimedia box. XD
BINABASA MO ANG
The Commoner's Secret (On Hold)
Misterio / SuspensoLala Ramirez. A nobody whom everyone had fun playing with. An innocent girl bound to be isolated. A commoner they shouldn't have touched in the first place, for she's with a secret, everyone should be afraid to unravel. The Commoner's Secret