I'm Inlove With My Bestfriend Chapter 1 HEART BEAT

19 1 0
                                    


Simula pagkabata ay magkaibigan na si Ivan at Gail.


Nagsimula kasi ito sa mga magulang nila na matalik na magbestfriend simula High School,hanggang sa magkaanak ang kanilang mga magulang ay hindi nagbago ang pakikisama nito sa isa't isa palagi pa rin silang nagkikita at nagkakamustahan.


-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Noong bata pa sila Ivan at Gail palagi silang nagkikita dahil sa mga magulang nila na super close,kaya naging matalik na magkaibigan din si Ivan at Gail,palagi silang magkasama kahit saan magpunta...



Pero alam nyo ba na sa unang pagkikita ni Gail at Ivan, hindi pinapansin ni Ivan si Gail basta nakaupo lang ito at panay ang basa ng libro.


May pag ka suplado kase si Ivan at matalino din sya kaya naman mahilig syang magbasa ng mga libro, nung una mas gusto pa ni Ivan ang mga libro na makasama kesa kay Gail



Naiirita kase sya kay Gail dahil ito ay napaka daldal, at lagi syang kinukulit.



Kaya naman lagi itong inaasar ni Ivan ng kung ano ano para lumayo ito sa kanya, o kaya itinatapon nya yung mga laruan ni Gail para wala ng malaro ito..



kaya naman  lagi tuloy umiiyak si Gail dahil kay Ivan na panay ang asar sa kanya at palagi din sya nitong inaaway...



Pero dumating din naman ang panahon na nakasanayan nalang ni Gail ang mga ginagawa sa kanya ni Ivan...


--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


Nang mag high school kami hindi kami naging magkaklase ni Ivan, Section 1 kase sya samantalang ako Section 3.


Sa Section 1 andun ang mga matatalino,magaganda at gwapo samantalang sa Section 2 at 3 medyo di katalinuhan at di din mga kagandahan at kagwapuhan pero mga may hitsura pa rin naman hahaha....


Pag tanghali  tsaka lang kami nagkikita ni Ivan sabay kase kami mag lunch ....


GAIL POV


"Hay!asan na kaya si Ivan? ang tagal naman nyang dumating dito.",sambit ko


Andito na kase ako sa Canteen kanina pa pero wala pa rin sya 


Sisimulan ko na sana ang pagkain ko ng nakita ko sya na tumatakbo papunta sakin


"Oh!Ivan bat ang tagal mo?"tanong ko


"May pinagawa pa samin yung teacher namin eh,"sagot nya habang hingal na hingal sa pagtakbo

I'm Inlove With My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon