Ang hirap pala magmahal.
Ganito pala pag nagmamahal
Umaasa kang masusuklian ka ng kanyang pag-ibig
Pero, ang masakit pag nagkamali ka
Nagkamali kang isipin na mamahalin ka din niya
Nagkamali kang umasa na mangyayari ang mga iniisip mo.
Imahenasyon lang pala yon
Kasi, imposible palang mangyari
Pag nakikita mo siyang may kasamang iba
Nagseselos ka at natatakot
Natatakot dahil alam mong baka maagaw sya
Lalo na't alam mong wala kang panlaban
Pero, sa huli, maiisip mo, Bakit ka naman magseselos
Bakit ka naman matatakot na maagaw siya sayo
Hindi naman sya sayo, hindi naman sya naging sayo
at alam mong hinding hindi sya kailanman magiging sayo
Hindi mapipigilang maisip na siguro may pagasa ka pa
Naiisip mo na baka may gusto din siya sayo
kung paano pag naging kayo, kasi binibigyan ka nya ng pagasa
Tuwing naghihiwalay sila ng girlfriend, Nabubuhayan ka
Tuwing naguusap kayo, kinikilig ka
Tuwing nakikita mo sya, buo na araw mo,
Pero may biglang darating, ipapamukha nya sayo
Na siya ang gusto niya at hindi ikaw.
Pag umiyak ka at may nakapansin sayo
sasabihin nya Wag mo syang iyakan, lalaki lang yan
Madami pang ibang lalaki dyan.
Mahahanap mo din ung para sayo
Gusto mong sabihin na Siya lang ang gusto mo
Lalaki nga lang yan, pero sya ang lalaking nagpapasaya sayo
Madami pang lalaki, pero nagiisa lang sya.
Ayokong maghanap kasi ang alam ko
nakita ko na ang para sa akin
Isang araw, malalaman mong may gusto pala siya sayo
Pero magdadalawang isip ka
Totoo kaya ito o niloloko ka lang
Dati alam mong ito'y imposible
Dahil sa haba ng pinagsamahan nyo
Alam mo na ang mgapanloloko niya
Pero ayaw mong masira ang inyong pagkakaibigan
Dahil sa tingin mong magka-ibigan na pala kayo
Ngayon alam mong niloloko ka lang pala
Alam mong pinapaasa ka lang pala
galit at sakit na lang ang naging laman ng puso mo
Dahil sa pag-ibig nawala ang tiwala mo sakanya
Nawala ang pagkakaibigan nyo
Nalaman niya lang pala na may gusto ka din sakanya
Kaya nasabi nyang gusto ka din niya
Ang mahirap tanggapin
Ang first love mo ay naging most hated person mo
Pinatawad ko nga siya, pero hindi mo kayang kalimutan yun
Dahil yun ang pagiyak mo dahil lang sa isang lalaking pinaasa ka lang naman
Buti nalang at hanggang love ko lang siya.
Hindi ko siya sinagot kahit na gusto ko sya
Dahil may doubt akong hindi nga siya seryoso
Alam kong ang pagdodoubt sa taong mahal mo
ay ang pagkawala ng tiwala
pero hindi mo maiiwasan ang magisip kung totoo ba taalag
kung hindi ka magiisip ng mabuti
Baka makagawa ka ng maling desisyon
