Ang pangalan ko ay Lance Adrian Gonzales.
Takot ako sa multo.
Oo, KAHIT LALAKE AKO TAKOT PA RIN AKO SA MULTO!
Katapusan na ng October at November 1 na niyan, kaya naman ang mga palabas sa TV ay puro nakakatakot na. Tulad na lamang nitong Rated K.
*tok! tok! tok!*
Bullshit! Biglang may kumatok!
"Waaaaah!"
"Aaaaaah!"
"Nyaaaaahhh!"
Sabay sabay naming sigaw nina Leigh, Nicole, Leigh Lao, Lara, Krisha, Yzhel, Karoll, Christina, Camille at Kelvin. Dami namin no?
"Lara, buksan mo yon!" sigaw ko kay Lara.
"Bat ako? Ikaw yung lalake!"
"Ikaw malapit eh!" bigla itong lumayo at pumunta sa likod ko.
"O ayan, mas malapit ka na."
Napalunok ako hanggang sa malunok ko pati yung sphyncter ko. Lahat sila nakatingin na sa akin. Teka! Ako lang ba lalake dito?
Dahan dahan akong lumapit sa pintuan. Gumagalaw yung doorknob. Parang may gusto talagang pumasok. Pagbukas ko ng pinto...
"Trick or treat!" Aw! Ang cute!
"Bata lang pala!" sigaw ko na kinahinga nila ng maluwag.
Bibigyan ko na sana ng maxx candy yung bata nang biglang pagharap ko ay tumambad sa akin ang mukhang kahindik-hindik na animo'y manunuklaw na ahas sa may pintuan. May hawak itong karit at *slash!* Hiniwa ang aking dibdib! Lumabas ang puso ko at gumapang palayo sa akin.
"Waaah! Hindi pa ako nagtatagal sa eksena, bakit ako pa? Oh hindiiii!" tumumba ako sa sahig. Sayang! Kaya pala ang baba lang ng talent fee ko dito.
Mula sa aking kinahihigaan ay bumangon ang aking kaluluwa. At doon ko napanood ang kasindak sindak na pagpatay ng aming kapitbahay na si KIM VERLY sa aking mga kaibigan.
Nagkahiwa-hiwalay sila.
May umakyat sa taas.
May pumunta sa kusina.
May nagkulong sa kwarto.
Ngunit sadyang nakakatakot at desperada si KIM. Kahit saan sila magpunta, hahabulin niya sila.
"Trick or treaaat! Whihihihih~" ganyan ang sinasabi ni KIM. Tss. Cheap netong bruhang to ah. Swerte siya may batang cute kanina, napatay niya ako agad. Hmp!
*kuha popcorn* *O*
"Kilala ko kayong lahaaat! At isusunod ko si... hmm? Teka ngaaa!" naglabas ito ng listahan at binasa iyon ng malakas.
"Krisha! Lara! Nicole! Karoll! Kelvin! Leigh Lao! Leigh! Camille! Christina at Yzhel. Uyy, ayos to ah. Nakasunud-sunod na." tinago niya ulit yung listahan at nagsimulang maglakad.
"Oh krishaaa! Asan ka na my dear? Dinner is ready." nasa isang kwarto si Krisha at nakabaluktot sa loob ng aparador. Patay kang bata ka. Hirap lumabas diyan!
Nakita kong binuksan ni KIM yung pintuan ng kwarto kung saan nakatago si Krisha. Patay! Sabi ko na nga ba! Dumiretso siya at tumingin sa ilalim ng kama.
"Huli kaaa!"
"Waaaaah! Aaaaaah! Bitawan mo akoooo!"
"Teka teka! Ang ingay mo! Sino ka ba?"
"Ako si Leigh Lao! B-bakit?"
"Ay mamaya ka pa! Bruha, pasigaw sigaw ka pa! Layas! Tago kang mabuti bwahahahahahaha baboosh!" nagmadaling tumakbo si Leigh Lao at ewan ko na kung saan siya nagpunta.