Prologue

319 6 4
                                    









Prologue



"OMG! Kailan? Kailan daw 'sya makikipag kita 'sayo?" todo tili nyang sabi. Imbis na masaya ako ngayon, nakaramdam ako ng kaba.

"Hey jo! Finally after 1 year ka nyang iniwan at pinag-hintay, makikipag kita na uli 'sya sayo!" inis nyang sabi at umirap pa. "Anong klaseng boyfriend yan!? Tss. I've even remind you! Sabi ko Badboy yan pero hindi ka nakinig! Inuna mo pa yang Love na yan! Ano ka ngayon?" pane nermon nya pa sakin.

Ano bang magagawa ko? Tinamaan ako ng lintik na pag ibig na 'yan! Hindi mo naman kasi malalaman kung kailan ka ma iinlove diba? It's just— boom. I'm inlove.

Ilang beses kung tinanggi na hindi ko sya gusto pero, wala. Na inlove pa rin ako sa gagong yun. Sabi ko nga sa sarili ko noon never akong ma iinlove sa taong yun. Hindi ko naman inaakala na sa simpleng bangayan namin na inlove ako.

Napa hugot ako ng buntong hininga. Maraming 'what if' ang pumapasok sa isip ko. What if kung hindi ko 'sya nakilala? What if kung hindi ko 'sya kinausap? What if kung 'pinigilan ko ang sarili ko na magka gusto sa 'kanya? Masasaktan parin ba akong ganto? Aasa parin ba ako?

Tumulo na naman ang mga luha na lagi kung kasama tuwing ang hirap na. Ang sakit na. Ang sakit isipin na hinihintay ko sya kahit na alam kung walang kasiguraduhan na pag dating 'nya ay ako parin.

"Jo! Umiiyak ka na naman. Tama na please. Hindi ka ba nagsasawa sa kaka iyak mo?" kita ko yung lungkot sa mga mata nya. "Ikaw naman kasi eh. Sinabihan na kita. Pero hindi ka nakinig. Sa totoo lang kasalanan mo naman lahat ng to eh. Kung nakinig ka lang sana sakin." imbis na mag salita ako hinayaan ko nalang. Totoo naman kasi eh.

Kasalanan ko.

Kasalanan ko naman lahat ng to eh. Pero kasalanan ko bang ma fall ako? Hindi naman diba. Hindi naman kasalanan mag mahal. Siguro ang pagkaka mali ko lang ay yung sumobra ako ng pagmamahal kaya nakalimutan ko na rin ang sarili ko.

"Uy jo! M-may tumatawag sayo!" Tsaka nya inabot yung cellphone ko sakin. Napahinto ako sa pag iyak ng malaman kung sino ang tumatawag.

Bumuntong hininga muna ako at sinagot ang tawag. "Hello?" inipit ko ang boses ko para hindi nya mahalata.

"Hope." Malamig nyang sabi. Bigla akong nanigas sa kinakatayuan ko dahil sa boses nya. Aaminin ko, namiss ko.

"Juaquin. Hello!" Pinilit kung pagandahin yung boses ko. Tinignan ko si Kash at nakita ko syang umiwas ng tingin.

"Natanggap mo na ba yung text ko." sabi nya. Halos hindi patanong yung sinabi nya, parang cinonfirmed nya lang.

"A-Ah oo! Bakit biglaan naman? Anyway, namiss kita!" malambing kung sabi. Nakita ko naman si kash na umirap.

"Let's meet. Now." ramdam na ramdam ko parin yung lamig sa boses nya. Parang hindi sya to. Dati kasi pag nag uusap kami ang lambing 'nya.

"Ha wait— wala man lang bang I miss you too?" Tanong ko pa. Sana hindi totoo tong naiisip ko. Sana sumagot ka ng malambing, Wax.

"What the fuck H-Hope. I said, Lets meet." bigla namang tumulo yung mag luha ko. Sana hindi nya gawin mamaya yung nasa isip ko.

Waiting For YouWhere stories live. Discover now