Chapter 1"Si Hope ba yan?" narinig kung tanong ng mga bawat taong nakakasalubong ko. Kung dati namumula ang pisngi ko dahil sa dami ng taong nakapalibot, ngayon hindi na.
Siguro nga sanay na ako. Pinaghandaan ko kasi 'tong araw nato. Kasi dapat na akong masanay ngayon. Aaminin ko lalong gumanda ang kutis ko. Lalong nag pink yung lips ko. Humubog lalo ang katawan ko. At mas lalong gumanda ng mukha ko.
Ito yung araw na pinaghandaan ko. Ang makabalik sa lugar kung saan ako dapat magsimula. Hindi naman ako lumipat ng bagong School dito parin ako. Kung ako kasi yung papipiliin lilipat ako sa ng ibang School pero mas pinili ko parin dito.
Hindi ako nag abroad nung time na wasak ako. Hindi naman kasi kailangan. Pumunta lang ako sa Probinsya namin. Mga Five Months ako dun. Sa five months na pag stay ko dun marami akong natutunan. Marami akong pinagbago. Nung siguradong okay na ako.. Bumalik ako uli dito.
Aaminin ko ang hirap tanggapin nung mga nangyare, masakit parin. Pero sigurado naman akong naka Move-on na ako. Galit ako, oo. Pero kahit papaano natanggap ko na rin na hindi na talaga pwede. Sinisi ko yung sarili ko sa lahat ng nangyare. Pero mali ako. Nagmahal lang naman kasi ako. Kaya nga lang nasaktan ako.
Sa pagibig kasi meron at merong masasaktan. Yung sakin kasi ang bilis eh. Kung kailan alam kung mahal na mahal ko na 'sya tsaka nya ako iiwan. At dahil din sa Love na yan maraming nasaktan pero marami ding nagbago at natuto.
Ako yun. Kasi kahit na sobrang sakit ang dami ko paring natutunan. Natuto ako wag magmahal ng sobra. May kasabihan nga tayong 'too much love will kill you' hindi ko alam kung ganon ba yung quote na yun. Basta mahirap ang sumobra. Once is enough ika nga uli nila.
"You changed a lot." rinig kung pag e english ni kashy. "Ang ganda mo na nga dati, lalo ka pang gumanda." nakataas yung kilay nya.
"Thanks." tsaka ako ngumisi. Diredertso lang kami paglalakad. May naririnig kaming nagbubulungan pero nagkibit balikat nalang kami.
"Maaga pa— Canteen muna tayo." sabi nya at tumingin sa relo nya. Hindi na ako sumagot sa sinabi nya. Nauna akong naglakad at pumasok sa Canteen.
"Wait. Ano order mo?" tanong nya sakin. Umiling naman ako sakanya. Nakita ko namang naniningkit mata nya at kumunot ang noo. "Hindi ka kakain?" taas kilay nyang sabi.
"Chill. Sasama ako sayo umorder." sabi ko at pinagpagan ang damit ko. Yung weird na mukha nya kanina biglang napalitan ng ngisi.
"Are you sure?" may halong pang hamon na sabi nya. Well, I'm a Bitch, but im true to my Words.
Tumango lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Ramdam ko yung mga matang kanina pa nakasunod sakin. Ngumisi lang ako at mas binagalan ang lakad. I want this. Center of Attraction kumbaga. Tumahimik yung buong lugar na kanina lamang ay napaka ingay. I know, its because of me.
"Shit! Pwede bang tumingin ka sa dinadaanan mo?! Fuck." inis na sabi nya. Akala mo naman nasaktan sya. Ang OA OA eh.
"Okay. Sa susunod.." tsaka ako tumingin sa sahig. "Titingin na ako sa dinadaanan ko." sabi ko at maglalakad na.
Hinila nya ako papunta sakanya na dahilan ng pagkagulat ko. What the fuck?! How dare him to touch me?! No one dare!
![](https://img.wattpad.com/cover/79200195-288-k298171.jpg)
YOU ARE READING
Waiting For You
Fiksi RemajaSi Maria Hope Villareal ay isang happy-go-lucky na babae. Maganda, Mabait, Matalino, Maalaga at may Marangyang buhay. Lahat ng babae kinaiingitan at ang mga lalaki sya ay pinopormahan. Noong una hindi sya interesado sa mga ligawan na iyan. Dahil mas...