Letter Sender: Corazon de Maarte

950 29 28
                                    

Dear Pogi,

Hello po. Gusto ko pong ikwento sa'yo ang tungkol sa'min ng best friend ko, kaso nahihiya po akong magpakilala--kaya itago niyo na lang po ako sa pangalang "Corazon". Crush ko po ang best friend ko, ang pangalan niya, itago na lang din natin sa pangalang "Pedro".

Dahil nakatago na ang pangalan ko at ang pangalan ng best friend ko na crush ko--pagkabilang ko ng sampu, nakatago ka na rin, Pogi. Wala sa harap. Wala sa likod. Wala sa gilid. Nasa puso lang. Korni ko na ba, Pogi? Wala, eh. Ganito talaga ang in love. Hihi.

Balik tayo sa kwento ko. Pogi, matagal ko nang crush ang best friend ko, pero hindi ko maamin sa kanya kasi natatakot ako sa multo, aswang, dwende, kapre, at sa posibilidad na masira ang friendship namin lalo na't alam kong may gusto siyang iba. May gusto siyang iba. May gusto siyang iba. May gusto siyang iba. Oh, my God! Masakit ulit-ulitin.

Pogi, kung tatanungin mo ako kung bakit ako na-in love sa mokong na Pedro na 'yun, ito ang mga kasagutan ko: gwapo siya, mabait, at matalino. Oo, Pogi. Magkapareho kayo ng qualities pero higit ko siyang nagustuhan sa kadahilanang palagi niya akong inaalagaan, binabantayan, at pinoprotekatahan. Pero alam kong ginagawa niya lang yun kasi naaawa siya sakin. Naaawa siya sa akin. Naaawa siya sa akin. Naaawa siya sa akin. Oh, my God ulit. Masakit ulit-ulitin uli. Palagi na lang akong nasasaktan. Eh, kasi, Pogi, may sakit ako sa puso kaya hindi niya hinahayaang may masamang mangyari sa akin.

Ayaw niyang atakihin ako sa puso pero hindi niya man lang naisip na pwede rin akong atakihin dulot ng sakit na nararamdam ko sa pagtatago ko ng pag-ibig ko para sa kanya, at pag-iisip na may mahal siyang iba. Palagi niya pang kinukwento sa'kin 'yung gusto niya. Anong akala niya sa'kin? Si Ate Charo? Mel Tiangco? Joe de Mango? Gago.

If I know, mas maganda ako kaysa dun sa crush niyang 'yun. Deh, biro lang. Ang totoo, hindi ko pa nakikita ang crush niya that time, eh. *hinga-nang-malalalim*

Dahil nga sa pagtatago ko ng sakit na nararamdaman ko at sa iba pang stress na pumalibot sa'kin gaya ng Math, Physics, Economics, at papalit-palit na password ng wifi ng kapit-bahay namin, ayun! Inatake ako. Pero wait! Isang blessing in disguise ang atake ko sa puso, dahil dun--NAGKAROON NG PANIBAGONG KULAY ANG LOVE LIFE KO. From grayscale to blooming! Yeah, men! Paano nangyari? Hihi... Wait, Pogi! Isa pang "hihihi". Chix naman ako, hayaan mo na. Eee... Kasi ganito, nang magising ako, bigla na lang nag-confess sa'kin si Pedro. Hihi. So ayun, dahil matagal ko na siyang mahal, at malandi ako deep in side, ayun.... Kami na!

Nang mag-college na kami, PETUNIA! Ang daming nagkakagusto sa kanya. Hindi naman siya 'yung heartthrob, pero malakas ata talaga ang appeal niya. May mga nagpapa-cute, mukha namang suso. Tapos meron pa 'yung babaeng parang coloring book na punong-puno ng make up ang peslak! God! Hindi lang pala coloring book, mayroon ding mukhang clown. Sarap nilang make-up-an gamit ang kamay ko. Sarap nilang sapakin at pamagain ang mga mukha--kulayan ng pula at pasa. Bulgaran ang mga kalandian. Ugh!

Ito pa, Pogi. This is the worst! One day, promise, isang araw lang talaga--nakita ko si Pedro. Nakita ko siya. Nakita ko siyang may kahalikang iba. Napaluhod ako nang makita ko ang eksenang iyon. Then, bumulagta na lang ako sa sahig. Napaiyak at muling inatake sa puso.

Ang ipinangako kong one day, Pogi, ay one week ang naging effect sa'kin. Isang linggo raw akong hindi nagising. Sleeping Beauty lang ang peg. Ganern! Nang magising ako, nagpaliwanag siya sa'kin.

"I brush, brush, brush, three times a day, Pedro, but why? Paano mo nagawang makipaghalikan sa iba? Kulang pa ba? Kulang pa ba ang gamit kong toothpaste at toothbrush? Paano mo nagawa 'yun sa'kin?" natatandaan kong sinabi ko sa kanya.

Nagpaliwanag siya sa'kin. Ninakawan lang daw siya ng halik. At dahil ninakawan siya, ayun, binawi niya lang. Dahil maliwanag pa sa sikat ng bituin ni Kuh Ledesma ang paliwanag niya, at dahil matalino ako, madaling makaintindi, mabilis umunawa, at natural na uto-uto, naniwala ako sa lahat ng sinabi ni Pedro. Mahal ko pa rin talaga siya kaya tinanggap ko pa rin siya. At dahil hindi ko naman mahal ang babaeng nagnakaw ng halik kay Pedro, siyempre, nag-ipon ako ng lakas, saka ko siya sinugod para kalmutin, kurutin, sapakin, at sabunutan. Nakakuha ako ng ilang hibla ng buhok niya kaya ipinakulam ko na lang siya. Dejoke lang 'yung kulam. Sayang ang pera ko. Ipangsa-Starbucks ko na lang kasama si Pedro.

Nang makaganti na ako dun sa babaeng snatcher ng kiss, at matapos akong muling ligawan ni Pedro, pinatawad ko siya. "Kami Na Uli Book 2" naman ang drama namin. Sa sobrang saya niya nang magkabalikan kami, sabi niya, "Saaa... Tamang timpla! Dalawang linggong aabot din... Sa tamang timpla, dalawang linggong aabutin ang sampumpisong Joy! Joy! Joy! Joy! Joy!" Punong-puno kasi kami ng Joy.

Nagdaan pa ang mga araw, at ang landas nami'y hindi pa rin naliligaw. Napatunayan namin sa isa't isa with dry seal pa na talagang nagmamahalan kami 'till death do us part. 'Till death do us part. 'Till death do us part. Oh, my God! Masarap ulit-ulitin. Ahihihi

Love,

Magandang Corazon

PS: Walang kinalaman si Pedro kay Juan, at promise, hindi ako ang unang aswang!

Author's note:

Sobrang salamat sa first letter sender. Grabe as in grabe talaga! Hindi actually Corazon ang name na gusto ng sender. Ang problema, 'yung name na gusto niya, eh, bansag na sa'kin ng kaibigan ko kaya para hindi maging personal sa'kin, sinadya kong ibahin.

Sobrang bad trip ako kaninang umaga na kulang na lang, eh, manakit na ako ng tao nang bigla kong naalala na may lumiham nga pala. Sinubukan kong i-edit pero habang nagbabasa ako kanina at nag-eedit, bigla akong natawa nang sobra-sobra sa part na inatake, ta's paggising niya, sila na ng best friend niya! Hahahahahahhahaa petunia! Mga malalandi! Sa letter sender, sana ma-enjoy mo kung paano ko binalahura ang liham mo. Hahahahhahaa. Sobra akong ginanahan habang nire-revise at pinapalamanan ang liham mo. God bless sa inyo ng best friend mo. :)

Dear PogiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon