Chapter 1Gang
Sikat ng araw ang tumambad sa akin, inilapag ko ang bag at ginawang unan ito. Nakahiga ako sa damohan. Kasalukuyan akong nasa garden, nakahiga sa bermuda at nakatingala sa langit. Mainit man ay nilabanan ko ang sinag nito. Naalala ko dati ang mga training days ko. Ang pagbuo ko sa gang, suhestyon pa ng aking great grandfather. Dugo't pawis ang iginawad ko para lamang umabot sa ganitong ranking.
Dati pa man ay inilihim na ng aking mga magulang ang totoo. Nakilala ko ang lolong ito, siya daw ang totoo kong great grandfather. That was a long time ago when he approaches me. Sinabi niya sa akin ang totoo, hindi ako tunay na anak nila Mommy at Daddy. Still, I'm thankful to them. Kahit na nilihim nila ito at hanggang ngayon nakatagong lihim parin ang katotohanan.
Malaking palaisipan parin sa akin kung bakit alam ng matanda ang tunay kong pagkatao. Ang sabi niya sa akin ay malakas daw at maimpluwensya ang aking mga totoong magulang, he never mentioned their names and state.
He always said na malalaman ko ang lahat sa tamang panahon.
"Princess, Bakit nandito ka pa?" napatigil ako sa pag-iisip ng marinig ang boses ni Alyssa.
"Hinihintay kayo malamang, " malamig kong turan.
Kahit hindi ko kita ay naiimagine ko na ang pagkamot nito sa kanyang ulo.
"Sorry naman. Dinala ka namin agad dito, may nangyari kasi... Kasi yung ano may....." aniya sa nanginginig na boses.
Bumangon ako at hinarap siya, hindi mapakali ang kanyang kamay namumuo narin ang pawis sa kanyang noo. Her shoulder length hair sway as she kept looking from left to right. Kita rin ang lito sa mala- bughaw nitong mga mata. She's acting strange.
"Nangyari? What happened?" tanong ko.
Nag-alanganin pa itong sumagot sa akin. Nang sa aktong magsasalita na ito ay sumulpot naman din ang dalawa.
"Oy Cess! Andito ka lang pala kanina ka pa namin hinihintay." salubong ng babaeng may hanggang bewang na buhok, her blue highlights are evident and it paired to her aqua eyes, it's Shaira. Tumango lamang ako.
"Anong nangyari Alyssa?" seryosong baling ko ng tanong muli sa kanya.
Napakamot ito sa kanyang noo 'saka tumingin na sa akin. "Nangyari?--Ah! Yung nangyari na nanalo tayo sa laban. Oo nanalo tayo!" agap nitong salita at ngumiti sa akin.
I know she's hiding something, sana lang ay hindi ito masama.
"Okay. Tara na."
-
Gabi na at nandito kami sa bahay ng magulang ko. Iniisip ko parin ang nangyari kanina, why would Alyssa lie to me? Palagi ko paring naalala yung tungkol sa panaginip ko. It was almost surreal. Akala ko nga nandoon na ako sa aktong panaginip ko. I've never been this clueless, but this time wala akong maisip. Ugh. It's damn frustrating me.
Napabuga ako ng hangin at tinignan ng matumal ang tatlo. They were sitting next to each other, and exchanging glances as if they were communicating inside their head.
BINABASA MO ANG
Louise Magical Academy: Finding the Lost Elemental Princess (REVISED)
FantasyPrincess Lim fulfilled her Lolo's mission to become the leader and rank 1 gangster in the Philippines. But a peculiar phenomenon happened during their gang fight. Magical royalties appeared and she was mistook as the lost princess and has been dragg...