Chapter 1

7 0 0
                                    

"Espren!! Dalian mo naman aba!!"

"Teka nga men, hi-hinihingal na ko!!"

"Syyett espren ayan na.. konti nalang!!"

"wait, yan na antayin mo naman ako!"

"Hhhaaaayyy, sa wakas.."

"Grabe ka men, pinagod mo ko dun ah! Hooohhh!!"

"Hahahahhhahhaha"

Oh?? Baka kung ano iniisip nyo ah!

Kasama ko ang nagiisang espren ng buhay ko. Si Kevin.

"Espren, buti nalang wala pa si maam nuh" tuwang tuwang sabi ni kevin.

" paranoid ka kasi men masyado! Hahahahaha!"

Tumatakbo kame papuntang classroom, akala kasi namen andito na si Maam Burubugan.

Yes, tama po kayo ng pagkakabasa, Maam Burubugan talaga. Ang sagwa nuh!

"uy guys anjan na si maam!!" Sigaw ng kaklase kong si Mikee.

Nagsiayusan naman ng upo ang magagaling kong kaklase.

Terror kase ung pakshet na yun eh!!

"Good Morning class." Malamig na sabi ni Burubugan. Basto ko eh nuh!?

"Good Morning maam."

"Ok, bring out 1 whole sheet of paper ang make a summary about our past lesson."

Tss... -_-! Punyemas di ba. 2nd day palang ng klase pero ganyan na sya agad.

Science teacher yang lintik na yan, bwisit!

"Uy Gab, penge namang papel oh!" Ang dakilang buraot kong espren.

"Oh ito, yang kaseng bag mo puro ballpen ang laman, tapos wala ka namang papel. Tukneneng useless lang men!!"

Biglang pout ni Kevin, gwapo sana to eh, kaso walang talo talo.

Ang tropa ay tropa!

"Gab naman! di ba nga ako sa ballpen, tapos ikaw sa papel." Nginitian nya lang ako ng nakakabwisit.

"Oo na!"

Nagsimula na kong magsulat.. ay teka di pa pala ako nakapagpapakilala sa inyo!

Ako nga pala si Gabrielle Marie Villaruz, "Gab" nalang para mas madali, 4th year high school sa Ramlington University.

At yung espren ko?? Ung poging un??

Sya si Kevin Lance Villafuentes, ang tinaguriang pinakagwapo sa buong University.

High school palang kame, pero pati mga college students, sa kanya nagkakandarapa.

Sakin lang yan makulit, pero pagdating sa iba para syang yelo.

At ako naman, sabi nila maganda daw ako. Tss. Alam ko naman eh. Hahhaha, joke lang. 5'5 ang height, balingkinitan, mahaba ang buhok tsaka maputi.

1st year high school ko nakilala yan si Kev. Pano?

hmmm.. ganto kase yun..

FLASHBACK

"GRABEEE! Nakita nyo ba yung lalake sa 108!!! ANG GWAPO NYA SOBRA!!"

"OO MGA SIS NOH! NAKAKALAGLAG PANTY!"

"FOREVER NA ITO!! AAAHHHH!"

Lintek yan, kakapasok ko palang ng school tapos babasagon na nila eardrum ko!-_-///

Nagkakagulo sila, may artista ba??

"Teka? Anung room number ko nga pala??"

Ulyanin na po kase ako, tsaka hello?? Ang ayoko sa lahat ung first day of school.

Ang korni kaya!!

"105.. 106.. 107.. 108!!! Sa wakas!"

Pagpasok ko sa room, may pinagkukumpulan ung mga babae sa unahan.
Sino kaya yun?

"Kuya sang lupalop ng mundo ka galing!!??"

"BAT ANG GWAPO GWAPO MO!!"

Hay, mukhang alam ko na kung bakit kanina pa maiingay yang malalanding yan!

Umupo nalang ako sa pinakadulo, at pinasak ko nalang yung earphone ko, kaiingay eh!

"PWEDE BA TIGILAN NYO KO! ITS SO ANNOYING BITCHES!!!!"

At yun.. grabe! Beastmode si koya! Sabay walkout at labas ng room.

Kahit ako naman, mabibwisit kapag may mga malalanding nakapaligid
sakin..

"Good Morning class"

Ay may teacher na pala, di ko na narinig ung ring ng bell, pano iingay naman ng mga to.

"Patabe ah." Biglang sabe naman ng nasa likod ko.

Pagtingin ko...

Kaya naman pala sya pinagkakaguluhan eh.

Blue eyes, mga nasa 5'9 ang height, well built ung katawan pero di naman panget tignan. At ang ngiti nya...

BOOM!! KILLER SMILE!!

"Kevin nga pala"

END OF FLASHBACK

AFTER ALLWhere stories live. Discover now