Chapter 2

1 0 0
                                    

Gab's POV

"Ok class that's all for today. See you tommorow"

Hay sa wakas. History nga pala un. Boring talaga nung subject na yun kahit kailan.

"espren tara na! Gutom na ko" biglang hila sakin ni kevin.

"Teka nga. Pag ako sumubsob, lagot ka talaga saken!"

"Blah blah blah. Bilisan mo nalang."

Sa babang floor lang naman ung cafeteria tapos ang oa nya na.

"Buti nalang di pa puno!" Nakangiting sabi niya.

Puro pagkain tlaga ang alam.

"Gab hanap ka na ng mauupuan naten, oorder na ko.*^▁^*"

"Oo na.-_-"

Kung di ko lang talaga kaibigan.

Dun ako sa may malapit sa aircon, syempre para malamig. Habang inaantay ko si Kevs..

*boooogsh*

Teka ano un??

Tinignan ko kung san nanggaling ung tunog na un. Parang may sinuntok ng sobrang lakas.

Pagtingin ko dun pala sa may pilahan para makabili ng pagkain.

Tumayo ako at lumapit dun. konti palang naman ang nasa cafeteria, kaya konti lang din ung mga usisero.

"Oh ano? Bat ka ganyan makatingin?? Lalaban ka ba ha?!!"

Tss. Si Wade, ang numero unong pasaway of our batch. May binubully nanaman syang bago.

"Grabe talaga si Wade nuh."

"Transferee ata yan eh."

"Oo, classmate ko yan. Nathaniel ata pangalan niyan."

Chismosa alert. Hay, mga tao talaga ngayon oh.

Hinanap ng mata ko si Kevin, pero wala sya sa may pila.

"Asan na un?" Sabi ko sa sarili ko.

"Oh? Ano bat ang sama mo tumingin jan?"

Siraulo talaga to si Wade. Halos di nga siya matignan ng maayos nung Nathaniel dahil siguro sa takot.

Tumingin ako sa mga mesa sa likod.

At ayun ang loko. Kumakaen na magisa. Para talagang PG un!

"Pasensya na." Sabi nung Nathaniel

"Tss. Alam mo ba kung magkano tong sapatos ko na nalaglagan nung salamin mo." Si siraulo.

Salamin? Napatingin ako sa baba.

At ayun, may basag na salamin.
"Di ko naman sinasadya eh." Pagtatangol nung Nathaniel sa sarili niya.

"Aba't sumasagot ka pa ah!"

Ambang susuntukin na ni Wade ung transferee. Tss gago talaga.

"Itigil niyo na yan."

"G-gab, i-ikaw pala."

Nakakaengot na kase to si Wade eh. Tuwing may transferee ginaganyan nya.

Malungkot ata childhood nito eh.

"Oh? Tapos ka na ba? Ang ingay mo eh." Malamig na sabi ko.

Tumungo naman si Wade at si transferee pinulot ung basag nyang salamin.

"Kase sya eh! Pano pag nagasgasan ung sapatos ko! Mababayaran ba to ng pulubing yan!??!"

Sumisigaw nanaman. Bwisit.

"Ilan bang ganyang sapatos ang gusto mo? Bibilhan kita. Isang truck? Ok na ba un?"

Biglang sumabat sa may likod ko. And hearing that voice, I think it is Kevin. Yabang talaga.

"K-kevin?" Takot na yan si Wade.

"Alam mo bang di pa kumakain yan si Gab dahil jan sa kaepalan na ginagawa mo?" Palapit si Kevin kay Wade habang sinasabi niya un at biglang tumingin sakin.

"Ikaw naman espren, tama na yang pagiging tsimosa mo. Kumaen ka na dun."

Kita mo to. Pati ako dinamay.

"At ikaw, wag mo ng sayangin ang oras mo sa mga ganyang tao. Pag may gumalaw sayo dito, sabihin mo lang pangalan ko o kay ni Gab. Get it??"

Busog na to. Kaya ang daldal na.

Si transferee naman. Nakatingin lang sa kanya and he nodded. At umalis na.

"Kayo naman, bumalik na kayo sa mga pinag gagawa niyo."

Tss. Unbelievable.

Pagkatapos niya kumaen ng matindi dun, biglang sermon siya jan?

Di ko naman na siya pinansin at bumalik sa mesa namen.

Pabalik na sana ko sa mesa ng biglang may humarang sakin.

"Salamat nga pala. Para sayo oh." Si transferee na may hawak na strawberry sundae. Favorite ko un!!

"Ah. Wala un. Salamat din dito." Un lang sinabi ko at tinanguan niya ko.

"Pinupormahan ka kaagad nung transferee ah"

"Tss. Tigilan mo ko Kevin ah. Gutom na ko."

"He's not your type right?" Seryosong tanong sakin ni Kevin.

Sometimes I just really find Kevin damn weird.
Nakatitig lang ako sa kanya, pero wala akong makitang emosyon.

"Of course not." Pagkasabe ko nun bumalik na ko sa table namen at simulang kumaen.

Lasagna and strawberry juice plus ung sundae na bigay ni transferee guy. Sarap nito.

Umupo na din si Kevin, at tinititigan ako.

Ano bang pinaggagawa ng lalaking to? Tss.

"Stop starring at me Kevs, baka matunaw ako." Sabi ko habang iniinum ung juice ko.

He just did a deep sigh.
Problema nito??

*Krrrrriiiinngg*

"Bilisan mo na jan Gab, may next class pa tayo." Malamig na sabi ni Kevin.

Naiinis na ko! Ayoko sa lahat ung ganyan sya. Di ko na tinapos ung sundae ko at nauna na ko bumalik ng room.

Bat ganun sya, ano? Bipolar lang??

Tumingin ako sa likod. Di man lang ako sinundan!

"Fuck! Where did he go?" Iritang sabi ko.

Kevin is so weird.

Is he jealous??

AFTER ALLWhere stories live. Discover now