"Stacey!" Lumingon ako sa tumawag sa'kin at nakita kong tumatakbo ang bestfriend kong si Jenna. Hinawakan ko yung balikat niya para maghalusdili siya.
" ohh, parang may nang hahabol sa'yo ahh? Yung aso na naman ba ng kapit bahay ni'yo kaya ka tumatakbo?" Kumunot nqman ang noo niya.
" stace naman e! Grabe ka naman! Sa tingin mo papasukin ni manong gaurd yung asong yun?" Inisnaban niya ako at inayos niya yung sarili niya. Tumawa naman ako.
"Bakit ka kasi tumatakbo?" Lumiwanag naman yung mukha niya.
"Hindi ba pwedeng nakita kita? Wala akong kasama. Haler? First day of school! Hindi ka ba excited?" Umiling naman ako.
"Hay nako! Kaloka ka talaga! Tara na nga. Tignan natin yung section natin dun sa quad. Malay mo magkaklase tayo! Team work ulit!" Hinila niya ako hanggang sa makapunta kami sa quadrangle. Nakapaskil ang mga sections sa bulletin board kaso madaming taong tumitingin kung anong section nila. Kaso itong baliw kong bestfriend ayun sumiksik, hawak-hawak niya pa rin yung kamay ko so nabubunggo ako ng mga estudyante. Nagrereklamo na sila kasi ang sikip daw. Nang makarating na si jenna sa harapan agad niyang hinanap yung pangngalan niya kaya hinanap ko na rin yung akin.
"Stace! Magkasection tayo oh!" Tinuturo niya yung papel kung nasaan yung mga pangngalan namin. Lumapit naman ako sakanya. Tinignan ko yung mga pangngalan nakalagay doon. Puro bagong estudyante. Buti na lang at may roon akong kaklaseng kaclose ko.
"Oh, ano na?" Ngumiti naman ako sakanya. Hinila ko siya palabas sa mataong lugar na yun. Nang makalabas kami dire'diretso lang akong umakyat sa floor kung na saan ang section namin.
"Hoy! Stace! Hello? Ganyanan e! Iwanan!" Tumalikod siya sa'kin. Kaya lumapit ako sakanya. Hinawakan ko yung kamay niya para hilahin.
"Don't touch me!" Tumawa naman ako.
"Don't touch me? Kamay mong madumi!" Ngumiti naman siya.
"Wash wash ka muna bago touch me!" Nagtawanan kami na naging dahilan nang pagtingin ng ilang estudyante sa'min.
"Ikaw kasi e! Ang ingay-ingay mo. Ayan tuloy!" Kahit kailan talaga.
"Tara na nga." Hihilain ko sana siya ulit pero nag emo na naman siya.
"Wala! Sanay naman na akong iniiwan e. Kaya sige! Iwanan mo na ako! Alis ka na!" Kumunot naman yung noo ko.
"Sure ka?" Tumango naman siya.
"Okay." Naglakad ulit ako papunta sa floor ng classroom namin pero biglang humabol sa'kin si jenna.
"Akala ko ba iwan na kita? E bakit ka bumubuntot sa'kin ngayon?" Bumusangot naman siya.
"Ikaw naman! Hindi ka na mabiro! Joke lang yun!" Tumawa na lang ako.
Nang makarating kami sa classroom halos walang tao. Siyempre andoon sila sa baba tinitignan yung section nila. Duhh, pero may natanaw akong isang lalake sa harap ng aircon solong solo niya yung aircon. Like hello? Pare-parehas lang tayong nagbabayad dito! Hindi siya familiar sa'kin kaya siguro bagong salta ito.
"Stace! Dito tayo sa harapan! Dalii!" Sa harapan? No way! Ako pa pagtutunguan ng pansin ng mga teachers.
"Doon na lang tayo sa likod!" Nagcross arms naman siya.
"Dito. tayo. Uupo. Klaro?" Nakatingin siya sa'kin na akala mo nanay ko.
"Okay, bahala ka diyan. Basta ako? DITO" kinuha naman niya yung bag niya at inilagay dun sa katabing upuan ko. Tumingin naman yung lalake dun sa tapat ng aircon.parang nagugustuhan niya yung palabas. Kaya nung nagtama yung mga mata namin.
"Anong tinitingin mo ha?"saka ko siya tinaasan ng kilay. Kumunot naman yung noo niya at tumalikod muli sa'min.
"Ang hard mo stace! Grabe ka kay kuya pogi." Pogi daw? Yak!
Inisnaban ko na lamang siya at saka natulog.
=======================
"Excuse me,bes?" Umangat naman ang ulo ko at tinignan ang dumistorbo sa pagtulog ko. Nakita ko namang nagulat siya.
"Huwag mo akong ma "bes bes" diyan. Hindi tayo close." Inisnaban ko siya at bumalik ulit sa aking pag tulog.
"Ka taray-taray parang excuse me lang e." Narindi naman ako sa narinig ko.
"Excuse me ba? Oh ayan daan! Tumabi na ako ha? Masaya ka na?" Nagulat naman siya. Kaya tumayo ako.
"Kung bubulong ka siguraduhin mong hindi ko maririnig. Baka sa susunod e mabubulol ka na kapag kumausap ka na ng iba." Pagkatapos nun ay binunggo ko siya. Oo, ganyan talaga ako. Ayaw ko sa lahat yung dinidistorbo ang tulog ko. Tapos siya pang may ganang magalit, siya na nga lang nagtatanong.
Napalingon naman ako dun sa lalakeng nakaupo sa tapat ng aircon. Nakatingin lang siya sa'kin kaya naman tinaasan ko ulit siya ng kilay. Kumunot naman yung noo niya. Inisnaban ko siya at lumabas ng classroom. High school? May makakaaway na naman ba ako? Bahala na.
BINABASA MO ANG
True Colors Reveals itself
Teen FictionFriendship, relationship are wrecked just because of being fake and unloyal. Status update? None. She's that girl who doesn't let anyone just downgrade her. She's that girl who cares for her family, friends, relationships ofcourse God. She's sweet a...