Chapter 3

2 0 0
                                    

Sy's Pov

"Sy gising na. Nandito na tayo. Sy! Sy! Wake up!"


Nagising ako sa pagtapik ng kung sino man to sa pisngi ko.

"Huh? Okay"

Sabi ko sabay mulat ng mata. Si Steven pala yung gumising sakin.

"Nandito na ba tayo?"

Tanong ko sa kanga habang naguunat.

"Yup so wake up and fix yourself then bababa na tayo"


Agad akong nagayos ng sarili at sabay na kaming bumaba papuntang departure area para kunin yung mga bag namin.


"So saan na tayo ngayon?"

Sabi nya sakin habang kinukuha ang mga bag namin.

"Sasakay tayo ng taxi para pumunta sa isang hotel na sinabi ni Uncle Sean at bukas na bukas papasok na tayo sa school"

Sabi ko sa kanya at nanlaki ang mata nya sa gulat.

"What?! Bukas na bukas agad?! Di ba pwede next week muna?"

Sabi nya na parang naghihisterical na dito.

"Calm down Steven! Wala tayong magagawa thats an order"

Napa-sigh nalang sya kaya wala rin sya nagawa.


"Tara na pumara na tayo ng taxi at pumunta na sa hotel na sinasabi ni Uncle"


Sabay kaming lumabas sa airport at pumara na ng taxi.


Pagsakay namin sa taxi pinakita ko sa driver yung address ng hotel at agad naman nyang pinaandar.

Pagdating namin sa hotel ay agad kaming nagbayad at bumaba.

Pumasok na kami sa loob at dumiretso sa lobby.

"Goodafternoon Maam and Sir how may I help you?"

Sabi ng admin sa amin. Pinakita ko naman sa kanya yung Agent ID ko at nagulat sya.

"Ay kayo po pala ang sinasabing agents na darating ni Major Sean. Room 246 po here's your room pass"

Sabi nya sabay abot ng isang key card samin.

Agad kaming pumunta ni Steven sa kwarto at laking gulat namin ng iisa lang ang kama pero maluwag naman.

"Ahm kung gusto mo sa sofa nalang ako okay lang naman ako doon"

Sabi ko sa kanya kasi ang awkward tignan pag magkatabi kami sa iisang kama.

"No ako nalang sa sofa ikaw nalang sa kama"

Sabi nya at nagayos na ng gamit nya kaya no choice na ako kundi sa kama nalang matutulog.

"Sy gusto mo sumama?"

Yaya nya sakin habang nagaayos ako ng gamit ko.

"Baket saan ka ba pupunta?"

Sabi ko sa kanya.

"Dyan lang sa tapat na restaurant nagugutom na kasi ako di pa tayo nanananghalian ikaw? Di ka pa ba gutom?

Sabi nya sakin. Sa totoo lang di ko dama yung gutom ko kaso masama rin magpalipas kaya sumama nalang ako sa kanya.

Pagkatapos namin magayos ng gamit namin ay lumabas na kami at pumunta sa sinasabi nga nyang restaurant.

Pagpasok namin pinagtinginan agad kami ng mga tao.

Take A Chance, Take A RiskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon