Chapter 5

2 0 0
                                    

Major Sean's Pov

"Maayos na ba ang mga papeles na kailangan ko?"

Sabi ko sa isang staff dito sa headquarters

"Yes Major ayos na po lahat"

"Okay I'll update you as soon as possible"

Agad naman syang umalis.

Soon malalaman ko din kung sino ka. Wait and see

---
Sy's Pov

San punta nun?. Ay! Bahala sya galit ako sa kanya.

Nilock ko nalang yung pinto dahil yun naman palagi nyang bilin sakin. Pagkalock ko ng pinto naligo nalang ako para mapreskuhan ako.

Pagtapos ko maligo agad akong nagbihis at nagpatuyo ng buhok.

Di pa ko nakakapagpatuyo ng buhok maigi biglang may kumatok.

"Sy si Steven to! Pabuksan ng pinto!"

Sigaw ni Steven sa kabilang banda ng pinto. Pinagbuksan ko naman sya at dumiretso ako agad sa sofa para manuod ulit.

Nakita ko sya dumiretso sa kusina. Di nya talaga ko susuyuin? Pwes bahala sya dyan!.

Maya maya pa tumabi sya sakin sa sofa pero dedma lang ako.

Naramdaman ko yung kamay nya na inilingon yung mukha ko sa kanya. Di ko nanaman maiwasang mapatingin sa kanya.

"Look Sy Im sorry for what I've told you lately. Promise! Pinagsisisihan ko na. Ito nga oh may peace offering ako sayo. Look!"

Sabi nya sakin habang nakatingin ng diretso sa mata ko. Dama ko yung sincerity sa boses nya. May inabot syang plastik sakin pag bukas ko nakita ko isang gallon nanaman ng strawberry ice cream at isang bff fries.

"Para sakin lahat ng to!?"

Sabi ko ng di tinatanggal ako tingin ko sa pagkain na nasa harap ko. Grabe! First time may mageffort sakin ng ganito syempre except Uncle Sean.

"Yup! So bati na tayo?"

Sabi nya sakin sabay hinawakan ang kamay ko.

Sheemms! Puso ko maghunos-dili ka!.

"Yup"

Sabi ko habang nilalantakan na ang fries.

"Yes! Thanks Sy! Di ko na uulitin yun promise!"

Ngumiti nalang ako sa kanya at pinagpatuloy namin ang panunuod.

---
Ramera's Pov

"Ramera two men coming to your place be alert!"

Sabi ni Simon sa radyo.

Maya maya pa ay nakita ko na yung dalawang lalaki na tinutukoy nya.


Pagkalapit nila sa pisisyon ko agad ko inagaw ang baril nung isa at pinihit ang ulo sabay baril dun sa isa nyang kasama.

"Clear"

Sagot ko sa radyo.

Agad akong dumiretso sa kwarto at agad itong binuksan. Pagkabukas ko bumungad ang isa naming agent na nakatali sa parehong kamay at paa habang nakatape ang bunganga.

Pagkakalag ko sa kanya sa tali ay agad nya akong tinulak palayo kaya natumba ako at laking gulat ko ng makita syang nakahandusay sa sahig at wala nang malay.

Take A Chance, Take A RiskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon