Ramdam na ni Reality ang patak ng ulan kaya mas lalo niyang binilisan ang paglakad papuntang waiting shed nang makasakay na agad. Wala pa man din siyang dalang payong.
"Walo pa! Walo pa!" , malakas na sigaw ng barker ng jeep na paparating.
Dali-dali nang sumakay si Aly. Bahala na si Batman kung san man siya mapadpad. Nagrequest siya ng bakasyon sa opisina and their boss give her two weeks. Di man lang ito nagtanong kung bakit basta pinirmahan lang ang request leave niya. Sabagay babae din to kaya malamang sa malamang naramdaman siguro niyang may pinagdaraanan si Aly.
"Bayad po." , sabi ng aleng katapat ni Aly na nag aabot ng bayad nito.
Maya-maya nagpara naman ang katabi ni Aly na magnanay. Bale mag isa na lang siya nakaupo sa left side ng jeep at may lima naman sa right side."Manong bayad po. Pasuyo na lang po." , habang inaabot ang bayad na turan ni Reality.
"Isa lang?" , malakas na tanong ng driver.
"Opo. Mag isa na lang po!" , malakas na sagot ni Aly na nakapagpalingon sa lalaking nakaupo sa bandang harapan.
The guy smiled at her.
Hala! Natuwa siya dun.
Aly smiled back. Mukha namang natuwa lang ang lalaki sa sagot niya sa driver kaya siya nito nginitian."Saan to?" , tanong ulit ng driver.
"Hanggang sa dulo po ng byahe nato."
"Hanggang Cubao lang ako."
"Okay po."
Sinuklian na siya ng driver at nagpatuloy na sa byahe.
Aly looked at her phone to check kung anong oras na. And plug her earphone to listen to a song. Pinindot niya lang yung shuffle play. At kung nanadya nga naman talaga ang tadhana. Tumugtog ang kantang kasalukuyang kanta ng puso niya.
Before I let you go ng Freestyle.
Pinilit niyang hindi umiyak. Tanga lang. Ayaw din namang ilipat yun kanta. Haaayyyy. Maya maya tumutulo na yun luha niya. Nagkunwari siyang parang napuwing sabay punas ng luha.
Minutes later naramdaman niyang may tumabi sa kanya ng upo.
Yung lalaking ngumiti sa kanya kanina.
"Miss, wala akong panyong maiaalok pero pede mong pamunas tong damit ko." , mahinang turan nito habang nakangiti."Hahaha. Napuwing lang ako." , kaila niya habang pinipilit na magmukang masaya.
"Ganyan din ako. Nung iniwanan niya ko. Denial stage. Lilipas din yan Miss. Parang masamang panahon, bukas makalawa maaraw na ulit." , seryoso pero nakangiti pa rin nitong sagot.
"As much as I wanted to accompany you pero hindi pwede. I need to go to school ,exam pa naman namin bawal umabsent." , paalam nito bago pumara.
Lumingon pa to ng nakababa na at ngumiti kay Aly habang kumakaway.
Aly heaved a sigh.Thank you God for letting that guy to say those words to me.
Kahit papano nabawasan yun bigat na nararamdaman ni Aly.
BINABASA MO ANG
Mending Her Broken Heart
Short Story"Minsan naman hindi mo kelangan na kalimutan siya. Matuto ka lang na mabuhay na alam mong hindi na siya babalik pa. Matuto kang mabuhay na mag isa. Matuto kang maging masaya para sa kanya , para sa kanila at para sa sarili mo. Ang ititigil mo lan...